CHAPTER 5

2304 Words
Leigh POV: Maaga akong nakarating sa school at sinigurado kong mauuna ako sa Prof. Kiefer na ‘yon. But before I even got out of my car, I quickly glanced at myself in the rearview mirror and put on my sunglasses. I was wearing my 3-inches heels, which made some of the students I passed turn their heads because of the sound of my shoes. Deretso lang ang tingin ko at hindi ko na pinansin pa ang ilang bulungan ng mga estudyante. Sanay na ‘ko sa ganoong tingin nila lalo na ang mga kalalakihan. Kaagad akong pumasok sa loob ng classroom namin at ang iba pa ay gulat na gulat nang makita nila ako dahil na rin siguro maaga ako ngayon. Bakit ko ba ginagawa ito? At isa pa hindi dapat ako matakot sa kaniya. Siya dapat ang matakot kapag pinatanggal ko siya rito sa university. “Oh my god b***h You’re early!” Tinanggal ko ang suot kong sunglasses at inilagay ito sa aking ulo. Nginisian ko lang si Rein at nagmamadali naman itong tumabi sa akin. Sa kabilang gilid ko naman naupo si Thea at pinagitnaan pa nila ako na mukhang gusto lang sumagap ng tsismis. “Natakot kang mapalabas ulit ‘no?” Tiningnan ko ng masama si Thea at nag-peace sign lang siya. “Hindi. Kailangan ko lang mapanatili ang grades ko at isa pa hindi na rin naman magtatagal ang prof. na ‘yon kung sakali” “Bakit? May balak ba siyang lumipat ng ibang university? Huwag naman sana, ngayon na nga lang ako na-iinspire pumasok kasi may guwapo tayong prof. tapos mawawala pa.” Pinandilatan ko si Thea at nakanguso naman siyang umupo paharap. Kahit kailan talaga si Thea masyadong mahilig sa pogi kaya parating naloloko. They always tell me to try letting someone court me, or maybe get a boyfriend, so I can finally experience how wonderful it is to be in love. Pero matagal ko ng sinabi sa sarili ko na kailanman ay hindi ako magmamahal. Hindi ako naniniwala sa pagmamahal at lalong-lalo na sa kasal. “Tigilan mo nga ‘yang pagpapantasya mo kay Prof. Kiefer dahil sa akin siya mapupunta.” Napatapik na lang ako sa aking noo dahil hindi lang pala si Thea ang nagayuma ng nerd na ‘yon pati pala itong si Rein. “Ano bang nagustuhan niyo sa nerd na ‘yon? Liit ng ulo tapos ang laki ng katawan.” Umirap pa ako sa inis at pinagkrus ko ang aking mga binti. “Pero mukhang malaki b***h!” ani ni Thea at nag-appear pa ang dalawa at parehong masama ang tingin ko sa kanila. “My God! Ang guwapo talaga ni Prof. Kiefer! ‘Yong kiffy ko tuloy kinilig! Feeling ko tuloy ang sarap niya chupain,” sagot naman ni Rein. Minsan gusto kong sampalin ang bibig nitong si Rein dahil kung anu-anong kabastusan ang lumalabas sa kaniya. “Mga nerd type na pala ang gusto niyo ‘no? He’s not attractive for me. He looks like a grandpa in his style,” inis kong buwelta sa kanila. “Naka-eye glasses lang nerd na kaagad? Dagdag pogi points kaya ‘yon. Sabagay ano pa ba nga ang aasahan ko sa’yo? Wala ka nga palang interes sa mga lalaki, manang ka kasi.” Konti na lang talaga at hihilahin ko na ang dila nitong si Rein dahil sa pang-aalaska sa’kin. Okay, let's say he's a good-looking guy, I don't care about that. Only an idiot would like that kind of guy who looks emotionless and only knows how to embarrass others. “Alam ko kung ano ang makakapagpalambot sa’yo. Kapag dinala ka ng isang Professor Kiefer sa kama niya tiyak akong magiging madasalin ka.” Pinalo ko pa ang desk ko at padabog akong humarap kay Rein. She gave me a teasing look and even pointed at the door. I looked over there and saw the person I loathed just walking in. I straightened up in my seat and watched him until he reached his desk. He looked at us, his students, and his gaze paused in our direction. I didn't know if he was looking at me or at the student behind us, because they were all whispering, it was like they were all giddy or something! Unti-unti siyang lumapit sa direksyon namin at panay naman ang bungisngis ng estudyante sa aming likuran. Napapikit pa ako dahil nakakairita na ang pagka-haliparot ng mga ‘yon na akala mo ay artista ang nasa harapan nila. “Ms. Faye Everleigh Estefan.” Nag-angat ako ng aking tingin at sandali naman niyang pinagmasdan ang ilang estudyante na nasa aming likuran na ngayon ay nanahimik na. “I want you to sit in the front” Nangunot ang noo ko at ikinuyom ko ang aking palad. Hindi ako natinag sa sinabi niya at imbes ay nginisian ko lang siya at saka itinali ko pataas ang aking buhok. “Didn’t you hear me, Ms. Faye Everleigh?” muling saad niya. Pabagsak kong ibinaba ang binti ko na naka-dekuwatro at tinitigan siya ng masama. Nahalata naman ni Rein ang tensyon sa pagitan namin kaya napahawak siya sa aking braso upang pigilan ako. Napabuga na lang ako sa hangin at wala akong magawa kun’di ang sundin siya. Kailangan ko pa siyang pagtiisan hanggang sa makauwi si daddy para siya na mismo ang magpatalsik sa kaniya. Tiyak naman akong gagawin ni daddy ‘yon oras na malaman niyang pinag-iinitan ako ng nerd na ito na akala mo’y ka-guwapuhan. Tumayo na ako at nagpunta sa unahan. Katabi ko naman ang isang nanligaw sa akin noon at ilang beses ko rin siyang binasted. He smiled at me, but I wasn't in the mood to return the smile. Naitukod ko na lang ang ilang daliri ko sa aking noo at taimtim na pumikit. Nagsasalita na siya sa harapan pero hindi ko magawang makinig sa kaniya. Tingnan ko lang siya ay nabubwisit na ako. Niyaya niya ako lumabas kagabi to apologized pero heto at iniinis na naman ako ng nerd na ito. “Miss Faye Everleigh.” Doon lang ako napamulat at binalingan siya nang tingin. He was standing in front of us, as always, leaning against the desk, his hands braced on either side of him. Hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa kaniyang gitna at naalala kong bigla ang sinabi ni Thea tungkol sa kaniya. Napaubo na lang ako at para bang nasamid ako sa aking sariling laway at pinaypayan ko pa ang aking sarili. “Give me an example of Literature.” Sandali akong hindi nakasagot sa tanong niya at maya-maya pa ay bahagya siyang lumapit. “You’re not listening Miss Faye Everleigh don’t you?” Inis akong tumayo at walang emosyon naman siyang nakatingin sa’kin. Seriously, ako na naman ang pag-iinitan niya? Ano bang meron sa’kin at gustong-gusto akong pahiyain ng nerd na ito? “Fiction,” maikling sagot ko. “Like what?” Konting pagpapasensiya na lang talaga at sasabog na ‘ko at baka makalimutan kong professor siya. Okay, if he wants my answer I’ll give it to him. “Marriage.” Biglang umingay ang klase at nakatuon pa rin ang paningin ko kay Professor Kiefer. “Why?” “Because true love doesn’t exist. Expectations are unrealistic. The idea of "true love" sets unrealistic expectations for relationships. People expect their partners to be perfect and to fulfill all their needs, leading to disappointment and dissatisfaction.” Tumahimik bigla ang lahat sa sagot ko. Kita ko sa mukha ni Professor Kiefer na hindi siya sang-ayon sa sagot ko. I know he loves someone, and he believes in that love. But people aren't all the same; some keep loving even after being hurt countless times. For me, it's nothing but an illusion. Daddy always used to tell me that Mommy loved me and would come back for us. Pero nagdalaga na ako lahat-lahat at ilang taon na rin ang lumipas ay hindi pa rin siya bumabalik. Nakita ko siya noong minsan at hindi ko man lang nakitaan sa itsura niya ang pagsisisi at pagkasabik ng makita niya ako. Talagang kinalimutan na niya ang pagiging ina niya sa’kin at mas pinili niya ang lalaking pinagpalit niya kay daddy. “Have you already experience it? Paano mong nasabing love doen’t exist?” Mahinahon ngunit malamig na tono niyang pananalita. “Naranasan mo na rin bang masaktan Professor Kiefer? Naranasan mo na bang iwan ka at umasang babalik siya? Dahil kung hindi pa, napaka swerte mo.” Sagot ko na nagpatahimik sa kaniya. Nanatili pa rin akong nakatayo at nakakuyom ang mga palad. Ito ang pangalawang beses na maglalabas ako ng hinaing ko at hinding-hindi na mauulit pa ito. Hindi ko gustong may ibang makaalam ng pinagdaanan ko at gusto ko ng ibaon iyon sa limot. He didn't say anything, so I just sat down and took a deep breath. I can't believe I would say something like that, especially to a professor. Natapos na ang klase namin at kaagad din akong lumabas ng classroom. Kasama ko sina Thea at Rein pero hindi kami nag-uusap hanggang sa mga sumunod naming klase. Tanging sila lang dalawa ang nakakaalam kung ano ang pinagdaanan ko noon at alam din nilang ayokong pinag-uusapan ang tungkol do’n. Nasa canteen kami at