Tila bomba sa pandinig ni Paul ang kanyang narinig mula kay Phrylle. Bigla nitong nabitawan ang hawak nito na baso. "Anong sabi mo?" tanong ni Paul kay Phrylle, gusto niyang marinig ulit ang sinabi ni Phrylle. "Wala, kalimutan mo na." ani Phrylle. Halos hindi makaimik si Paul sa kanyang nalaman. Napaupo ulit si Paul sa upuan, nakatingin siya kay Phrylle, ngunit ang tingin niya ay tagos kay Phrylle, hindi pa rin siya naniniwala sa kanyang narinig kanina. Hindi niya alam kung totoo nga ba ang sinabi ni Phrylle. Tinawag naman ni Phrylle ang kanyang secretary para linisin ang nabasag na baso kanina, at kaagad naman nitong nilinis. "Matagal ka pa ba?" tanong ni Paul kay Phrylle na busy pa ito sa ginagawa. "Yes, marami pa akong gagawin." sagot naman ni Phrylle, pero sa totoo lang ay wala