LEIGH’S POV:
Napabalikwas ako ng bangon at kaagad kong sinilip ang bintana. Pasikat na ang araw at nagmamadali naman akong tumayo sa kama at tinungo ang banyo. Nang matapos na akong maligo ay nag-ayos na ako ng aking sarili at nagmamadali naman akong bumaba. Tiningnan ko ang wrist watch ko at mag-aalas syete na ng umaga. Literature pa naman ang first subject ko at hindi ako puwedeng ma-late at as usual si Prof. Kiefer ang prof. ko ngayong umaga. Kung puwede nga lang na idrop ko ang subject na ‘yon ay kaagad ko ng ginawa.
Nang makababa na ako ay tinawag ako ni Yaya Karing na nagtataka at tiningnan pa ang ayos ko. Katatapos lang siguro niyang magluto dahil suot niya pa ang apron niya at may nakahanda ng pagkain sa lamesa.
“Hija, saan ka pupunta at ang aga mo naman yatang umalis?” kunot-noo niyang turan.
“Yaya, pasensya na hindi na ako makakakain baka kasi ma-late ako eh”
“Teka, nag-iba na ba ang schedule ng pasok mo?” Ako naman ang napakunot ng noo at kinuha ang aking telepono.
Binuksan ko ang calendar ko at doon ko napagtanto na sabado nga pala ngayon at monday to friday lang ang pasok ko. Bagsak ang balikat kong naibaba na lang ang telepono ko at saka naman ako napapikit.
Ever since that guy became my professor, I've been a nervous wreck and always in a rush. I've never been like this with anyone else, and he's the only professor who's ever made me feel this way.
Naalala kong bigla ang sinabi niya sa’kin noong nakaraang araw at bigla akong kinabahan. Is that a threat, or is he just deliberately trying to get on my nerves?
Mahina akong napamura at nasapo ko na lang ang aking mukha dahil nagmamadali pa naman ako kanina na baka ma-late ako at muli niyang palabasin sa klase niya. Iyon pala ay nakalimutan kong sabado nga pala ngayon at walang pasok. Kapag naglelecture siya ay tamad na tamad akong nakikinig sa kaniya, paano ba naman kasi ay parang lagi siyang seryoso at walang kalatoy-latoy ang lecture niya at mabibigla ka na lang dahil may recitation ng kaagad. Pero nakakapagtaka dahil kahit isang beses ay hindi lumabas ang pangalan ko sa hawak niyang class cards.
It's been three days, and our paths haven't crossed, and I haven't seen Maxx wandering around either. Well, that's good too; no one's bothering me because it's just irritating. Wala akong panahon makipaglandian sa kaniya at higit sa lahat wala akong balak na magpaligaw sa kahit na sino.
Umupo na lang ako sa hapag-kainan at kinain ko na lang ang mga inihanda ni Yaya Karing. Pagkatapos ko namang mag-almusal ay nagpalit ako ng damit ko pang jogging at tulad ng nakasanayan ko tuwing weekends ay magjojogging ako sa loob ng subdivision namin ng 2 hours at pupunta naman ako sa mall para magshopping kasama sina Thea at Rein.
As usual, I hear whistles from the men around here again, but I just ignore them. Some try to introduce themselves, but I tell them that I'm not looking for a man, but a rich old man who's about to die soon. Sinabi ko lang ‘yon para tigilan na nila ako. Call me a bad woman, but I will never give my heart to any man.
When I felt tired, I sat on the bench and gently wiped the sweat from my arm and forehead. Medyo mataas na rin ang sikat ng araw at tatayo na sana ako sa kinauupuan ko para sana umuwi na ng biglang may nag-abot sa’kin ng bottled water. Siguro ay isa na naman ito sa makikipagkilala kaya naman inis akong tiningala siya.
