Gulat si Paul sa inamin ni Phrylle sa kanya. "Mahal mo si Gavin? pero anong ginawa mo? pinagkait mo sa kanya ang lahat noong nabubuhay pa siya! iyan ba ang pagmamahal na sabi mo?" sumbat ni Paul kay Phrylle, "Alam ko, maling-mali ako, pero nakikiusap ako sa'yo na, ilihim na lang ang tungkol sa anak namin." pakiusap ni Phrylle, habang umiiyak. "Napaka-unfair mo, Phrylle, hindi lang ikaw ang may karapatan sa bata, tandaan mo!" galit pa ring sumbat ni Paul sa kanya. "Please, tama na, kapag malaki na ang bata, pinapangako kong ipapakilala ko rin siya sa mga magulang ko at sa mga magulang ni Gavin." ani Phrylle. "Pag-iisipan ko ang pakiusap mo, dahil para sa akin, maling-mali ang ginagawa mo!" mariin na sabi ni Paul. "Paul, alam kong naiintindihan mo ako." ani Phrylle. "Naiintindihan? fo