Mhina "Hey, kumain ka na. Baka mangayayat ka niyan. Hindi ka kumakain at kung kumain ka naman, ang konti-konti." Napalingon ako kay Ana na kapapasok lang ng pinto ng silid ko habang may buhat na tray, na naglalaman na naman sigurado ng mga kung ano-anong pagkain. Umayos ako nang pagkakasandal ko sa headboard ng kama. Nasa tabi ko ang mga anak ko at mahimbing na ngayong natutulog. Kanina ay napakahirap patulugin ni Micah. Umiiyak siya at palaging tinatawag ang dada niya. Ayon kay ate Joan na girlfriend ni kuya Max ay gano'n na raw si Micah simula noong makuha nila ito mula sa mga Johnson. Palaging umiiyak at hinahanap ang dada nila. Kaya sa tingin nila ay naging hands on noon sa pag-aalaga si Daemon at gano'n na lang kalapit sa kanya ang baby girl namin. Ngayon ay nasagot na ang mga ka