CHAPTER 9

2874 Words
LEIGHS’S POV: I slowly opened my eyes and realized I was just sitting in a couch with my legs up. Naalala kong bigla ang nangyari kagabi at kung hindi ko lang siya malakas na naitulak ay baka kung anong katarantaduhan ang ginawa niya. He’s drunk and I understand that. Ang tingin niya siguro sa’kin ay girlfriend niya kaya gano’n na lang ang ginawa niyang paghalik sa’kin. Hindi ako nakauwi kagabi dahil bigla na namang bumuhos ang malakas na ulan. Natakot na akong umuwi dahil baka mangyari na naman sa’kin ang nangyari noong nakaraan. Mabuti na lang at walang kasamang kulog ang ulan at kampante ko namang pinapanuod ang pagpatak nito habang nakatingin ako sa malaking bintana ni Prof. Kiefer dito sa sala. Tiningnan ko ang wall clock niya at alas-syete na pala ng umaga. I stood up in a hurry, and before I left, I glanced at Prof. Kiefer who was still sound asleep. I approached him slowly, and lowering myself slightly to look at him more closely. I winced when I smell the alcohol emanating from him. Gaano ba karami ang ininom niya? Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya wala sa bokubularyo ko ang love na ‘yan dahil bibigyan lang niya ‘ko ng sakit ng ulo. At isa pa gusto ko ng tahimik na buhay at ayokong maulit ang nangyari kay daddy na pinagpalit siya pagkatapos niyang ibigay ang lahat. Sinuri ko ang kabuuan ng mukha niya at napahinto ang tingin ko sa kaniyang mga labi. Napalunok na lang ako at naalala ko na naman ang pangahas na paghalik niya sa’kin. Inaambahan ko siya ng akmang sasampalin dahil sa inis ko sa kaniya. How could he do that to me? I hated him even more, and he’s really going to pay for what he did. Padabog akong tumayo at nagmamadali naman akong lumabas ng bahay niya. Hindi ko na nagawang isara ang gate niya at bahala na siya sa buhay niya! Napahinto ako sa paglalakad at napatutop sa aking bibig. I’m sure hinahanap na ‘ko ni daddy dahil maaga siyang nagigising para pumasok sa opisina. Nagmamadali naman akong umuwi at pagkapasok ko sa loob ng bahay ay naabutan ko si daddy na suot ang apron at nagtitipa sa kaniyang telepono. Napabaling ang tingin niya sa’kin at gulat niya akong hinagod nang tingin. “Everleigh, where have you been? Saka lumabas ka ng nakapantulog?” That’s what my dad called me whenever he gets mad. Kaya alam na alam ko kapag galit siya sa’kin kahit na hindi niya ako pagtaasan ng boses. Even when he was mad at me, he never actually raised his voice. He was always calm when he’s talking at me. That's why he's my absolute favorite person, and I love him unconditionally. Tiningnan ko pa ang sarili ko at naghahagilap naman ako ng idadahilan ko sa kaniya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ang totoong nangyari dahil baka doon na niya akong pagtaasan ng boses sa unang pagkakataon. “Ahhm, d-dad, lumabas lang ako saglit para maglakad-lakad hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa lakas ng ulan,” pagdadahilan ko. Lumapit pa siya sa’kin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. “Hanggang ngayon takot ka pa rin ba?” Hindi ako umimik at tipid lang akong ngumiti. “Do you miss her?” tukoy niya kay mommy. Gusto ko sabihin sa kaniyang hindi, pero ayokong magsinungaling sa totoong nararamdaman ko. I hate her for being with someone else and chose him over her family. Sa bawat alaalang iyon ay mas kinamumuhian ko siya pero may puwang din sa puso ko na namimiss ko na ang pag-aalaga ng isang ina. Kaya nagulat na lang ako ng biglaang magdesisyon si mommy na hiwalayan si daddy. Umangkla ako sa kaniya at inihilig ko pa ang ulo ko sa kaniyang balikat. Masaya na ‘ko na si daddy lang ang kasama ko kahit na paminsan-minsan ay namimiss ko si mommy. “Dad, you smell like ulam. Did you cooked my favorite?” Masiglang saad ko. “Yes. Gutom na ba ang mahal na prinsesa?” Mahina akong tumawa at iginiya na niya