Napahawak si Paul sa kanyang labi, at kitang-kita niya sa kanyang kamay na may dugo ito, sa lakas nang pagkasuntok sa kanya. "A-anong ginagawa mo rito?" nauutal na tanong ni Paul sa kaharap. "Tarantado ka! malamang nandito ako dahil si Phrylle ang nakaratay sa kamang iyan, at kung ikaw sana kahit pa mamatay ka hindi ako magpapakita!" sigaw na sagot ng kaharap kay Paul. "Hindi ko ginusto ang nangyari sa kan... hindi na nito natapos pa ang sasabihin dahil sinugod na naman siya ng lalaki at binigyan na naman niya ito ng isang malaks na suntok si Paul, at hinawakan nito ang damit ni Paul saka niya ito pinatayo. "Ito ang tatandaan mo kapag may masamang mangyari kay Phrylle, itaga mo sa bato, ikaw ang isusunod ko!" sigaw nito kay Paul. Magsasalita pa sana si Paul ng biglang may kumatok sa ro