"Ikaw ang nagturo sa akin na maging matigas, Gavin!" mariin na sagot ni Phrylle. "Sagutin mo ang tanong ko, may anak ka?" tanong ulit ni Gavin. "Eh ano kung may anak ako, malamang dahil may matres ako!" padabog na sagot ni Phrylle. "Nagtatanong ako ng maayos sayo." ani Gavin. "P'wes, sumagaot naman ako ng maayos sayo." pang-iinis ni Phrylle na sagot kay Gavin. "Kapag nalaman kong may nililihim ka sa akin, makikita mo!" banta ni Gavin kay Phrylle. "Ako pa ngayon ang tinakot mo? ay wow nakakatakot!" pang-aasar ni Phrylle na may kasama pang action. "Phylle!" inis na bigkas ni Gavin sa pangalan niya. "Oh' bakit naiinis ka?" tanong ni Phrylle na may kasamang pang-iinis sa asawa. "Ayusin natin ang dapat nating ayusin, tandaan mo kasal tayo, at legal ang kasal natin." seryosong sabi ni G