Daemon Nakatanggap ako nang sunod-sunod na suntok sa mukha mula sa ama ni Mhina. "Mister Said!!" Tinangka siyang pigilan ng ilan sa mga kapatid ko pero kaagad ko silang sinenyasan na hayaan siya. I just accepted all of that. After all, I deserve it. I f*****g deserve it! Kulang pa nga ito para sa mga kagaguhang ginawa ko sa anak niya. Muli niya akong pinaulanan ng suntok sa mukha hanggang sa bumagsak na ako sa sahig at ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula sa ilong ko. Kaagad naman akong inalalayan ng mga kapatid ko. "Ipinagkatiwala ko sa iyo ang anak ko! Tao kitang tinanggap sa pamamahay ko! Pero ano itong ginawa mo?! Hinding-hindi kita mapapatawad!" Dinuro niya ako. Namumula siya sa sobrang galit sa akin at hindi ko sila masisisi. "Tama na, Morgan. Halika na. Puntahan na natin ang a