Natahimik silang lahat, at nakatingin lahat sila kay Harold. "Ano na Harold?" tanong ni Phrylle na sobrang pag-aalala sa asawa kung ano na ang lagay nito. "Sa ngayon ay ligtas na siya, maraming dugo ang nawala sa kanya, mabuti na lang at may dugo na kaparehas ng type niya." ani Harold sa malungkot na boses. "Ok na ba talaga siya?" tanong ni Phrylle. "Phrylle, kailangan mon ihanda ang sarili mo sa kung ano man ang mangyari kay Gavin." ani Harold kay Phrylle. "Bakit ayaw mong sabihin sa akin ang totoo kung ano talaga ang lagay ng asawa ko!" sigaw ni Phrylle, at nag-umpisa na itong nanghina sa nalaman, kaagad naman siyang dinaluhan ni Olivia, at inalalayan na umupo muna. "Nandito lang kami, sama-sama nating harapin ang lahat." ani Olivia kay Phrylle. Tinawag naman ni Harold sina Luke,