ako sa dining area. Hinanda niya sa lamesa ang iba’t-ibang klase ng pagkain at para akong bata na kumikislap ang mga mata habang nakatingin sa mga pagkain. Sinandukan niya ang plato ko at sabay na kami kumain ng almusal. Magana akong kumain at halos lahat ng mga inihanda niya ay tinikman ko. My dad always cooks for us whenever he’s not busy. “Dad, kailan ka pupunta sa school to talk to that professor I hate?” wika ko ng matapos na akong kumain. “I'll stop by there later after my meeting. And by the way, I prepared a packed lunch for you, also give some to Thea and Rein. I'm sure they're already missing the foods that I cook," he added boastfully. Napanguso ako sa kaniya at inilapag niya sa lamesa ang mga inihanda niyang baon at ibibigay sa mga kaibigan ko. “Dad, I’m not a kid anymore,” maktol ko. “Really? Pero gano’n pa rin ang tingin ko sa’yo” “Dad!” Tumawa pa siya at ginulo ang aking buhok. “E kasi naman anak para ka talagang bata. Kung hindi ka na bata, hindi ka na dapat nagsusumbong sa’kin. Even if he is strict, he’s still your professor, and he’s entitled to act that way” Magsasalita pa sana ako ng may biglang tumawag sa kaniyang telepono. Tumalikod na siya at ako naman ay masama ang loob na nagtungo sa aking kuwarto. It seems it won't be that easy to get rid of that nerdy professor, and it looks like he's favoring him over me. Dati noong bata pa ako ay madalas akong magsumbong sa kaniya kapag may nang-aaway sa’kin o ‘di kaya ay pinagagalitan ako ng teacher ko. Madali lang para sa kaniya na patalsikin sila dahil sa naging chairman siya ng school na pinapasukan ko noon. But now it’s different. Tama si dad, para nga akong bata dahil hanggang ngayon ay nagsusumbong pa rin ako sa kaniya. Hanggang 6 p.m ang klase ko at hindi ko naman kaklase sina Thea at Rein sa ibang mga subjects kaya hindi ko pa sila nakikita at nagtext lang ako sa kanila na may niluto si daddy para sa kanila. Naglalakad na ako at bitbit ang lunch box na may mga lamang pagkain. As usual, mga nakakasalubong kong mga babae ay nakataas na naman ang kilay abot hanggang noo nila and I know what’s the reason. Dumeretso ako sa canteen kung nasaan ngayon ang mga kaibigan ko at ang mga bitches kong kaibigan ay excited matikman ang mga pagkain na niluto ni daddy para sa kanila. Kumaway pa silang dalawa at kunwa’y umirap pa ‘ko at naupo sa kanilang harapan. Pagkalapag ko ng dala kong baunan ay nag-uunahan pa silang buksan ang mga ‘yon at tulad ko ay para silang bata na tinikman ang mga ‘yon. “Grabe b***h namiss ko ang mga luto ni Tito Daddy,” masayang turan ni Thea habang nginunguya ang kinakain niya. “Oo nga pala b***h, totoo ba ang balitang magjowa na kayo ni Maxx?” Pinitik ko ang noo ni Rein at hinimas niya pa ang noo niya at masama akong tinitigan. Kaya naman ang mga haliparot na babae ni Maxx ay halos hubaran na ako sa mga masasamang titig nila. Wala naman akong pakialam sa lalaking ‘yon at lalong-lalo na sa tsismis na kumakalat dito sa school. As long as na hindi ako nagpapaapekto ay wala akong pakialam sa kanila. “Sa tingin mo totoo ‘yon? Easy to get ba ‘ko?” sabay irap ko kay Rein. “Sabagay, ilang beses na nga nag-attempt sa’yo si Maxx hindi ka pa rin niya mapa-oo eh” Ilang sandali pa ay nakita kong paparating si Maxx at patungo ito sa aming kinaroroonan. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin at wala akong nagawa kun’di ang magpahila sa kaniya dahil kung hindi ay mahuhulog ako sa upuan. “Ano ba Maxx saan mo ba ‘ko dadalhin?!” Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya pero sadyang mahigpit ang kapit niya sa’kin. Huminto kami sa mga babaeng nakaupo sa bench kung saan puwedeng tumambay ang mga estudyante at tiningala pa nila si Maxx. Taka akong napatitig kay Maxx at hawak niya pa rin ang braso ko at matalim ang tingin niya sa ilang mga babae na nandito. “I told you that she’s now my girlfriend. And I won't allow you to say just anything to her” Ha? Pinagsasabi nitong lalaking ito? Nananaginip pa yata siya at kung umasta siya parang pumayag na ‘ko sa inaalok niya. Manigas siya! “Sa tingin mo ba maniniwala kami sa kahangalan mo? Si Leigh girlfriend mo? Tomboy yata ‘yan at takot sa lalaki,” sabi ng isang tinubuan ng ilong sa mukha. “Do you have a proof that she’s your girlfriend? Come on Maxx, honey, that’s not how I used to know you,” malanding saad sa kaniya ng isang babae. “Is that so?” Napasinghap ako nang hapitin niya ako sa aking baywang at pagkuwan ay hinalikan ako sa aking mga labi. Wala akong kakurap-kurap at para bang naging tuod ako sa bilis ng pangyayari. Nang humiwalay na siya sa’kin ay tinitigan niya pa ako at muling itinuon ang atensyon sa mga babaeng kaharap namin. “Ano pang proof ang gusto niyo?” Bago pa ulit siya may gawin ay hinila ko na siya palayo. Nang walang taong dumaraan sa hallway ay saka ko lang siya binitawan at inis akong napatitig sa kaniya. Prente lang siyang nakatingin sa’kin at ako naman ay nagpipigil ng galit sa kaniya dahil baka may biglang makakita sa’min at itsismis na inaaway ko ang boyfriend ko kuno. “You’re such a f*****g jerk you know that?” May diin kong sambit sa kaniya. “I know. Pero hindi ako magsosorry sa ginawa ko” “What?” Humakbang pa siya palapit sa’kin at ako naman ay napaatras hanggang sa lumapat ang likod ko sa malamig na pader. Napapitlag ako nang itukod niya ang dalawang palad niya sa magkabilang gilid ko at napalunok na lang ako ng mariin. If he ever tries to kiss me again, I'm going to slap him, followed by a kick. “I need two months or maybe three just to be my girlfriend. And after that,” sandali siyang natahimik at malaya lang niya akong pinagmasdan. “I will not bother you anymore if that’s what you want” Unti-unti siyang lumayo sa’kin at nanatili pa rin kaming nakatitig sa isa’t-isa. Pero bakit gano’n? Why do his eyes seem so sorrowful? Why do we have to put on this act when he could have asked someone else, and why me of all people, knowing that I'd refuse? “Leigh, anak?” Mabilis akong napatingin sa kaliwang bahagi ko at nakita ko si daddy na nakatayo sa ‘di kalayuan sa amin at kasama niya pa si Professor Kiefer. Shit! Did they see what Maxx did? Lumapit pa sila sa amin at papalit-palit pa ang tingin ni daddy sa aming dalawa. Samantalang si Prof. Kiefer ay nakatuon ang tingin kay Maxx. “Who’s this guy?” tanong ni daddy. “H-ha? Aaahm, d-dad he’s my colleague. I-I mean he’s my school mate,” nauutal kong sagot at medyo kinakabahan ako baka mamiss-interpret niya pa ito. “What’s your name young man?” baling ni daddy kay Maxx. Bumati pa muna siya rito at saka malapad na ngumiti. Nang banggitin ni Maxx ang buong pangalan niya ay kita ko ang gulat sa mukha ni daddy at bigla na lang niyang niyaya ito magdinner kasama namin. And what's even more annoying is that Professor Kiefer is with us, and it looks like the two of them have already talked. We went to an expensive restaurant, and I found out that my dad had already made a reservation here before we even arrived. The waiter led us to our table, and Daddy ordered our food. Tahimik lang kami at napatingin lang kami kay daddy ng tumikhim ito at tumingin kay Maxx na katabi ko sa upuan. “How’s you’re dad, Maxx?” kumunot ang noo ko dahil kilala niya pala ang ama ni Maxx. Matagal bago siya sumagot na para bang nag-aalangan pa siya. “I think he is doing okay now,” tipid niyang sagot. Nabaling ang tingin ko kay Prof. Kiefer at nahuli kong nakatingin siya sa’kin. Mabilis akong napaiwas sa kaniya nang tingin at pakiramdam ko ay bigla akong pinagpawisan kahit na sobrang lakas ng aircon dito sa loob ng restaurant. Naalala niya kaya ang ginawa niyang paghalik sa’kin kagabi? Alam niya kaya na nagpunta rin siya sa bahay namin ng lasing? Hindi naman siguro siya tanga para hindi maalala ‘yon. “Hindi ba kayo mgkasama ngayon sa bahay? I guess you've become an independent now, and I'm sure your dad is very proud of you since he always mention his only son to me,” nakangiting turan ni daddy kay Maxx. “Sana nga po gano’n. Actually, I'm not the son he's talking about.” Napalingon ako sa kaniya at ganoon na lang din ang gulat ng aking ama sa kaniyang narinig. “I’m an illegitimate child of Nicolai Maxxwell at hindi po ako ang anak na kinukuwento niya sa inyo” Kaya ba siya nasa poder ng mga magulang ni Maxine dahil tinalikuran siya ng kaniyang ama? Hindi ko nakita ang galit niya sa kaniyang ama pero kita ko ang lungkot na alam kong kahit kailan ay hindi na nito mababago kung sakali. My father didn't ask any further questions because I know he doesn't like to interfere in other people's lives. We ate in silence and the only sound was the clinking of our forks and knives. As soon as we were done, Dad got a call and have some emergency meeting and asked Prof. Kiefer to give me a ride home. I was about to say something, but he rushed off, so I just sighed. Nakaalis na si daddy at naiwan naman kaming tatlo sa parking lot. Hinarap ko si Prof. Kiefer pero ang tingin niya ay na kay Maxx. “Magtataxi na lang ako pauwi.” Doon lang siya napabaling nang tingin sa’kin at sa ibang direksyon ko na lang ibinaling ang tingin ko. “I’ll take you home that’s what your father said” “Ako na po ang bahalang maghatid sa kaniya,” sabat naman ni Maxx. Napapikit ako at si Maxx naman ang binalingan ko. Ganito ang nangyari noon sa restaurant kung saan kami kumain ni Prof. Kiefer at nagpupumilit ang dalawang ihatid ako. “Hindi niyo ako ihahatid at magtataxi na lang ako.” Mabilis ko silang tinalikuran at saka naman ako tumawag ng taxi. Pareho silang sakit sa ulo ko at hindi ko alam kung anong gamot do’n para hindi na nila ako buwisitin pa. Dahil wala namang traffic ay mabilis akong nakarating sa bahay. Napatalon pa ako sa gulat nang makababa na ako sa taxi. Nakatayo si Prof Kiefer sa harap ng bahay namin at wari ko’y ako ang sadya niya. “Ano pa bang ginagawa mo rito?” iritable kong tanong sa kaniya. “I told you that I’m your professor and not just someone else.” Mariin akong napapikit dahil sa sobrang inis at kasunod naman noon ang mabigat na pagbuga ko sa hangin. “I just want to make sure you got home safely in case your dad asks me” Sinamaan ko siya nang tingin at hindi ko na naman sinasadyang mapabaling ang tingin ko sa kaniyang mga labi. I suddenly remembered how he kissed me and how his tongue explored my mouth. I couldn't breathe the way he kissed me, and I didn't know what I was supposed to feel right now. I could feel my cheeks burning like they're on fire. In just a blink of an eye, two people had stolen a kiss from me each in their own way. “Did you drink alcohol earlier?” Tinaasan ko siya ng kilay dahil pinagbintangan niya pa akong uminom. “Nakita mo ba akong uminom kanina? Hindi ‘di ba?” Inis kong saad. “I thought you’re drunk because your face is red.” Napahawak akong bigla sa aking pisngi at namilog ang mga mata ko. Pinamewangan ko siya ng nakataas ang isang kilay ko. “Ako pa talaga ngayon ang lasing ah. Ikaw nga itong sigaw nang sigaw dito sa harap ng bahay ko dahil sa sobrang lasing mo. Did you know that you inconvenienced me by making me drive you home? And after that hinali__” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko at natameme na lang ako. Kumunot ang noo siya sa pagtataka at nagmamadali na lang akong pumasok sa loob ng bahay. Napahawak na lang ako sa aking dibdib pagkapasok ko sa loob at nakasandal ako sa likod ng pintuan. My heart was beating so fast, and I almost said what really happened yesterday. He seems to have an amnesia anyway and I don't want to remember that bad experience anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD