LEIGH’S POV:
Malalaki ang mga hakbang ko papasok sa loob ng university at mahigpit naman ang kapit ko sa aking shoulder bag. I need to find that freaking Maxx bago pa kumalat sa buong campus ang mga kasinungalingang sinabi niya sa pinsan niyang si Maxine.
Paakyat na sana ng hagdan nang makita ko naman ang kinaiinisan kong Professor na si Professor Kiefer. He’s talking to a student, and the student looks super giddy while staring to Professor Kiefer.
Anong nakakakilig do’n? Kung ako ‘yan baka mabwisit lang ako at maboring habang kausap siya. He’s not that attractive at nakakairita siya kung titingnan at para siyang pinaglihi sa sama ng loob dahil sa sobrang sungit niya.
Imbes na umakyat ako ay lumiko na lang ako sa first hallway para hanapin si Maxx.
I don't even know where to start looking for him in this huge school, and it's always the case that when I don't need him, he just pops up like a mushroom out of nowhere.
Napahinto ako sa paglalakad ng may marinig ako na tila ako yata ang pinag-uusapan ng ilang estudyante. Napalingon ako at bigla na lang silang tumigil at isa-isang umalis sa kanilang puwesto.
“Congratulations our Queen Faye Everleigh!” Naipihit ko ang aking ulo sa kung sino ang nagsalita at marahan pa itong pumapalakpak habang papalapit sa akin.
And here we are, si Arlene Pascua na mortal kong kalaban pagdating sa top. She’s not my enemy, or should I say frenemy? We're not exactly enemies like everyone thinks. It's more like we're just competing to see who's better at certain things, and the loser has to go on a date with the least attractive person on campus.
Nakipagbeso-beso pa siya sa’kin at ako nama’y umikot ang mata ko at humarap sa kaniya ng nakangisi. I'll admit, she's fashionable and really knows how to pull off her clothes. But honestly, I can't stand how dramatic she is; she throws tantrums worse than a little kid.
“I miss you my frenemy! Saan ka ba nagpupunta at hindi kita mahagilap? Nagkaro’n ka lang ng boylet kinalimutan mo na ‘ko!” Napahilot ako sa aking sentido at ito na nga ba ang sinasabi ko.
“Where did you hear that f*****g news? Kailan pa ‘ko nagkaro’n ng interes sa lalaki aber?” Iritang sagot ko.
Umangkla pa siya sa braso ko at hinila na lang ako. Nagpatianod ako sa kaniya at huminto kami sa isang classroom. Sumilip pa siya sa may bintana at pagkatapos ay hinawakan niya ang ulo ko na para bang may gusto siyang makita ko.
“Ano ba?!” Inis ko siyang hinarap at pinagkrus ko ang aking mga braso.
“Tumingin ka kasi sa bandang likuran. Ando’n ang boyfriend mo,” sabay nguso niya pa.
Napapikit pa ako sa inis dahil pilit niyang sinasabing may boyfriend ako. I know who she is referring to. Wala na, finish na kumalat na talaga ang masamang balita na hindi naman totoo. Once na makausap ko talaga si Maxx bubudburan ko siya ng asin para mawala ang pag-iilusyon ng lalaking ‘yon.
“For your information, hindi ko boyfriend ang tinutukoy mo at wala akong balak magkaroon ng boyfriend,” paglilinaw ko sa kaniya.
“Weeeh?! Okay, pupusta ako. Kapag hindi ka na-in-love kay Maxx in a month, rarampa ako ng naka-bikini in whole campus.” Napamulagat ako sa sinabi niyang ‘yon at umawang pa ang labi ko sa gulat.
“Are you out of your mind? Gagawin mo talaga ‘yon?”
“Why not? Sexy naman ako,” pagmamalaki niya at hinagod pa niya ang kaniyang katawan.
I poked her in the forehead, and she responded by pouting at me and then gently rubbing the spot I touched. Oh, I forgot. Mayabang din ang isang ito at masyadong bilib sa sarili. Well, she’s kinda cocky and super annoying!
Napailing na lang ako at tumingin pa sa loob ng classroom. And then I saw him, the one that I’m looking for. Taka akong napatingin sa kaniya dahil parang may nagbago sa kaniyang itsura. There's something different about his look, and he actually looks good. What I mean is, he's not rocking the bad boy look anymore; he actually looks decent now.
“Mas guwapo siya ngayon ‘di ba?” Napapitlag ako sa bulong ni Arlene sa’kin mula sa aking likuran at may kakaiba na naman siyang ngiti. “Kapag bumigay ‘yang puso mo sa kaniya, ikaw naman ang rarampa”
“What?!” bulyaw ko sa kaniya.
