CHAPTER 10

3195 Words
LEIGH’S POV: “Frenemy!” Napalingon ako at napataas ang isang kilay ko nang makita si Arlene na tumtakbong patungo sa kinaroroonan ko. Kasalukuyang kasama ko si Rein ngayon at katatapos lang ng huling subject namin. Nauna nang umuwi si Thea dahil may pupuntahan pa raw ito. Ngiting nakakasuka na naman ang pinukaw niya sa’kin at mataray niya pang binalingan si Rein. Hindi sila magkasundo dahil namamalditahan siya kay Arlene at sobrang arte raw nito. Samantalang si Arlene ay hindi rin niya gusto si Rein dahil wala pa raw siyang ginagawa ay sinusungitan na siya nito. “Kumusta na kayo ni Maxx? Balita ko hinalikan ka daw niya ah.” Napamaang ako sa sinabi niya at napatingin kay Rein. Takang napatingin din sa’kin si Rein at pagkuwa’y muli kong binalingan si Arlene at nakangisi ito sa’kin. Sinasadya ba niya akong buwisitin at sa harapan pa ni Rein? Kung minsan gusto ko nang tahiin ang bunganga niya para tumigil sa kadaldalan. “Is that true, Leigh? Hinalikan ka ni Maxx?!” Napapikit na lang ako sa sinabi ni Rein at inis akong napatitig kay Arlene. “Ninakawan lang naman niya ‘ko nang halik and I don’t have a choice” “Masarap ba Leigh? Oh my God! Hindi na virgin ang lips mo. It means si Maxx ang first kiss mo!” Mabilis akong pumihit paharap kay Rein at kita ko ang pagkamangha niya. He’s not my first kiss, kun’di ang lintek na professor na ‘yon! Buti na lang talaga at wala ang bwisit na ‘yon dahil mqy kailangan daw siyang asikasuhin. Ngayon lang naging payapa ang araw ko dahil wala siya at wala rin kaming lesson sa kaniya. Sana bukas ay wala ulit siya o ‘di kaya ay tuluyan na siyang mawala rito para hindi na umiinit ang ulo ko sa kaniya. “He’s not!” may diing sambit ko kay Rein. “Ha? May iba pa bang humalik sa’yo?” Natigagal ako at nagpakurap-kurap at sandaling hindi nakapagsalita. “I-I mean, hindi first kiss ang tawag do’n. He stole it at hindi counted ‘yon. Maiituring lang na first kiss yo’n when you’re both in love,” palusot ko na lang sa kaniya. Sa expression ng mukha niya ay mukhang napaniwala ko naman siya. Paano pa kaya kung malaman niyang ninakawan din ako ng halik ni Professor Kiefer? s**t naman! Bakit kasi ang tagal matapos ng school year na ‘to para maka-graduate na ‘ko at hindi ko na makita ang nerdy professor na ‘yon. “Ano bang ginagawa mo rito ha, Arlene? May kailangan ka ba?” baling ko kay Arlene na hindi inaalis ang tingin kay Rein. Maarte niyang hinawi ang mahaba niyang buhok at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko at pagkuwan ay inilapit ang bibig niya sa aking tainga. “Frenemy, he’s here at hinahanap ka ng batang kasama niya.” Lumayo na siya sa’kin at sandaling tiningnan si Rein. Bumuka ang mga labi ko at akmang magsasalita pa sana nang sabay-sabay kaming mapalingon. Nakita kong tumatakbo ang isang bata patungo sa kinaroroonan namin at kahit na malayo pa siya ay kita ko ang malapad na ngiti niya sa kaniyang mga labi. Yumakap siya sa baywang ko at wala ako sa sarili kong napatulala na lang sa kaniya. Tulad noong una naming pagkikita ay malambing pa rin niya akong sinalubong na para bang matagal na niya akong kilala. “She want’s to see you that’s why she’s here.” Napatingin ako kay Maxx na kararating lang din at ang dalawang kamay nito ay nasa kaniyang bulsa. Kumalas naman nang pagkakayakap sa’kin si Maxine at bumaba naman ako ng bahagya para magpantay kami. Pansin ko ang pamumutla ng kaniyang mukha at ganoon din ang mga labi nito na mukhang nagbabalat