LEIGH’S POV:
It’s almost 7:30 in the evening when my class ended. Naghiwalay na rin kami nila Thea at Rein dahil sinundo sila ng kani-kaniyang driver. Pareho silang tamad magnaeho kapag ganitong gabi na ang tapos ng klase namin.
Naglalakad na ‘ko sa parking at pinindot ko naman ang susi ng kotse ko nang mapatalon ako sa gulat nang makita si Prof. Kiefer na nakasandal sa nguso ng kotse niya at katabi pa ito ng kotse ko. Malakas akong napabuga sa hangin at sinamaan siya ng tingin at pagkuwan ay umayos siya ng kaniyang tindig ng makita ako.
“Ano ba? Bakit ka ba nanggugulat?!” bulyaw ko sa kaniya.
“Nakalimutan mo yata na Professor mo ‘ko at hindi mo barkada.” Inirapan ko lang siya at akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kotse ko ng muli siyang magsalita. “Let’s go”
“At saan mo naman ako balak dalhin? As if naman sasama ako sa ‘yo?” Pagkasabi kong iyon ay tuluyan ko nang binuksan ang pintuan ng sasakyan ko at sumakay doon.
Muntikan pa akong mapanura nang sumakay siya sa passenger seat at nagsuot na siya ng seatbelt. Mataman niya akong pinagmasdan at taka lang akong nakatitig sa kaniya.
“What are you doing in my car? At saka ano bang problema mo? May gusto ka ba sa’kin?” Tinanggal niya ang eyeglasses niya at bahagya pa siyang umikot para humarap sa’kin..
“Kahit maganda ka, hindi ako attracted sa’yo.” Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niyang ‘yon.
“So feeling mo pogi ka? Get out of my car bago pa kita__” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mabilis niyang tanggalin ang seatbelt niya at inilapit niya ang mukha niya sa’kin at napasinghap na lang ako.
Nagtama ang aming paningin at mariin pa akong napalunok. No one ever dare looking at me like that at kapag nagtatangka sila na lapitan ako ay kaagad ko silang sinasampal. Excuse lang siya because he’s my professor at ayokong ma-expell sa sariling school namin.
"Seriously, do you even know how to respect your professor? Or maybe you need a tutor so you can actually learn something for once?" Naitikom ko na lang ang aking bibig at napapikit pa ako nang siya na ang nagkabit ng seatbelt ko.
Nang imulat ko ang mga mata ko ay nahuli ko siyang nakatitig sa’kin at maya-maya pa ay umayos na rin siya ng kaniyang upo. Parang tila nanigas ako sa aking kinauupuan at kahit nakabukas ang aircon ng aking sasakyan ay pinagpapawisan ako.
“Now, drive,” utos niya na mas lalong ikinainis ko.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko at wala naman kaming imik habang tinatahak namin ang daan palabas ng university. I stepped on the brake and looked at him—-and there he was, Mr. Cool Guy, eyes closed, leaning back like he was on a vacation with his arms crossed. As I'm staring, it finally hits me. Okay, yeah, he's kinda good-looking. I guess that explains why every other girl in school had a crush on him. I mean, he got a pointed nose and sculpted lips.
Napailing na lang ako dahil sa naiisip ko at saka lang siya nagmulat ng kaniyang mga mata. Umiwas ako nang tingin sa kaniya dahil baka mahalata niya na pinagmamasdan ko siya at ako naman ang pagbintangan niyang may gusto sa kaniya.
“Let’s have dinner first and I want to talk to you in private.” Umikot ang mga mata ko at humigpit ang kapit ko sa manibela.
Tungkol saan na naman ba ang pag-uusapan namin? Humingi na ‘ko ng sorry sa kaniya hindi pa ba sapat ‘yon?
Biglang may kung anong pumasok sa utak ko at sumilay na lang ang nakakalokong ngisi ko sa aking mga labi. Muli kong pinaandar ang sasakyan ko at ewan ko lang kung hindi siya magulat kung saan ko siya dadalhin, tutal wala naman siyang sinabing lugar kung saan niya gustong kumain at ayoko nang magtanong pa.
