Nagulat na lang si Phrylle nang biglang may humawak sa kanyang baywang. "Phrylle." tama na, bulong nang isang tinig sa kanyang taenga. Hindi alam ni Phrylle ang gagawin sa mga oras na iyon, parang nasa ulap siya ng marinig niya ang boses ng isang lalaking bumulong sa kanya. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Kahit pa lasing na lasing siya alam na alam niya kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Unti-unti niyang itinaas ang kanyang ulo para siguraduhin kung tama ba ang kanyang hinala. "G-Gavin?" nauutal niyang sabi, or baka namamalikmata na naman siya at mamaya ay si Paul na naman ang nasa kanyang karapan. "No, no!" alam kong hindi ikaw si Gavin, alam kong lasing na ako, pero sino ka ba para hawakan at pigilan ako sa aking ginagawa ha? hindi mo ba alam na ang dami kong problema?" an