Napatingin pa ako sa loob ng classroom kung nasaan si Maxx at napatingin pa sa amin ang prof. na nagsisumula ng magklase. Hinila ko na lang palayo si Arlene at walang tigil ang pagbungisngis niya na tila inaasar ako.
“Sira-ulo ka ba?” may diing saad ko sa kaniya.
“Bakit natatakot kang matalo?”
“Of course not! At kailan pa ‘ko natalo sa’yo? For your information tatlong beses ka ng natalo sa’kin at hindi ko hahayaang manalo ka sa pagkakataong ito”
Si Arlene ‘yong tipong ang hilig maghamon pero sa huli siya rin naman ang talo. This time madali lang naman ang hamon niya sa’kin. Matagal nang nangungulit sa’kin si Maxx at never ko siyang pinagbigyan dahil ni katiting ay wala akong gusto sa kaniya kahit na maraming babaeng nagkakandarapa sa kaniya. My words my rule at kapag sinabi ko ay hindi na magbabago pa ‘yon.
“Iyon naman pala eh. Kapag hindi talaga tumibok ‘yang puso mo sa kaniya. Rarampa ka sa upcoming model of the year at ako ang magiging designer ng bikini na isusuot mo!” maarte niya pang turan. “Don’t yah worry my frenemy hindi ‘yan makakarating kahit kanino ang mga pinag-usapan natin at kahit na sa mga bitches bff mo pa”
Ito lang ang maganda kay Arlene, may isang salita siya. Kapag sinabi niyang secret lang hindi niya talaga ito ipagkakalat. Ewan ko ba dito kung bakit wala siyang sawang makipag kumpetensya sa’kin lagi rin naman siyang talo. And this time ay matatalo na naman siya at mukhang rarampa siya sa buong campus ng naka bikini.
“Ready your bikini because I'm making damn sure right now that you're gonna lose our little game,” pagmamalaki ko pa sa kaniya at saka ako tumalikod.
“Yes! Ireready ko talaga ang bikini ko dahil ikaw ang magsusuot no’n,” pahabol naman niya.
Dream on if you think I'd wear that! Because I'm never gonna lose to you, and I'm definitely never gonna fall for that guy.
Natapos na ang klase at nagmamadali naman akong umuwi dahil meron daw paparating na bagyo. Ayoko pa namang ma-stock sa traffic dahil baka abutin ako ng matinding ulan.
Lakad-takbo naman ang ginawa ko papunta sa parking lot at bago ko pa marating ang kotse ko ay bigla namang kumulog ng malakas. Napaupo na lang ako sa gulat at nanginginig naman ang mga kamay ko. Nahulog ang bitbit kong bag at ang hawak kong cellphone.
Akmang tatayo na ako ng bigla ulit kumulog at napatakip na lang ako sa dalawang tainga ko. I hate it when it rains like this with thunder and lightning, it scares me. And the worst part is, it reminds me of my mom. Everytime I felt scared I run towards to my mom and hug her tight. Her embrace, that's what soothes me whenever I'm afraid.
Ramdam ko pa rin ang panginginig ng mga kamay ko habang nasa magkabilang tainga ko pa rin ito at mariin akong nakapikit. Naiiyak na rin ako dahil sa takot at mukhang walang balak ito tumigil.
“Hey, Faye Everleigh, are you okay?” Doon lang ako napamulat ng makarinig ako ng isang tinig.
Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko at kita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala. Kung titingnan ko siya ay para bang matagal na kaming magkakilala.
Nang muling kumulog ay malakas akong napatili at bigla na lang akong napayakap sa kaniya ng mahigpit. It’s f*****g scared me like that sound is going to kill me.
Napahagulgol na lang ako habang nakayakap kay Professor Kiefer at panay naman ang tawag ko kay mommy. I missed her kahit na galit ako sa kaniya. Gusto ko ulit maramdaman ang mainit na yakap niya at haplos ng mainit na palad niya sa aking ulo.
“It’s okay, I’ll take you home.” Masuyo niyang hinagod ang buhok ko at ng mahimasmasan ako ay inalalayan na niya akong makatayo.
Sinakay na lang niya ako sa kotse niya at hindi na ako umalma pa. Medyo kumalma na rin ang pakiramdam ko at nakahinga na rin ako ng maayos. Hininaan lang niya ang aircon ng kotse niya at mukhang napansin niya ang panginginig ko dahil sa lamig. Nagsimula na ring bumuhos ang malakas na ulan at pinanunuod ko lang mula sa bintana ang bawat patak nito.
He didn't ask what happened to me, probably just thought it was because of the thunder. We drove in silence, and before I knew it, we were already in front of our huge gate.
Nauna siyang bumaba at may kinuha sa likod. Pinagbuksan niya ‘ko ng pintuan ng sasakyan at hawak naman niya sa isang kamay ang payong. Hinatid niya ako hanggang sa tapat ng pintuan. At nang tumingin ako sa kalangitan ay may gumuhit do’n na kidlat at napahawak na lang ako sa kaniyang kamay.
“Could you stay with me here for a while?” Kumunot ang noo niya sa tanong ko. “N-natatakot kasi ako eh. Umuwi na kasi si Yaya Karing at si Kuya Raffy k-kaya a-ako na lang ang mag-isa rito sa bahay.”
Wala akong narinig na ano mang salita sa kaniya at basta lang siyang nakatitig sa’kin. I know I was rude to him, and here I am ordering him to stay with me.
“I-I’m sorry to bother you.” Tatalikod na sana ako ng marinig ko siyang magsalita.
“Okay, I’ll stay with you.” Sandali kaming nagkatitigan at pagkuwa’y ako na rin ang nagbaba nang tingin.
Pinapasok ko siya sa loob at naupo naman ako sa sofa. Itinaas ko ang dalawang hita ko at niyakap ito. Ilang sandali pa ay bumalik siya ng may dalang basong tubig. Hindi ko namalayang tumalikod siya sandali at may bitbit na itong tubig.
Kinuha ko ‘yon sa kaniya at deretso itong ininom. I could feel myself gradually relaxing, and I finally exhaled deeply, releasing all the tension.
"Get some rest, and I'll watch over you until you fall asleep." Tumango lang ako sa kaniya at inalalayan naman niya akong makahiga.
Malakas ang buhos ng ulan at kahit na sarado ang mga bintana ay nararamdaman ko pa rin ang lamig nito. Nakaupo si Professor Kiefer sa gilid ko habang nakahiga naman ako sa mahabang sofa. Naalala ko na malapit lang daw ang bahay niya rito kaya hindi mahirap ang makauwi siya kung sakaling tumila ang ulan.
When the thunder rumbled again, I took his hand and held it tightly while my eyes close. When I was a child, whenever a storm came, I would always cling to my mom because I was so afraid of the sound of thunder. Even as I grew up, I still couldn't shake off my fear of that sound.
Naramdaman ko rin ang mahigpit na hawak niya sa kamay ko at ilang minuto pa ang lumipas ay medyo nakakaramdam na ako ng pagka antok. Pero bago pa ako tuluyang makatulog ay nakarinig ako ng munting tinig.
“You know that I’ll always be here for you, my moonshine”
Napamulat ako ng aking mga mata at mabilis na napatayo. Napansin kong may kumot na ako at saka unan. Nakita ko naman sa aking harapan si Yaya Karing na himbing sa kaniyang pagtulog habang nakaupo.
Ilang sandali pa ay nagising na rin si Yaya Karing at kaagad akong nilapitan. Sinuri niya ako at saka naman niya ako niyakap.
“Mabuti naman hija at walang nangyari sa’yo,” may pag-aalalang turan ni Yaya Karing.
“Teka yaya, anong ginagawa niyo rito?” Tiningnan ko ang wrist watch ko at alas-kuwatro pa lang ng madaling araw.
“Tinawagan kasi ako kagabi ng daddy mo at sinabi niyang puntahan daw kita rito dahil nag-aalala raw siya sa’yo kaya naman nagmamadali akong pumunta rito,” paliwanag niya pa. “Ayos ka lang ba hija? Tiyak akong takot na takot ka kagabi dahil sa___” Hindi na niya naituloy pa ang kaniyang sasabihin dahil alam niyang malulungkot lang ako pag pinaalala niya sa’kin ‘yon.
Nagpalinga-linga pa ako at saka muli kong binalingan si Yaya Karing na nagtataka rin sa akin. Naabutan kaya niya si Professor Kiefer dito kagabi?
Nasapo ko na lang ang aking bibig ng mapagtanto kong nagpahatid ako sa kaniya at ang masama pa ay pinapasok ko pa siya rito sa loob ng bahay. f**k! Ano bang pumasok sa isip ko at sinabi ko sa kaniya ‘yon?! And the worst is, I even begged him not to leave me.
“Yaya, have you seen him?” kinakabahang tanong ko.
“Sino hija?”
“Iyong lalaki na nandito kagabi”
“Ha? Pero wala ka namang kasama kagabi pagdating ko rito.” Napasandal na lang ako at nagpakawala ng hangin.
So he left just like that? Well, mabuti na rin ‘yon ng hindi siya nadatnan ni Yaya Karing. Pero ang pinagtataka ko ay kung panaginip lang ba o guni-guni ko lang ang narinig ko bago pa ako dalawin ng antok.
I’ll never forget that word.