I brought him to one of those ridiculously expensive, fine-dining places that everyone in Manila knows. I got out first, and he trailed behind. I'm quite certain a single meal here will wipe out his salary for the month.
Napanganga ako ng mauna na siyang pumasok sa loob at saka naman ako sumunod. s**t! Bakit dito ko siya dinala tapos ang simple lang ng suot ko? Dahil sa kamamadali ko hindi tuloy ako nakapagbihis ng maayos dahil tinanghali ako ng gising at dahil din ito sa kaniya.
Umupo kami sa katabing bintana at binigyan naman kami ng waiter ng dalawang basong tubig at inabot sa kaniya ang menu. Medyo nakaramdam na rin ako ng gutom at naririnig ko nang tumutunog ang tyan ko at mabuti na lang ay hindi niya ito naririnig.
“What do you want to eat?” tanong niya habang nakatuon ang mata sa hawak niyang menu.
“Kahit ano basta masarap,” walang gana kong sagot.
“Ma’am, try our Vietnamese Spring rolls one of our best sellers and I’m sure magugustuhan niyo rin po siya.” Malapad akong ngumiti sa waiter at inabot niya sa’kin ang isa pang menung hawak niya.
Napapalunok na lang ako ng aking laway dahil ang totoo ay kanina pa talaga ako nagugutom. Hindi kasi ako nakakain ng maayos kanina dahil nawalan ako ng gana pagkatapos ulit ako pahiyain ng nerd na professor na ‘to. And then yayayain niya ‘ko mag dinner para ano? Naguilty ba siya kaya bigla niya ‘ko niyayang kumain? Anong akala niya sa’kin bata?
Tinuro ko sa waiter ang order ko at pagkatapos ay ngumiti pa ako sa kaniya. Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo at sandaling tumingin kay Prof. Kiefer na nakakunot ang noo.
“How about you sir? Ano pong order niyo?” Bago pa siya magsalita ay binigay na niya muna ang menu sa waiter.
“Only Steak Au Poivre”
“Okay po sir, repeat order ko lang po. One Tarte Aux Noix, Profiteroles, Soupe A L’oignon, Le baba, and Steak Au Poivre and a bottle of wine. Is there anything you want to add sir?”
Bumaling nang tingin sa’kin si Prof. Kiefer at lihim naman akong napangiti. Pinili ko talaga ang pinaka mahal na pagkain at dinamihan ko na rin ang order ko. Sa ganitong paraan ay makaganti man lang ako sa pesteng Professor na ‘to at hindi ko palalagpasin ang ginawa niya sa’kin.
“I didn’t know that you were such a big eater.” Ngumiti lang ako ng nakakaloko sa kaniya at binalingan niyang muli ang waiter. “Cancel the wine”
Napasimangot ako at akmang tatalikod na ang waiter nang bigla ko siyang hawakan sa kaniyang braso. Taka niya akong pinagmasdan at tiningala ko naman ang waiter ng tila’y naguguluhan sa aming dalawa.
“Don’t mind him. Include that to my order.” Nag-aalangan pang tumango ang waiter at napatingin pa siya kay Prof. Kiefer na masama ang tingin sa’kin.
“Aaahm, ma’am galit na po yata ang boyfriend niyo.” Napataas ang kilay ko sa sinabi ng waiter at natawa naman ako ng mahina.
“Mukha bang boyfriend ko ang lalaking ‘yan? Excuse me, hindi ganiyan ang type ko ‘no,” sabay irap ko pa.
Wala na rin siyang nagawa kaya hindi na siya nagsalita at umalis na rin sa harapan namin ang waiter. Tumingin ako sa labas ng bintana at mangilan-ngilan din ang pumapasok dito. Nakakapunta lang ako rito kapag si daddy ang kasama ko dahil since wala naman akong boyfriend siya lagi ang niyayaya kong kumain sa ganitong lugar. He's not strict. In fact, he even asks if I have a boyfriend and tells me to introduce him. I don't have time for that, and I've deliberately closed my heart to that kind of thing.
Ilang minuto rin kaming tahimik at ayoko rin namang makipag-usap sa kaniya at napilitan na lang akong sumama dahil wala na akong nagawa ng pumasok siya sa loob ng sasakyan ko.
“I know I made you upset and I’m sorry.” Dinig kong sabi niya pero hindi ko siya nilingon. “"As your professor, I certainly have the right to discipline my students, especially when they fail to adhere to my rules." Doon ko lang siya nilingon at seryoso siyang nakatingin sa’kin.
“Rules ba kamo? What did I do to violate your rules? Was it being late to your class? That was the first time I've been late, and it doesn't give you the right to shame me like that,” sarkastikong sagot ko.
Ewan ko ba bakit lahat ng estudyante ay die hard fan niya, e ang sama naman ng ugali. Ako lang ba ang nagkakamali sa lahat ng estudyante niya?
"I just really don't like it when someone is late to my class.” Sasagot pa sana ako ng biglang dumating na ang order namin.
Napalunok ako nang makita ang masasarap na pagkain na inorder ko at hindi na ako nahiya pang lantakan ang mga ‘yon. Ang totoo niyan ay kanina pa talaga ako nagugutom at nawala na rin sa isip ko ang kumain pa dahil busy ako sa school activities ko. Graduating student ako at kailangan kong i-maintain ang grades ko dahil iyon ang ipinangako ko kay daddy na pagbubutihin ko ang pag-aaral ko. Kahit na kami pa ang may-ari ng university na pinapasukan ko ay hindi naman ako naging abusado at ipinakita ko pa sa karamihan na walang special treatment para sa’kin at kita naman nila na nag-aaral talaga ako ng mabuti.
My dad told me that I would be the one to take his place when I graduate and if I have good grades and good performance in school. That's why I'm working hard for him now because he's the only family I have left.
Nang matapos na kaming kumain ay tinawag na niya ang waiter at binigay sa kaniya ang bill. Matagal siyang napatitig doon at sandaling napatingin sa’kin. Lihim naman akong napangiti dahil nakaganti rin ako sa kaniya and I’m sure kulang ang pambayad niya. Actually, willing naman akong pahiramin siya pero huwag na niya akong pagdidiskitahan pa dahil naiirita ako sa kaniya.
Tumayo na siya hawak ang bill at sinundan ko naman siya nang tingin. I leaned back casually in my chair and finished my wine in one gulp. I suddenly thought about following him, wondering if he was already begging the cashier because he didn't have enough money to pay.
Nakahanda na ang card ko para sana ako na ang magbabayad ng hindi ko siya makita sa harap ng cashier. Nagpalinga-linga pa ako pero ni anino niya ay hindi ko makita.
“Hey, have you seen the guy wearing an eyeglasses? He’s tall and looks like a nerd.” Pagdidiscribe ko sa waiter na nakasalubong ko.
“Ah, ‘yong boyfriend niyo po ba?” Pumakla ang tingin ko sa kaniya at pilit na lang akong ngumiti. “Parang nakita ko po siyang pumunta sa c.r ma’am.” Tumango lang ako sa kaniya at lumapit sa cashier.
Hiningi ko sa kaniya ang bill namin kung saan kami nakaupo at nakita kong almost fifteen thousand ang naging bill namin. I totally went out of my way to pick all the most expensive dishes just to piss him off. But then, guilt just washed all over me.
Inabot ko sa kaniya ang card ko at taka naman siyang napatingin doon. Tumingin pa siya sa kaniyang computer at saka binalingan ako ng may ngiti sa labi.
“Your bill already settled ma’am,” magalang niyang saad.
“What? Who settled it then?”
“The person who’s with you ma’am.” Bagsak ang panga kong natigilan at sabay baba ng hawak kong black card.
Kaagad ko siyang hinanap at nakita ko siya sa gilid ng comfort room at may kausap sa kaniyang telepono. Nagtago ako sa likod ng pader at hindi ko naman sinasadyang marinig ang kanilang pinag-uusapan.
“You sure you’re okay?” May lambing sa boses niyang tanong sa kausap niya.
“Tsss! Hindi bagay sa’yong maging malambing ang pangit mo,” mahinang bulong ko sa aking sarili.
“Okay good, I’ll pick you up tomorrow after my class. Take care and see you then.” Nagmamadali naman akong bumalik sa puwesto namin dahil baka mapagkamalan na naman niya akong nakikinig sa usapan ng may usapan.
Hinihingal pa akong umupo at inayos ko ang sarili ko para hindi niya mahalata. Naglagay ako ng wine sa baso ko at tulad kanina ay deretso ko itong ininom. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at kunwa’y hindi siya napansin.
“If you’re done, we can leave.” Pabagsak kong ibinaba ang wine glass at tiningala siya at saka naman ako tumayo.
Nauna naman akong maglakad palabas at napahinto ako nang makita ko si Maxx na nakasandal sa kaniyang sasakyan. Nang makita niya ako ay umayos siya ng kaniyang tindig at napatingin naman siya kay Prof. Kiefer na nasa aking tabi na. Napapikit na lang ako dahil baka iba ang isipin niya dahil kasama ko siya at dito pa niya kami nakita.
“Aahhm, what are you doing here Maxx? Saka paano mo nalaman na nandito ako?” Tumingin pa siya kay Pro. kiefer at saka nito ako tiningnan.
“We own that restaurant.” Sabay nguso niya sa restaurant.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at hindi ko akalain na sila pala ang may-ari ng sikat na restaurant dito sa Manila. Isa rin kasi sa pinaka mayaman ang pamilya niya at kaya ganito na lang si Maxx ay dahil nakukuha niya ang kaniyang gusto.
“Come on Ms. Estefan, I’ll take you home.” Tatalikod na sana siya ng magsalita si Maxx.
“I’ll take her home instead.” Napatingin pa ako kay Prof. Kiefer at hindi ko malaman ang reaksyon niya dahil seryoso lang itong nakatitig kay Maxx.
Binuksan na ni Maxx ang kaniyang sasakyan at hinawakan naman niya ako sa aking palapulsuhan. Naramdaman ko naman sa kabilang pulso ko ang kamay ni Prof. Kiefer kaya sa kaniya nabaling ang tingin ko at hindi niya inaalis ang pagkakatitig kay Maxx.
"I'm the one taking her home.” Naramdaman ko ang mahigpit na kapit ni Maxx sa kaliwang pulsuhan ko matapos sabihin sa kaniya ‘yon ni Prof. Kiefer.
Tinanggal ko pareho ang kamay ko at pinag-krus ko naman ang aking mga braso. Papalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa pero parang hindi nila ako nakikita at sadyang nagsukatan pa sila ng tingin sa isa’t-isa.
“Anong problema niyong dalawa? Seriously? Do you think I’m stupid? I know how to get home by myself!” Mariing sambit ko sa kanilang dalawa.
“You’re drunk Ms. Estefan and I won't allow my student to go home drunk.”
Hinarap ko ang Professor ko na naka-krus pa rin ang aking mga braso at mataray siyang tinitigan.
“Nakita mo bang gumegewang-gewang ako? Hindi ‘di ba? It’s just only three glasses.” Si Maxx naman ang binalingan ko na matamang nakikinig sa amin. “At ikaw naman Maxx, haven't I told you to stop bothering me? You're wasting your time. Go find some other woman to mess with, and leave me out of it.”
Pagkatapos kong sahihin sa kanilang dalawa ‘yon ay mabilis akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ‘yon palayo. I don't know why I'm having such a run of bad luck today. And then there's that nerdy professor. Is he seriously messing with me? I wish Daddy would get back soon so I could get that annoying professor kicked out. I really hate him, no. I f*****g hate him!