Gulat na gulat si Phrylle, kung bakit nandoonang kanyang mga magulang kasama ng mga magulang ni Gavin. "Phrylle, anong ginawa mo rito?" pagtatakang tanong ng kanyang mommy. "W-Wala, dinalaw ko lang si Gavin." nauutal na pagsisinungaling nui Phrylle, sabay punas sa kanyang luha sa pisngi. "Umiiyak ka?" tanong ng kanyang mommy na papalapit sa kanya. "A-ah-- naaawa lang kasi ako sa kanya sa nangyari ka sa kanya." pagsisinungaling ulit ni Phrylle sa magulang, ayaw pa rin niyang ipaalam ang tungkol sa kanila ni Gavin, hihintayin niya itong magising. "Ah ganoon ba, nabalitaan kasi namin na nadisgrasya siya, kaya kaagad din kaming pumunta rito, kasama ang kanyang mga magulang." sabi ng kanyang mommy, alam ng kanilang pamilya na magkakilala sila ni Gavin, dahil naging bodyguard niya ito at th