"Gavin, hindi mo man lang ba susuwayin ang babaeng higad na 'to!?" nanggagalaiti sa galit si Nyle, dahil sa ginawang pagbuhos sa kanya ni Nyle ng malamig na tubig, sa harapan pa mismo ng kanyang kaibigan. "Kahit pa maglupasay ka diyan sa kinatatayuan mong gaga ka, walang tutulong sayo!" galit na sabi ni Phrylle, nanonood lamang ang mga kaibigan nila na sa palibot nila walang nakialam sa mga kaibigan ni Gavin. "Ikaw ang higad!" sigaw ni Nyle kay Phrylle. "Ay ako pa talaga ngayon ang higad, tanga!" ani ni Phrylle sabay hila ng buhok nito sabay subsob sa table, hindi niya papalampasin ang mga panlalait nito sa kanya, dahil una walang siyang ginagawang mmasama sa babae, at ayae niyang pinapahiya siya sa harapan ng mga kaibigan ni Gavin. "Phrylle, tama na." pigil sa kanya ni Gavin. "Ano ka