"Mhina." Biglang nalipat ang paningin ko kay Ana na ngayon ay nakatingala na pala sa kinaroroonan ko at tila nagulat na makita ako ngayon dito. Kaagad ding napatingala sa akin ang lahat kasunod ang mabilis na pagpatay sa television. Nakita kong si kuya Max ang may hawak ng remote control. "A-Anong ginagawa mo d'yan? May kailangan ka ba? Naubos mo na ba 'yong pagkain mo?" muling tanong ni Ana kasabay nang pagtungo niyang muli sa hagdan. Mabilis ding tumayo si Mama at sumunod sa kanya. Hindi ako nakakilos mula sa kinatatayuan ko dahil sa kabiglaanan. Sila kuya Max, Papa at ate Joan naman ay nanatili lang sa kinauupuan nila ngunit mababakas din sa hitsura nila ang kabiglaanan. "Mhina, pumasok ka na sa loob. Bakit mo iniwan 'yong mga bata?" Kaagad akong nilapitan ni Mama at inakay akong