Mhina "Kuya!" "Tama na!" Halos nagkapanabay kami ni Mama sa pagsigaw nang makita kong susuntukin ni kuya si Daemon. Oh, baka nga kanina pa niya 'yan ginagawa dahil sa mga sugat nang tinamo ni Daemon ngayon sa mukha. Napansin ko rin ang ilang bahid ng dugo sa kamao ni kuya Max. Kaagad naman silang napalingon sa kinaroroon namin ni ate, gano'n din si Daemon. Kaya naman mas lalo kong natunghayan ang marami niyang pasa sa mukha at sugat sa kanan niyang kilay kung saan dumadaloy ang marami niyang dugo. "M-Mhina..." Mas lalo siyang naging emosyonal kasabay nang pag-agos ng mga luha niya sa pisngi habang nakatitig sa akin. Nanikip ng sobra ang dibdib ko sa nakikita kong ito sa kanya. Simula sa isang mataas na uri ng tao at tinitingala ng lahat, ngayon ay halos hindi ko na makilala. Tumayo