Bumuka ang mga labi ko para magsalita pero naudlot ang sasabihin ko nang makilala ko siyang kaagad. Bagsak na bagsak ang kaniyang buhok at hindi rin niya suot ang kaniyang salamin. He was wearing a plain white t-shirt, and I noticed the nice shape of his body and chest. Half of his t-shirt was already wet with sweat, so his chest was outlined, and that's where my attention was focused.
"You need to drink, you might get dehydrated." Inirapan ko siya at inis kong kinuha sa kaniya ang bottled water.
Binuksan ko ito at sunud-sunod ko namang ininom ang tubig hanggang sa mangalahati ito. I glanced at him again, and he sat down next to me. He was about two spans away from me, and I didn't need to move back any further.
“Sinusundan mo ba ‘ko?”
He glanced at me and smirked. “Why should I? I don’t find you attractive enough to be following you.” Napamaang ako sa sinabi niya at mabilis akong napatayo.
“Nagpapatawa ka ba? E anong ginagawa mo rito kung gano’n?” Gigil kong sambit sa kaniya.
Relax lang siyang nakaupo at pinagkrus niya pa ang kaniyang binti habang nakatingala sa’kin. I couldn't help but stare at him, and I'll admit he's really good looking, especially when he's not wearing his eyeglasses. Naiinis lang ako sa kaniya dahil ako ang lagi niyang pinagtutuunan ng pansin lalo na kapag hindi ako nakikinig sa klase niya samantalang ‘yong iba ay nakikita niya pang nagdadaldalan o ‘di kaya ay natutulog habang naglelecture siya.
"My place is just around the corner and I don't think it's against the rules to talk to my student, isn’t?” Malakas akong bumuga sa hangin at tatalikuran ko na sana siya ng bigla niyang haklitin ang isang braso ko at hilahin niya palapit sa kaniya.
Muntikan na akong mapasubsob at naitukod ko na lang ang isang palad ko sa kaniyang dibdib. I stared at him with my lips slightly parted, and as always, his face remained emotionless.
Lalayo na sana ako sa kaniya pero mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa braso ko. Napatingin na lang ako sa paligid at napagtanto ko na kami na lang ang tao rito at ang iba ay papalayo na sa lugar na ito.
“Remember what I told you the last time we talk?” Napalunok ako at inalala ang sinabi niya sa’kin nang hilahin niya ako papasok sa kaniyang opisina. “Hindi ka ba talaga marunong gumalang sa professor mo?” Hinila ko ang braso ko at sinamaan siya nang tingin.
"How do you expect me to respect you after you disrespected me right from the beginning?"
Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo at ako naman ay bahagyang napaatras. Humakbang siya ng isang beses palapit sa’kin at umatras ulit ako.
Ano na naman kayang kalokohan ang gagawin niya para takutin ako? Is he going to fail me? Absolutely not! He wouldn't dare, and if he did, he'd seriously regret it.
“Hindi ‘yon ang kailangan ko. I want you to focus on the lesson. I need you to sit in front and pay attention to my discussions, because if you don't..." Huminto siya sa sunod niyang sasabihin at humakbang na naman palapit sa’kin. Napasinghap ako nang ipulupot niya ang isang braso niya sa aking baywang at ipinilig ang kaniyang ulo. "I'll see to it that you retake my subject, and I'll still be the professor you're stuck with.” Doon lang siya lumayo sa’kin at nauna na siyang umalis.
Sa sobrang inis ko ay tinapon ko ang bottled water na hawak ko at mabilis akong tumalikod. Malalaki ang hakbang kong naglakad pauwi at nang makarating na ako sa bahay ay naabutan ko naman ang dalawang kaibigan ko at kausap si Yaya Karing.
“Hey b***h, ang tagal mo namang magjogging. Akala namin nakahanap ka na ng jojowain eh,” bungad ni Thea.
Umupo ako sa mahabang sofa kaharap nila at nagpaalam na muna si Yaya Karing. Nakasimangot akong napatingin sa kanila dahil aasarin na naman nila ako sa hindi pagkakaroon ng love life. They're aware that I don't plan on falling in love because I don't want to be like my dad, who was just easily replaced when my mom didn’t love him anymore.
“Asa pa kayo,” masungit kong sagot kay Thea.
Narinig ko pa siyang bumulong at ngumuso sa’kin. Naisandal ko na lang ang likod ko sa couch at saka ko naman ikinuwento sa kanila ang nangyari. Pero kabaligtaran ang iniisip ko. Akala ko ay magagalit sila sa ginawa ng Prof. Kiefer na ‘yon pero ang mga bitches kong kaibigan ay kilig na kilig pa na animo’y nanunuod ng movie. Anong nakakakilig sa ginawa ng buwisit na nerd na ‘yon? Sarap laslasin ng dila no’n dahil masyadong matalas magsalita.
“My gosh Leigh may pagnanasa sa’yo si prof.! Alam ko noong una pa lang na may gusto sa’yo si Professor Kiefer dahil palaging ikaw ang pinapansin niya, right Thea?” Pumitik pa sa ere si Thea at nagflip naman ng buhok si Rein.
These two are acting crazy because I can't even have a normal conversation with them. Maxx has finally stopped bugging me, but that nerd is such a pain!
Niyaya ko na lang silang mag-mall para kahit papaano ay mabawasan ang init ng ulo ko sa kanila at lalo na sa Professor na ‘yon. We went to a movie, had a meal, and then played games at the arcade. It was like stepping back into our childhood, and if I could, I'd go back to being a kid when my parents was still together.
Papalabas na kami ng arcade ng may biglang lumapit sa aming isang batang babae na sa tantya ko ay nasa sampung taon gulang na. Nagulat ako nang yakapin niya ako sa aking baywang at napaawang na lang ang aking mga labi at napatingin kina Thea at Rein na tila nagtataka rin sa tinuran ng bata. Nang humiwalay siya nang pagkakayakap sa’kin ay abot tainga ang kaniyang pagkakangiti sa akin.
“Hi! You must be Leigh, my darling?” Namilog ang mga mata ko sa tinawag niya sa’kin at maya-maya pa ay may lumapit sa amin at wari ko’y siya ang mga magulang ng batang ito.
“Nandito ka lang pala Maxine, kanina ka pa namin hinahanap ng daddy mo.” Tumingin sa’kin ang mommy niya at nagulat pa siya pagkakita sa’kin.
“Mom, she’s Ate Leigh, my darling, kuya Maxx’s girlfriend.” Mas lalo akong nagulat sa sinabi ng batang ito at hinawakan niya pa ako sa aking kamay.
Gusto kong magprotesta at sabihin sa kanila na nagkakamali lang ang batang ito at hindi ako girlfriend ni Maxx. s**t! Did Maxx really told them that I'm his girlfriend? That guy is such a jerk! When did I ever become his girlfriend?!
“Hoy b***h, meron ka bang tinatago sa’min? Bakit hindi mo sinabing jowabells mo na pala si Maxx?” bulong sa’kin ni Rein at sabay ngiti niya sa bata.
Sasagot pa sana ako ng bigla na lang akong hilahin nitong batang babae at napapalingon na lang ako sa mga kaibigan ko. Ayokong maging bastos lalo pa’t kasama niya ang mga magulang niya at isa pa hindi siya ang may kasalanan kun’di ang kapatid nitong si Maxx!
Dinala nila ako sa isang restaurant at magkaharap naman kami nitong bata. Medyo naiilang na talaga ako dahil panay ang ngiti niya sa’kin at ganoon din ang mommy at daddy niya. Kung titingnan ko ay mukha naman silang mababait at nagtataka ako kung anak ba nila si Maxx. Alam kong magulang niya ang mga ito dahil kuya ang tawag nitong batang babae sa kaniya.
“By the way, siya pala si Maxine. Pasensya ka na sa kaniya makulit talaga siya eh,” nakangiting sabi ng daddy niya.
“O-okay lang po ang cute nga niya eh,” ganting ngiti ko naman sa kaniya. “Bakit hindi niyo po pala kasama ‘yong anak niyong si Maxx?” Napangiti pa siya sa’kin at binigyan naman ako ng asawa niya ng blueberry cheesecake.
Napatingin na lang ako roon dahil ito rin ang madalas na binibili sa’kin ni mommy. Lagi ko kasi siyang niyayaya sa bakeshop just to eat a blueberry cheesecake. But now, I don’t want it anymore.
“Hija, hindi mo ba gusto ‘yang blueberry cheesecake? Gusto mo bang papalitan?” Nag-angat ako nang tingin at pilit na lang akong napangiti sa mommy ni Maxine.
“Ah, hindi po. Actually, I really like the taste of blueberry cheesecake. Kaso po busog na ‘ko ang dami rin po kasi naming kinain ng mga kaibigan ko. But I'll just take this out so I can eat it at home,” nasabi ko na lang para hindi naman ako maging bastos sa kanila.
Napatingin ako kay Maxine at magana niyang nilantakan ang cheesecake niya. Kumalat ang icing sa gilid ng labi niya at pinunasan ko naman ito ng tissue. Napangiti pa siya sa’kin at ganoon din ako.
“Oo nga pala hija, kailan pa naging kayo ni Maxx? I mean, hindi kasi siya ‘yong tipo na nagkukuwento sa amin nalaman na lang namin dito sa pinsan niyang si Maxine,” wika ng daddy ni Maxine.
Napatulala ako dahil nalaman kong hindi pala nila anak si Maxx kun’di pamangkin lang at pinsan naman niya si Maxine.
“Ahhm, pasensya na po kayo sir akala ko kasi anak niyo si Maxx,” nahihiyang hinging paumanhin ko.
“That’s okay hija. You can call me Tito Roel. Well, para ko na rin namang anak si Maxx. Napunta siya sa’min noong kasing edad din siya nitong si Maxine.” Lumungkot ang itsura niya at hinaplos ang buhok ng anak niya habang abala sa kaniyang pagkain.
Ewan ko ba pero parang may kung anong kumurot sa puso ko at ayokong marinig mula sa kanila ang dahilan kung bakit nasa poder nila si Maxx. Sa kabila ng ngiting pinapakita niya sa’kin sa tuwing kinukulit ako ay hindi ko alam na may itinatago palang lungkot ang pagkatao niya.
“Si Maxx ang nagbigay ng pangalan kay Maxine,” saad naman ng mommy ni Maxine. “Akala ko hindi na kami magkakaanak pa at bigla na lang siyang pinagkaloob sa amin. Gusto ni Maxx na malapit sa pangalan niya ang magiging anak namin kaya Maxine ang pinangalan niya. Kaya habang lumalaki sila ay nagiging malapit sila sa isa’t-isa na parang magkapatid.” Tiningnan ko si Maxine at katulad ni Maxx ay palangiti rin ito.
“Please take care of my Kuya Maxxwell. He really likes you a lot. His phone gallery filled with your photos and he always mentions you to me whenever we have a conversations.” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay Maxine dahil ayoko namang maging prangka sa harap ng bata.
Siguro ay si Maxx na lang ang kakausapin ko tungkol dito at talagang ginamit niya pa ang bata para sa sariling interes niya. Akala niya yata ay madadaan niya ‘ko sa ganito, no! Never! As in never!
Nagpaalam na rin sila na mauuna na at bago pa makasakay ng kotse si Maxine ay mahigpit na yakap ang ginawad niya sa’kin. Napaka sweet niya at sobrang bibo rin. Sa personality ni Maxx ay hindi ko akalain na close siya sa pinsan niya dahil sobrang layo ng ugali niya kay Maxine.
Speaking of that jerk! Humanda talaga siya sa’kin oras na makita ko siya. Hindi ko palalagpasin ang ginawa niya at walang kamuwang-muwang na bata ay pinagsinungalingan niya pa.