LEIGH’S POV:
“Hoy b***h, have you heared the news?” Salubong sa’kin ni Thea at medyo hinihingal pa siya.
“Ang alin?” Umikot pa ang mata niya sa ere at hinila niya pa ako palayo.
Ten minutes na lang ay mag-uumpisa na ang klase ko at hindi ako puwedeng ma-late.
Nang nasa sulok na kami nitong hallway ay saka niya ulit ako hinarap at nagpalinga-linga pa siya sa paligid na ayaw makarinig kung ano man ang sasabihin niya. Kinabahan akong bigla and I’m sure may idea na kaagad ako kung ano ‘yon.
“Is really Maxx your boyfriend?” panimulang tanong niya.
I knew it! Kumalat na talaga ang balitang boyfriend ko si Maxx. Before they totally believe into it, I gotta find that darn Maxx and get everything straight with him.
Walang sabi-sabing tinalikuran ko si Thea at madilim ang mukha kong naglakad palayo sa kaniya. Tinawag niya pa ako pero hindi ko na siya nilingon at kuyom ang dalawang palad ko. Hindi ko tuloy alam kung saan ko siya hahapin dito sa malaking eskwelahang ito at kapag nakita ko siya ay tutuhuran ko siya ng madala siya.
After searching for him for only a few minutes, I finally spotted him, and what's even more annoying is that he was flirting with girls right in the middle of the hallway. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan niya. He even had the nerve to look at me, and then immediately ditched the girls he was talking to. Seriously? This idiot actually thinks I came looking for him.
Nang makalapit na siya sa’kin akin ay hinawakan ko siya sa palapulsuhan niya at hinila palayo para kausapin ko siya na kaming dalawa lang pero bago pa kami makalayo sa mga babaeng kausap niya ay narinig ko pa ang sinabi nila na nagpahinto sa’kin. Nilingon ko sila at pagkuwan ay nilapitan hawak pa rin si Maxx na baka takasan ako.
“Excuse me? Maling balita yata ang nakalap niyo,” pagtataray ko sa kanila. "I'm just gonna confront him, and after that, puwede niyo na siyang isaksak sa baga niyo! Idiot!" Tinalikuran ko na sila at hila-hila ko naman si Maxx.
Dinala ko siya kung saan walang nakakakita sa amin at sa may likod lang nitong building namin. Sinamaan ko siya nang tingin pero ang mukha niya ay kampante lang na tila natutuwa pa siya sa kaniyang nakikita.
“Why did you do that?” gigil kong sabi pero mahinahon ang boses kong turan.
“Like what?” pagmamaangan niya pa pero alam naman niya ang ibig kong sabihin.
Humugot muna ako ng malalim na hininga at muli siyang binalingan. Ngayon ko lang din napansin ang pagbabago niya na karaniwan kong nakikita sa kaniya na parang laging susugod sa kaaway niya. He's looking impeccably neat and quite stylish these days. Despite his wealth, his fashion sense is surprisingly understated.
Tumikhim ako at umiwas sa kaniya nang tingin.
“Alam mo bang nilagay mo ‘ko sa alanganin?”
Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon at nakangiting tumitig sa’kin. Ang gagong ‘to akala yata niya nakikipagbiruan ako sa kaniya! Bayagan ko kaya siya ng matauhan ang lecheng ‘to?!
"So, I finally got your attention, huh?" sarcastic na sagot niya. Kumunot ang noo ko at nagpipigil naman ako ng inis sa kaniya. “That’s the way I knew on how to get your attention”
“Kulang ka talaga sa pansin e ‘no? Bored ka ba sa buhay mo at pati ako pinagtitripan mo?”
"Why would I make fun of you if I'm serious about you?" Napapikit na lang ako at mas lalong nainis sa kaniya.
Naalala kong bigla si Maxine at ang pag-uusap namin ng tito at tita niya. Malayo talaga siya sa ugali ng mga ‘yon at siguro ay na-spoiled siya ng mga magulang niya kaya ganito na lang siya kakulit.
Lumapit ako sa kaniya at kinuwelyuhan siya at imbes na magulat siya sa ginawa ko ay ako ang nagulat sa ginawa niya nang hawakan niya ang magkabilang kamay ko at isinandal niya sa pader. My eyes grew wide with surprise, and my lips parted. He kissed my fist, then gazed at me seriously.
Mabilis kong ibinaba ang dalawang kamay ko na nakahawak sa kuwelyo niya at kasabay noon ang pagbaba ng tingin ko. Para naman akong nakuryente sa ginawa niyang iyon at ito ang unang beses na may humalik sa kamay ko.
"My only desire has been for you to notice me. You're right, I do lack attention, so I was overjoyed when you pulled me here because I finally got the attention I've been longing for." Natigagal ako sa sinabi niya at marahang nag-angat ng tingin sa kaniya.
Hindi ko alam kung maaawa ba ‘ko sa kaniya o mas lalong mabubwisit dahil sa paraan nang pagtitig niya sa’kin ngayon.
Bahagya ko siyang tinulak palayo sa’kin at napahimas na lang ako sa aking leeg. Pilit kong tiningnan siya pero bigla akong nailang dahil hindi pa rin naaalis ang mata niya sa’kin.
“I accidentally met your family, I mean your aunt, uncle and also your cousin, Maxine,” nasabi ko na lang sa kaniya.
Kaswal siyang tumango lang at magsasalita pa sana ako ng siya naman ang magsalita.
“I’m sorry if I told her that your my girlfriend,” kalmado niyang saad.
Ang galit na kanina ko pa gustong ilabas ay biglang nawala na lang na parang bula. Ewan ko ba pero may kung anong bumabagabag ngayon sa’kin nang maalala ko si Maxine. She's such a tender child, and even though we only met recently, I immediately felt at ease with her. Perhaps I'm just seeing a reflection of my younger self in her.
“She loves you as her kuya, at dapat hindi mo siya pinaniwala.” Tumango lang siya sa’kin at tipid na ngumiti.
“That is her greatest dream.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at parang biglang lumungkot ang kaniyang itsura. “If ever you met her accidentally again, can you please pretend?” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko at napako na lang bigla ang tingin ko sa kaniya.
Hindi ko maintindihan pero parang may kung ano siyang pinagdadaanan at gusto lang niyang tuparin ang hiling ng pinsan niya. Paano kung malaman niya na hindi pala totoo ang sinabi ng kuya niya? Hindi ko gustong magsinungaling sa bata dahil minsan na rin akong naging bata at nabuhay sa isang kasinungalingan.
“Maxx__”
“I know you didn’t like me and don’t have a chance on you. But please pretend for the sake of my lie”
“What?!” Gulat akong napataas ang kilay sa kaniya at parang gusto ko siyang sampalin ng kaliwa’t-kanan.
Anong karapatan niyang diktahan at utusan ako? I’m pretty sure na ginagamit lang talaga niya si Maxine para sa sariling interes niya.
“No,” matigas kong sagot sa kaniya.
"Please, Leigh, if you could just give me one, no, two months, and then I promise I won't bother you or force myself on you again”
Pero bakit parang naawa ako sa pakiusap niya? Bakit ba kasi kailangan niya pang magsinungaling sa pinsan niya and I’m sure madali naman siyang makakahanap ng girlfriend dahil ang daming nagkakandarapang maging boyfriend siya. Puwede naman sila na lang at bakit ako pa talaga?
Naputol lang ang usapan namin nang tumunog ang telepono niya. At bago niya pa ito sagutin ay tumingin pa muna siya sa’kin at malapad siyang ngumiti pagkasagot sa tawag.
“Yes, Baby Maxine?” masayang sagot niya. “Okay, but she's still busy. Maybe some other time." Nakatingin lang ako kay Maxx habang kausap niya ang pinsan niya.
Ilang sandali pa ay ibinaba na niya ang tawag at muli niya akong hinarap. Tipid lang siyang ngumiti at hindi na ito tulad ng mga ngiti niya noong nakaraang araw.
Ano ba kasi ‘tong lalaking ito parang nangongonsensya pa sa mga tingin niya sa’kin. Bakit ba kasi kailangan kong magpanggap? O ‘di kaya puwede naman niyang sabihin na nagbreak na kami tutal nagsinungaling na rin naman siya lubusin na rin niya.
Biglang nagring ang bell at napatingin ako sa relo kong pambisig. Napamaang ako dahil start na ng first class ko. Kahit siguro tumakbo pa ‘ko ay hindi na rin ako aabot at tiyak na hindi na rin ako papapasukin ng Prof. Kiefer na ‘yon. Kasalanan ito ni Maxx at absent na naman ako sa major subject ko.
Hindi ko siya sinagot at iniwanan ko na lang siya. Tutol ako sa gusto niyang mangyari at ayokong magsinungaling sa batang ‘yon. Kung may mabigat man siyang problema ay huwag niya akong idamay at kung gusto niya ay mag-arkila na lang siya ng babae na puwedeng magpanggap sa kalokohan niyang ‘yon.
And of course, that made me miss my first class. Luckily, I haven't bumped into that nerd yet, because I'm certain I'd only get a scolding from him.
Alas-syete na ‘ko nakauwi dahil nag-ikot pa kami nila Thea at Rein sa mall. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nagulat ako ng madatnan ko si daddy na nakaupo sa sofa at malapad na nakangiti sa’kin. Because I was so eager to see him, I ran towards him like a little kid and gave him a big hug.
Finally, he’s home at akala ko ay matatagalan pa siyang umuwi dahil marami siyang inaasikaso sa ibang bansa. As we ate our dinner, I kept talking and talking, and I even complained about the new professor at school. I want him out of my sight so I don't have to get stressed because of him.
At tulad ng inaasahan ko ay napapayag ko naman si daddy at kakausapin niya raw ang nerd na ‘yon. Sa wakas ay mabubunutan na ako ng tinik sa dibdib at hindi ko na kailangan pang umupo sa harapan para lang sundin siya sa kung ano ang gusto niya.
Pasado alas-onse na ng gabi ay hindi pa rin ako makatulog. Kabi-kabila ang iniisip ko ngayon. Una ‘yong hinihinging pakiusap ni Maxx at pangalawa ang pagpapatalsik ko kay Prof. Kiefer.
Kailangan ko bang makonsensya? Paano kung nawalan nga siya ng trabaho at hindi na makahanap pa ng ibang school na papasukan? Malamang konsensya ko pa ‘yon at hindi malabong balikan niya ‘ko.
Napabangon ako sa pagkakahiga ko at ginulo ko ang aking buhok. Bumaba ako at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Babalik na sana ako sa kuwarto ko ng makarinig ako ng sunud-sunod na pag doorbell. I glanced out the window and saw a man clinging to our gate and his forehead resting against it.
Lumabas ako para tingnan kung sino ‘yon at napapitlag ako nang hampasin niya ang gate namin. Dahil sa takot ko ay napaatras ako at tatalikod na sana para tawagin si daddy nang marinig ko siyang magsalita na nagpatigil sa’kin.
“Would you please come out? Im begging you.” Napaluhod na lang siya at doon ko lang siya nakilala nang bahagya siyang tumingala.
“P-professor Kiefer?” taka akong nakamasid sa kaniya. “Anong ginagawa ng nerd na ‘to rito? Saka lasing ba siya?” tanong ko sa aking sarili.
Pinagkrus ko ang aking mga braso habang pinagmamasdan siya at pailing-iling naman ako dahil pilit siyang tumatayo na animo’y batang hindi pa marunong tumayo.
Nagmamadali naman akong lumapit sa kaniya at ng nasa harapan na niya ako ay pilit niyang idinidilat ang mga mata niya at kinikilala kung sino ang nasa kaniyang harapan.
“What are you doing here? Saka amoy alak ka, hindi ito ang bahay mo kaya umuwi ka na,” taboy ko sa kaniya.
Tumawa pa siya ng pagak na ikinainis ko. Tumitig siya sa’kin ng namumungay ang mga mata at hindi ko sinasadyang mapadako ang tingin ko sa kaniyang mga labi. Tumikhim ako at muli siyang binalingan nang tingin.
“Ano ba kasing ginagawa mo rito?” may halong inis kong saad.
“You’re absent.” Tamad ko siyang tiningnan at umikot pa ang mata ko sa ere. “The reason why you skipped on my class is because you’re on a date?” Tinaasan ko siya ng kilay at binuksan ko ang gate para mas lalo ko siyang masilayan.
"Do you think I even have time to date? Iyan lang ba ang pinunta mo rito ang itanong sa’kin ‘yan?” Umismid pa siya at huminga ng malalim.
Bakit ba kasi nagpunta ang nerdy professor na ‘to rito? Dahil lang ba sa absent ako kanina sa klase niya at sinadya niya pa talaga akong puntahan?
Lumapit pa siya sa’kin at nagulat ako nang hapitin niya ang bewang ko palapit sa kaniya. Amoy na amoy ko ang alak sa katawan niya pero hindi ito tulad ng iba na maiinis ka sa amoy nila. He smells manly and every woman would find him attractive, except for me.
“I’m drunk and I can’t drive.” Tinulak ko siya palayo sa’kin at gigil ko siyang tinitigan.
“Lasing ka pero nakapag drive ka papunta rito? Aba’y magaling!”
“You can’t talk to me like that, I’m your professor”
Buwisit talaga! Ano ba kasing problema nito? Pukpukin ko kaya ulo nito para makatulog?
“Give me your key ako na ang magdidrive ihahatid kita sa inyo.” Inilahad ko pa ang palad ko para kunin ang susi sa kaniya.
Hinugot naman niya ito sa kaniyang bulsa at inabot sa’kin. Hinila niya pa ang kamay ko kung kaya’t napasubsob ako sa malapad niyang dibdib. Tiningala ko siya at pansin ko ang pag-alon ng kaniyang lalamunan.
Bakit ba lagi na lang siyang ganito? Inaasar niya ba talaga ako? Kung hindi lang siya lasing at hindi ko siya professor ay kanina ko pa siya sinampal ng malakas.
Tinulak ko na lang siya at binuksan ang kaniyang sasakyan. Nauna na akong pumasok sa loob at hindi ko na siya inalalayan pa tutal kaya na naman niyang maglakad.
Tinuro naman niya sa’kin kung nasaan ang bahay niya at ilang kanto lang din ang layo nito sa bahay namin. Sinuri ko pa ito at hindi nga lang kalakihan ang bahay niya pero masasabi kong maganda ito.
Lumabas ako ng kotse niya at pasuray-suray naman siyang naglakad. Umirap pa ako at malakas na bumuga sa hangin. Kahit papaano ay may tinatago rin naman akong kagandahang asal kaya inalalayan ko na rin siyang maglakad hanggang sa makarating kami sa sala niya. Inihiga ko siya sa sofa at pati ako ay nadala na rin dahil sa may kabigatan siya kaya pumaibabaw ako sa kaniya. I swallowed hard when I felt his hardness against my lower stomach, and I hastily stood up. But before I could fully stand, he pulled me back, making me fall against his chest again. He was staring at me and gently touching my cheek.
"Why did you lie to me? Do you even know how long I've been waiting for you?" Nanatili akong nakatingin sa kaniya kahit na hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya.
Siguro ang tinutukoy niya ay ‘yong girlfriend niya at napagkamalan niyang ako ‘yon dahil sa sobrang kalasingan niya. Kung may problema siya sa lovelife niya ‘yong girlfriend dapat niya ang tinawagan niya! Naaabala ako dahil sa kaniya at tiyak akong hinahanap na ako ni daddy.
"You have no idea how much I've suffered. But I just can't get mad at you.” Patuloy pa rin ang paghaplos niya sa aking pisngi na hindi ko na nagugustuhan.
Tinapik ko ang kamay niya at tatayo na sana ako pero nagulantang ako nang hawakan niya ako sa aking batok at siilin ako ng halik. I was even more shocked when he thrust his tongue into my mouth, as if exploring every inch of it. I was tapping his chest, but he seemed numb and didn’t feel my blows.
Fuck! I never knew he would be the one to take my first kiss by the person I hate.