na. Napabalik ang tingin ko kay Maxx pero nag-iwas lang ito ng tingin sa akin. Dumeretso na ako ng tayo at saka ko naman hinarap si Rein. “Rein, mauna ka na muna may kailangan lang kaming pag-usapan ni Maxx.” Imbes na sagutin niya akong kaagad ay hinila niya ako palayo sa kanila at sandali niya itong binalingan nang tingin at saka niya naman ako hinarap. “Leigh, what’s going on? Saka sabihin mo nga sa’kin, nagkakamabutihan na ba kayo ni Maxx? So, totoo nga ang tsismis na jowa mo na ang hot papa na si Maxx?” Tinakpan ko ang bibig niya dahil baka marinig ni Maxx ang pinagsasasabi nitong kaibigan ko. Tinanggal niya ang kamay ko at pinamey-awangan pa ako at mabigat na bumuga sa hangin. Ayokong maglihim sa kaniya dahil ayokong sa iba niya pa malaman. Wala akong nagawa kun’di sabihin sa kaniya pati na rin ang naging usapan namin ni Arlene. Napalingon siya kay Arlene na ngayon ay kinakausap na si Maxine. “So, you agree?” Nagkibit-balikat lang ako at mahinang nagpakawala ng buntong hininga. “b***h, pinaglalaruan ka lang niyan ni Arlene dahil hindi niya matanggap na parati mo siyang natatalo” “At hindi rin naman ako papayag na matalo na lang ng gano’n. You know me, Rein hindi ako basta-basta nagpapatalo,” nakataas ang isang kilay kong turan sa kaniya. I was startled when someone grabbed my hand, and I saw Maxine smiling at me. I couldn't help but smile at what she did, and she simply pulled me along toward her cousin, Maxx. “Kuya, you told me na i-dedate mo kami ni Ate Leigh, my darling ‘di ba?” Gulat akong napatingin kay Maxx at narinig ko pa ang pagtikhim niya. “O-of course, where do you want to go?” Sandaling nag-isip si Maxine at sumilay ang ngiti niya sa kaniyang mga labi. Lumapit pa siya sa pinsan niya at bumulong. Tiningnan pa ako ni Maxx na para bang ang tingin niyang iyon ay depende sa’kin kung papayag ako. “Ahhm, Leigh. Gusto kasi ni Maxine na magpunta sa Ocean Park at maglaro sa playground.” Tahimik lang akong nakatitig sa kaniya at nagpakurap-kurap. “P-pero kung ayaw mo naman kahit sa ibang__” “Okay,” tipid ko lang na sagot sa kaniya. Sa itsura niyang iyon ay mukhang hindi siya makapaniwala sa sagot ko. Kinuha ko ang kamay ni Maxine at marahang pinisil iyon. Ngiti lang ang tanging pinukaw ko sa kaniya at alam kong sa simpleng pagsama ko sa kaniya ay mapasaya ko siya. Nagpaalam na muna ako kay Rein at wala na rin siyang nagawa kun’di ang pabirong irapan ako. Ganoon din si Arlene bago ko siya talikuran ay inismiran ko pa siya pero nginisian lang niya ako na mukhang sigurado na siya ang mananalo. Tahimik lang kaming bumabyahe papuntang Ocean Park at nakatingin lang ako sa labas ng bintana. I didn't mean to glance at the rearview mirror, and I saw how happy Maxine was. But why did she look like that, she looked like she was unwell? Kanina ko pa sana gustong itanong ‘yon kay Maxx pero kapag nakikita ko ang mga ngiti ni Maxine ay nahahawa na rin ako sa kaniya. Kita ko ang pagmamahal ni Maxx sa pinsan niya at kung paano niya ito alagaan. I don't have any siblings and I was raised alone by my dad since my mother left us. Nang makarating na kami ay nagmamadaling bumaba naman mula sa likod si Maxine. Kita ko sa mukha niya ang saya kaya napangiti na lang din ako. “Hintayin niyo ‘ko rito bibili lang ako ng ticket.” Tumango lang ako kay Maxx at saka siya tumalikod. Nilapitan ko si Maxine at bahagya ko namang ginulo ang kaniyang buhok. Nangunot ang noo ko ng mapansin ang medyo naninilaw na pasa niya