"Phrylle, si Paul 'to." ani Paul, dahil tinawag siya nitong si Gavin. "No!" si Gavin ang humalik sa akin!" pagmamatigas na sigaw ni Phrylle. "Phrylle, dalawa lang tayo na nandito sa room na ito, at walang Gavin na nagpakita rito." saad pa ni Paul kay Phrylle. " Alam kong nandito si Gavin at buhay siya!" sigaw ni Phrylle. Dahil hindi talaga siya naniniwalang patay na ang asawa ang alam niyang kasama niya si Gavin sa hospital, at ang amoy nito ang kanyang naamoy kanina lang. "Phrylle, huminahon ka, siguro dala pa 'yan ng matagal mong pagkakatulog, tatawagin ko ang iyong doctor." ani Paul at lumabas na ito para tawagan ang doctor ni Phrylle. "Lumingon-lingon si Phrylle sa kanyang paligid at nagbabasakaling makita niya si Gavin or bakas man lang nito, hindi siya nanaginip kanina na may hu