Daemon "Ouch!" Halos manginig ang mga ugat ko nang lumapat muli ang bulak na hawak ni Maurice sa mga sugat ko at maramdaman kong muli ang matinding kirot mula sa alcohol na naroroon. "Tsk. May mas sasakit pa pala sa mga suntok na natanggap mo mula sa kuya ko at sa sugat sa puso mo ngayon mula naman sa bunso namin," sarkastikong saad niya sa akin bago niya muling inilapat ang cotton na hawak niya sa mga sugat ko sa pisngi. "f**k!" I endured the intense pain it brought to me, ripping through my damn muscles and veins! "You can file a case against them. I'll call attorney Luther right away," kaagad na saad ni Darren na may kasamang pagsulyap kay Maurice. He immediately grabbed his phone out of his pocket. Pansin ko ang paghinto ni Maurice at pagkawala ng kulay niya sa balat. "No," mah