sa kaniyang braso at meron din ito sa kaliwang kamay niya. Magtatanong sana ako sa kaniya ng manghang mapatili siya nang makita niya ang isang shark mascot. “Look Ate Leigh, my darling ang ganda no’ng macot!” turo niya rito. May ilang lumalapit na bata para magpapicture at siya ay nakamasid lang sa mga iyon. Yumukod ako sa harapan niya at pinisil ko ang pisngi niya para sa’kin mabaling ang kaniyang atensyon. “Gusto mo ring magpapicture?” Nakangiting saad ko sa kaniya. Masaya naman siyang tumango at kinuha ko na ang cellphone ko sa shoulder bag ko. Nang siya na ang magpapapicture ay tumabi siya sa mascot at sinimulan ko na siyang kuhanan ng mga magagandang picture. “She really likes you.” Muntikan na akong mapatalon sa gulat ng bigla na lang sumulpot sa tabi ko si Maxx. Nakatingin siya kay Maxine pero may lungkot ang mga mata niyang nakatingin dito. I watched Maxine delighted by how she happily touched the mascot, as if it were a brand new experience for her. “Maxx, anong__” “I've got the tickets, let's head in so Maxine can have even more fun.” Pinuntahan na niya si Maxine at pumasok na rin kami sa loob. Maxine was so happy as I watched her. Maxx said it was her first time in a place like this because Maxine gets sick often and is always stuck at home after school. It's so cute seeing those two cousins bonding, I never knew Maxx had this side. I always thought he was just a total snob, arrogant, and a super famous playboy that everyone's obsessed with. Nang mapagod na si Maxine kakaikot dito ay naupo na kami at si Maxx naman ay nag-order ng makakain. Dahil medyo nagulo na ang mahabang buhok ni Maxine ay inayos ko ang kaniyang buhok at itinali ito pataas. Maxine is a beautiful girl who's always smiling. However, her pale complexion is quite noticeable, and you can definitely tell that she's not feeling well. Napatingin ako sa kaniyang leeg at tulad ng pasa niya sa kamay ay meron din ito sa leeg niya. Hindi naman siguro siya minamaltrato ng mga magulang niya dahil kahit unang beses ko pa lang silang nakilala ay alam ko kung gaano nila kamahal ang anak nila. “Ate Leigh, my darling, punta lang po ako sa c.r,” paalam niya sa’kin. “Sige sasamahan kita.” Umiling siya at tumayo sa kaniyang upuan. “I’m a big girl na, at iyon lang naman po ang c.r,” turo niya pa sa ‘di kalayuan. “Okay, be careful ha?” Ngumiti lang siya at nagtungo na sa c.r. Pagdating ni Maxx ay may dala na itong mga pagkain at inilapag ang mga ‘yon sa lamesa. Hinanap niya pa si Maxine at sinabi ko naman kung saan ito nagpunta. Pinagmamasdan ko ang kilos niya at hindi ko maiwasang mapatingin sa mga labi niya. Peke akong napaubo at kinuha ko ang bottled water at ininom kahit hindi naman ako nauuhaw. “Salamat sa pagsama sa’min, Leigh,” saad niya habang nakatingin sa’kin. “Maxx, if you don’t mind. May sakit ba si Maxine?” Mataman lang siyang nakatingin sa’kin at huminga ng malalim. Pero bago pa siya makapagsalita ay may biglang nagsisigaw at nanggagaling iyon sa mismong c.r kung nasaan si Maxine. Humihingi ito ng tulong at narinig kong isang bata raw ang nawalan ng malay. “Maxx, si Maxine.” Nasabi ko na lang at nakuha niya kaagad ang ibig kong sabihin. Pagkasabi kong iyon ay mabilis siyang tumayo sa upuan at sinundan ko naman siya. Napatutop na lang ako sa aking bibig nang makita si Maxine na nakahandusy sa sahig at walang malay. “Maxine!” sigaw ni Maxx pagkakita sa pinsan niya. Kaagad niya itong binuhat at nagtatakbo naman kaming lumabas ng Ocean Park at tinungo ang parking lot. Mabuti na lang at hindi gaano kalayo ang pinaradahan namin ng sasakyan at pinasok na ni Maxx si Maxine sa loob ng sasakyan sa may likuran. Umupo ako sa likuran at pinaunan ko naman ang hita ko kay Maxine. Habang tinatahak namin ang daan patungo sa ospital ay hindi ko maiwasang mag-alala para sa kaniya. Now I understand why Maxx is pleading with me so much. But why? What's the real reason he wants me to pretend to be his girlfriend? Nang makarating na kami sa ospital ay kaagad siyang inasikaso ng doctor sa may emergency. Nasa labas lang kami ni Maxx at hinihintay naming lumabas ang doctor. I looked at him and saw tears forming in his eyes. He's in pain. And even without him saying a word, I could feel how much it hurt him to see his cousin in that condition. Maya-maya pa ay dumating ang mga magulang ni Maxine at bago pa makalapit sila amin ay dinig ko na ang malakas na pag-iyak ng mommy niya. Pinigilan lang siya ni Maxx dahil nagpupumilit itong pumasok sa loob. Nayakap na lang niya ito at masuyong hinahagod ang likod para kahit papaano ay kumalma ang tita niya. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na rin ang doctor at pinapasok na rin ang mga magulang ni Maxine. Naiwan naman kaming dalawa ni Maxx at malungkot siyang napaupo sa waiting area malapit sa pintuan ng emergency room. “Hindi mo ba pupuntahan si Maxine?” Wala akong narinig na sagot niya at basta lang siyang nakayuko. “Teka, ikukuha lang kita nang maiinom” Saktong pagtayo ko ay hinawakan niya ang kamay ko at dahan-dahan naman akong pumihit paharap sa kaniya. Nakatungo pa rin siya at ramdam ko ang paghigpit nang hawak niya. Umupo ako sa tabi niya at hindi ako nagdalawang-isip na yakapin siya. Sana kahit papaano ay makatulong ito na maibsan ang lungkot na nararamdaman niya. Humiwalay siya sa’kin nang pagkakayakap at marahang hinaplos ang palad ko. Tipid siyang napangiti sa’kin pero alam kong mabigat pa rin ang nararamdaman niya kahit na sinabi na ng doctor na stable na ang lagay ni Maxine. “L-leigh, Maxine has a leukemia.” Hindi na ako nagulat dahil una ko pa lang nakita ang pasa niya ay alam ko na kung ano ‘yon. I never imagined Maxine would have to endure such an illness. She's such a happy child, completely unaware that she has a serious condition. “Sabi ng doctor 3 months or less na lang daw ang itatagal niya. Hindi namin pinapaalam sa kaniya kung ano ang sakit niya. Pero matalino si Maxine at siguro alam na rin niya ang sakit niya at pinipilit na lang niyang pasayahin ang sarili niya.” Mataman lang akong nakikinig sa kaniya at hindi ko napansin ang pagtulo ng luha ko sa aking pisngi. “I can be your girlfriend for the sake of Maxine.” Gulat siyang napatitig sa’kin at hindi niya inaasahan ang pagpayag kong iyon. “I can pretend in front of her kung iyon lang ang paraan para mapasaya siya” “She likes you a lot. Dahil ikaw lang daw ang babaeng naikuwento ko sa kaniya. Ang totoo niyan, matagal na talaga kitang gusto bago ko pa malaman ang sakit niya at ikaw ang babaeng parati kong binabanggit sa kaniya. She wants me to be happy also. Pero hindi ko alam kung magiging masaya pa ‘ko kapag nawala siya sa’min” “Huwag mong sabihin ‘yan gagaling pa siya. She’s brave at alam kong gagaling siya” I stayed with him longer and then he drove me home. Kahit na tinatapunan niya ako ng ngiti ay mababakas pa rin sa itsura niya ang labis na pag-aalala para sa pinsan niya. Habang nakatanaw ako sa sasakyan niyang palayo ay bigla kong naalala ang usapan namin ni Arlene. What if magbago ang ihip ng hangin at magbago ang nararamdaman ko? Kaya ko pa bang pigilan ‘yon? Pagbukas ko ng pintuan ay kaagad na bumungad si daddy at nandito rin si Prof. Kiefer. Gulat akong napatingin sa kaniya dahil hindi ko inaasahang makita ang kinaiinisan ko sa mismong bahay namin ng dis-oras ng gabi. “Everleigh, where have you been? We’ve been calling you many times but you didn’t answer our calls. Alam mo ba kung anong oras na ha? It’s past 12,” sermon sa’kin ni daddy. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nakita kong naka-20 missed calls na si daddy. Meron din akong nakitang unknown number at wari ko’y kay Prof. Kiefer ito. “Dad, I’m sorry may emergency lang kasi eh” “Si Maxx ba ang kasama mo?” Napalunok ako at marahang tumango sa kaniya. Siguro ay hinanap niya ako kay Rein at sinabi niya na kasama ko si Maxx. Hindi ko na rin namalayan ang oras dahil gusto ko masiguro na okay na talaga ang lagay ni Maxine bago ako umuwi. Napahilot na lang si daddy sa kaniyang sentido at marahang bumuga sa hangin. “I’ll talk to her, sir.” Napabaling ang tingin ko kay Prof. Kiefer at kumunot ang noo ko sa pagtataka. Iniwan na kami ni daddy at tumayo naman siya sa harapan ko. Nakatingala ako sa kaniya pero hindi ko mabasa ang itsura niya at kung bakit siya nandito ngayon. “You make your dad worried.” Tinaasan ko siya ng kilay at nginisian. “And why do you care? It’s none of your business. At saka ano bang gayuma ang pinainom mo sa daddy ko at nakabuntot ka sa kaniya hanggang dito? Tinaasan ka ba ng sweldo para ireport ako sa kaniya?” “I don’t need that” “E ano? Ah, alam ko na. You want a higher position?” Pansin ko ang pag-igting ng panga niya at nag-iba ang awra niya. “Mine your own business dahil kaya pa rin kitang ipatanggal sa school.” Nilagpasan ko na siya pero hindi pa ako nakakalayo sa kaniya nang hilahin niya ako sa kaliwang braso ko at ilapit ako sa katawan niya. Namilog ang mga mata kong nakatingin sa kaniya at ramdam ko ang mahigpit na hawak niya. “You won't do that, because I'm going to straighten you out right now. I thought kissing you would make you behave, but I was wrong.” Lalong nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. I thought he wouldn't remember what happened, and that he only kissed me because he thought I was his girlfriend. “Were you surprised?” Kumalas ako ng pagkakahawak sa kaniya at sinamaan siya nang tingin. “Are you going to behave now? Or does my kiss need some improvement?” Akmang sasampalin ko siya pero napigilan niya ang kamay kong dumapo sa kaniyang pisngi. Hinila niya ako palapit sa kaniya habang hawak niya ang kamay ko at pinulupot pa niya ang braso niya sa aking baywang. “I want you to behave from now on or else that’s not all you're going to experience.” Binitiwan na niya ako at nagkaroon na ako ng pagkakataong makalayo sa kaniya. Umakyat na ako sa kuwarto ko at napasandal na lang ako sa likod ng pintuan ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at ang bilis ng pagtibok nito. That nerdy professor is annoying me at pinatataas niya talaga ang dugo ko. Oo nga at naalala niya ang ginawa niyang paghalik sa’kin at alam kong ginawa lang niyang dahilan ‘yon para makalusot. “May girlfriend siya pero may ibang babaeng hinalikan? Tanga lang ng girlfriend niya at siya pa ang napili niyang mahalin,” may diing wika ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD