Mhina Nang magising ako ay purong puting kisame ang bumungad sa akin. Ilang sandali akong napatulala doon bago ako dahan-dahang lumingon sa paligid. Nasaan ako? Puro puti lang ang nakikita ko sa buong silid na ito. Hanggang sa masiguro kong isa ito sa mga silid ng hospital dahil sa ilang apparatus na naririto at kakaibang ambiance ng paligid. Dumako ang mga mata ko sa babaeng nakayukyok sa tabi ko at hawak ng mahigpit ang kamay ko. "M-Mama..." Anong nangyari? Bakit kami naririto ngayon sa hospital? Pilit kong inalala ang mga nagdaan. Kumilos si Mama hanggang sa bumangon at tumunghay sa akin. Namumula at namamaga ang mga mata niya na tila nanggaling sa mahabang pag-iyak. "A-Anak." "Mama, a-ano pong nangyari?" Napakunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya. Hanggang sa biglang