masayang nagkukuwentuhan ng may lumapit sa aming isang estudyante. May inabot siya sa’king isang maliit na papel at pagkatapos ay mabilis siyang umalis. At dahil sa tsismosa ang kaibigan kong si Thea ay siya na ang nagbasa ng nakasaad doon. Nang mabasa niya ang nakasulat sa kapirasong papel ay para naman siyang kiti-kiting hindi mawari at mahina niya pa akong pinagpapalo. Kinuha ko sa kaniya ang papel at binasa ko naman ang nakasulat doon. Walang kagana-gana kong nilakumos ‘yon at ininom ko na lang ang natitira kong kape. “Hoy b***h, puntahan mo na si Maxx, at saka sa nakikita ko mukha naman talaga siyang seryoso sa’yo.” Sabay turo pa ni Thea sa’kin. “Si Maxx ang nagbigay ng sulat?” tumango lang si Thea kay Rein. “I gotta go bitches, may pupuntahan pa ‘ko.” Tumayo na ako at isinukbit ko na sa aking balikat ang shoulder bag ko. “Uy, pupuntahan na niya si Maxx.” Pang-aalaska ni Rein. Napaiiling na lang ako sa kaniya at hindi na pinansin ang sunud-sunod na pang-aasar nila sa’kin. I was walking down the hallway when someone pulled me aside. I was about to scream, but he quickly covered my mouth. When I realized who it was, my eyes widened, and he slowly took his hand away from my mouth. “What do you think you’re doing?” Pabulong kong turan sa kaniya. "Is that how you're supposed to greet your professor?" "I don't have the patience to joke around with you right now." Akmang tatalikod na ako ng itukod niya ang dalawang palad niya sa magkabilang gilid ko. Masama ko siyang tinitigan at pilit ko siyang itinutulak palayo pero idinikit niya pa ang sarili niya sa’kin kaya lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Inilapit niya pa ang bibig niya sa aking tainga at nagtaasan naman ang balahibo ko sa aking leeg ng maramdaman ang mainit niyang hininga roon. "Give me one more bit of your attitude, and you'll see what happens. Baka hindi mo alam pumapatol ako sa estudyante ko.” Marahan siyang lumayo sa’kin at seryoso siyang nakatingin sa’kin. "Judging by the look on your face, it seems my threat worked” “Asshole,” mahinang mura ko. Kumunot ang noo niya at mabilis ko siyang tinalikuran. Binuksan ko ang pintuan at nagulat ako ng muli niya itong isara at nakadikit na ang katawan niya sa aking likod. "Do I look like I'm joking to you? Do you want me to teach you some manners, Miss Faye Everleigh?" Napapikit na lang ako dahil sa paraan ng pagtawag niya ulit sa’kin. Mabilis akong humarap sa kaniya at malakas ang pagsinghap ko nang muntikan nang dumikit ang labi niya sa aking mga labi. Hindi ako makahinga at para bang kung ano ang pumasok sa aking dibdib para mas lalong bumilis ang pagtibok nito. “I’m warning you Miss Faye Everleigh, give me one more instance of that disrespect, and I will no longer treat you as my student. Is that clear?" Marahan lang akong tumango at hindi siya tiningnan. Sa wakas ay lumayo na rin siya sa’kin at nagmamadali naman akong lumabas ng opisina niya. Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko namalayang may nabunggo na pala ako. Muntikan na akong matumba at mabuti na lang ay kaagad niya akong nahawakan sa braso. “Hey, Leigh, my darling are you okay?” Tiningala ko siya at mukha ni Maxx ang nasilayan ko. Tumingin pa ako sa aking likuran at nakita ko ang pagbukas ng pintuan ng opisina ni Professor Kiefer. Para naman akong nakakita ng multo at mabilis kong hinila palayo si Maxx hanggang sa marating namin ang parking lot. Sapo ko ang aking dibdib at hinihingal naman ako. “Leigh, what’s wrong? Okay ka lang bang talaga?” Tiningnan ko si Maxx at sa itsura niya ay halatang nag-aalala siya sa’kin. “Hey, namumutla ka. Ano bang nangyari?” “W-wala, aahhm, ano kasi eh…kasi a-ano.” Hindi ko alam kung anong paliwanag ang sasabihin ko sa kaniya at ang tanging nararamdam ko ngayon ay labis na pag-aalala. I don't know what he meant by that threat, but all I'm sure of is that I know he was serious about what he said. “Let me drive you home.” Hindi na ako tumanggi sa alok niya at tumango na lang ako bilang pagpayag. Nanakit bigla ang ulo ko dahil sa kaniya at wala akong ibang gagawin kun’di ang pagtyagaan ang nerd na ‘yon at higit sa lahat ay pakisamahan siya bilang isang professor ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD