CHAPTER 3

2393 Words
Leigh’s POV: Marahan kong iminulat ang mga mata ko at iniunat ko pa ang aking mga braso. Tumayo ako sa aking kama at hinagilap ang telepono ko. Bigla akong nagising at nanlaki pa ang mga mata ko nang makita kung anong oras na. It’s already seven in the morning at eight o’ clock naman ang pasok ko. Dali-dali akong nagtungo sa banyo para maligo at muntikan pa akong madulas dahil sa sobrang pagmamadali. Hindi na ako nakapag-morning routine tulad ng ginagawa ko at basta na lang akong nagbihis kung ano ang makuha ko sa cabinet. Habang pababa ako ng hagdan ay sinusuklay ko naman ang aking buhok at naabutan ko si Yaya Karing na maghahatid sana ng pagkain sa kuwarto ko. She always does that para masiguro niyang kumakain ako bago ako umalis papunta sa school. Karaniwan kasi ay hindi kami nagsasabay kumain ni daddy ng almusal dahil nauuna pa siyang umalis kaysa sa akin at hindi ko na rin siya naaabutan. But he always makes sure na parati kaming sabay kumain ng hapunan kahit na minsan late na akong umuuwi galing sa school. “O hija, aalis ka na? Kumain ka muna bago ka umalis.” Napanguso na lang ako kay Yaya Karing at hinagkan siya sa kaniyang pisngi. “Sorry yaya hindi na ako makakakain late na late na ‘ko eh baka hindi ako makapasok sa first subject ko” Naalala ko na Literature nga pala ang first subject ko at ‘yong buwisit na nerd na ‘yon ang prof. ko. Dapat mauna ako sa kaniya dahil kung hindi absent na naman ako at malamang mapapahiya na naman ako sa klase niya. Bakit kasi sa dinami-rami ng puwede maging prof. siya pa ang tinanggap? Is it because he’s handsome? Mestizo? Matangkad and have a great body? “O sige pero kumain ka ng marami at huwag magpapalipas ng gutom, anak.” Malapad akong ngumiti sa kaniya at muli siyang hinagkan sa pisngi. Nagmamadali akong lumabas ng bahay at kaagad kong hinagilap si Kuya Raffy, ang driver ni daddy. Si Yaya Karing at Kuya Raffy ang kasama ko rito sa bahay pero umuuwi rin sila kapag tapos na ang trabaho nila. Matagal na rin silang naninilbihan dito sa amin at nasaksihan din nila ang pagguho ng aming pamilya. Nakita ko naman siyang naglilinis ng isang sasakyan namin at mabilis niyang iniwan muna ang kaniyang ginagawa at nilapitan ako. Para ko na rin siyang ama dahil hindi nalalayo ang edad ni daddy sa kaniya. “Hija, papasok ka na ba? Hindi ko yata nakita ang sasakyan mo.” Napalabi ako at tumango sa kaniya. “Kuya Raf, puwede mo po ba muna akong ihatid sa school? Iniwan ko po muna ‘yong sasakyan ko sa school hindi ko kasi makita ‘yong susi ng kotse ko eh” “Aba’y oo naman. Halika na at baka ma-late ka pa sa klase mo.” Kaagad akong pumasok sa loob ng kotse at tiningan ang relo kong pambisig. Pagkarating namin ng university ay nagmamadali naman akong bumaba at patakbo akong pumasok. Napakagat-labi na lang ako dahil fifteen minutes na lang ay magsisimula na ang klase ko at hindi ako puwdeng ma-late. Nasa kabilang building pa ang classroom ko kaya wala akong nagawa kun’di takbuhin iyon. Alam kong mangyayari ito kaya hindi na ako nagsuot ng heels at rubber shoes na lang ang isinuot ko. Pagbukas ko ng pintuan ng classroom namin ay nahugot ko ang aking paghinga nang mabungaran kong kaagad ang hindi ko inaasahang makikita ko sa loob. Expected ko ay maaga pa naman at may five minutes pa bago ang klase ko. Nakasandal na naman siya sa kaniyang lamesa at naka-krus ang mga braso. Suot na naman niya ang eyeglasses niya at matamang nakatingin sa akin. Napalingon ako sa mga classmate ko na nakamasid din sa’kin at napansin ko si Thea at Rein na nakaupo sa pinakataas at itinaas pa ang mga kamay nila para makita ko sila. “Am I late?” Naitanong ko na lang at tumingin pa siya sa kaniyang wrist watch. “You’re not” Mabuti naman pala kung gano’n. Dere-deretso akong pumasok sa loob at tumabi sa mga kaibigan ko. Hinihingal pa akong umupo at tumutulo pa ang pawis ko sa aking noo. Ako na lang siguro ang hinihintay nila bago magsimula ang klase. Bakit naman kasi hindi tumunog ang alarm ko o baka sadyang masarap lang ang tulog ko kaya hindi ako kaagad nagising? “Good to see you’re on my class today.” Alam kong ako ang sinasabihan niya no’n at umayos pa siya ng kaniyang tindig. “I want you to sit in front of me.” Bumagsak ang panga kong napatitig na lang sa kaniya at nagkatinginan pa kami nila Thea at Rein na nagtataka rin. “And why? As if naman na tatakas ako,” pabalang na sagot ko sa kaniya. “That’s an order Faye Everleigh. I want you to sit in front of me or else I will mark you absent.” Napahinga na lang ako ng malalim at padabog akong tumayo bitbit ang shoulder bag ko. This is the second time na ipinahiya niya ako. Ano bang problema ng nerd na ito at pinag-iinitan niya ako? Does he know me or need ko pang magpakilala sa kaniya para malaman niyang anak lang naman ako ng may-ari nitong school? Pinatong niya sa lamesa ko ang quiz paper ko nang makaupo na ako at tiningala ko naman siya dahil sa pagtataka. Nakatingin lang siya sa’kin at sumandal pa siya sa dulo ng kaniyang lamesa at nakatuon ang dalawang kamay sa magkabilang gilid nito. “Explain your answer to everyone.” Walang kakurap-kurap ko siyang pinagmasdan at napalingon ako sa mga kaklase ko na tila’y nagtataka rin. “Why should I?” “Dahil ikaw lang ang naiiba ang sagot sa lahat. And besides, late kang nakapag-take ng quiz mo and that is your punishment” Mabilis akong napatayo sa aking kinauupuan at galit ko siyang tinitigan. Kinuyom ko ang dalawang palad ko at maluha-luha pa akong nakatingin lang sa kaniya. “That is too much, sir,” may diin kong saad. “Will you read your answer or I will mark you absent today? Or maybe I will give you a score of__” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang kunin ko sa lamesa ko ang quiz paper ko. Tinitigan ko pa muna ‘yon at napapikit na lang at sandali ko naman siyang binalingan na hinihintay na basahin ko ‘yon. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko dahil hindi lang ito patungkol sa sagot ko. Inilahad ko rito ang totoong nararamdaman ko na matagal ko ng kinikimkim. “Love is a f*****g liar.” Unang basa ko sa sinulat ko. Tahimik lang ang lahat at ako naman ay humigpit ang hawak sa kapirasong papel. Humugot ako ng malalim na paghinga at muling nagpatuloy. “I’ve felt unlovable. I’ve felt lost. I’ve cried in my room every night. I’ve wallowed. I’ve wanted to die. You know, the usual reactions—The broken hearts’ greatest hits. And now I doubted love was real when my mom and dad got separated.” Konti na lang ay bubuhos na ang luha ko pero pinigilan ko ito at ginamit ko ang galit ko sa puso ko. “My dad loves my mom more than himself. But my mom doesn’t give a damn.” Binaba ko ang hawak kong papel at nilakumos ito. I don’t want to show my emotions here and let them see how it still affects me. I’ve moved on, and I’m done with the past that destroyed my belief in true love. I glared at him and his eyes was cold as ice. Sa inis ko ay kinuha ko ang shoulder bag ko at isinukbit ko na sa aking balikat. I don’t want to be here dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at tuluyan ng mawala ang respeto ko sa kaniya. “Happy? You ruined my day prof. How could you?” may gigil kong sambit sa kaniya. “Failed me if you want because I don’t care anymore.” Tumalikod na ako at nagmamadali naman akong lumabas ng classroom. Dinig ko pang tinawag ako ng mga kaibigan ko pero hindi ko na sila nilingon pa. Nasa gitna na ako ng hallway ng mapahinto ako sa aking paglalakad. Tahimik at tanging ako lang ang tao rito. May mga mangilan-ngilan lang na dumaraan at pumapasok na sa kanilang silid. I want to be alone. I want peace. Iyong ayoko ng balikan pa ang nakaraan ay pilit namang pinapaalala sa’kin. Ano bang kasalanang nagawa ko at bakit ako sinasaktan ng ganito? Walang ibang tanging nagmahal sa’kin kun’di ang daddy ko at siya lang lagi ang kakampi ko sa lahat. “Hey b***h, are you okay?” Huminga ako ng malalim at nilingon ang mga kaibigan ko. Kita ko sa mukha nila ang labis na pag-aalala at kaagad naman nila akong nilapitan. Ngumiti ako sa kanila ng pilit pero ang totoo ay babagsak na talaga ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. “Yeah, I’m okay. What are you doing here? Dapat nando’n kayo sa klase baka mamaya madamay pa kayo ng dahil sa’kin” “Si Professor Kiefer ang nagpapunta sa’min.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Rein. “What? Anong drama niya?” Tiningnan ko pa ang classroom namin at nagsisimula ng magsilabasan ang mga estudyante roon. Sumunod namang lumabas ang kinaiinisan kong prof. at sandali pa siyang napatingin sa amin. Walang kaemo-emosyon ang itsura niya na animo’y parating galit. Iniwan ko na muna sina Thea at Rein at sinundan ko siya kung saan naman siya patungo. Nagpunta siya sa kaniyang opisina at ako nama’y walang paalam na binuksan ko ang pintuan noon. “Can I talk to you?” Tumingin lang siya sa’kin at hindi ko napansin na may dalawang prof. pa pala siyang kasama sa opisinang ito. Napapikit na lang ako sa hiya at mariin ko na lang nakagat ang ibabang labi ko. Gusto ko sanang lumabas na pero gusto ko pa ring marinig ang paliwanag niya kung bakit niya ginagawa sa’kin ito. “Go on Ms. Faye Everleigh.” Naupo siya sa kaniyang upuan at binuksan ang laptop. Ayokong tawagin niya ako sa ganoong pangalan dahil naiinis ako. Kung puwede nga lang palitan ko ang pangalang iyon ay matagal ko ng ginawa. Nang hindi ako nagsalita ay tiningala niya ako at sumandal pa siya sa kaniyang swivel chair at pinagsiklop ang mga kamay. Paano ba ako magsasalita nito kung nandito ang dalawang prof. na kasama niya? I need to be formal to him but my mind can’t take it. “Kung hindi importante ‘yang sasabihin mo puwede ka ng lumabas.” Nakatingin lang ako sa kaniya at bahagyang nagyuko. Kung wala lang tao rito ay kanina ko pa siya pinagmumura. Buwisit siya pinapainit niya ang dugo ko kahapon pa. Humanda talaga siya sa’kin pagdating ni daddy ipapatanggal ko siya ora mismo! “Well, aahmm, I-I want to apologized for what I’ve done, sir” Fuck! Hindi naman talaga ito ang sasabihin ko. Wala akong balak na humingi ng tawad sa kaniya dahil wala naman akong ginawang masama. I’ve never done this for my entire whole life! “Really? So, what have you done?” Napatingin pa ako sa dalawang prof. na abala sa kanilang ginagawa at ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. Pilit ko namang pinapakalma ang sarili ko at humakbang pa ako palapit sa lamesa niya. “Because I didn’t attend your class and__” Huminga pa ako ng malalim at saka muling nagpatuloy. “I’m sorry I won’t do it again.” Tumango lang siya at maya-maya ay may kinuha sa kaniyang drawer. Pinatong niya sa kaniyang lamesa ang isang susi at nakilala ko iyong kaagad. Susi ‘yon ng kotse ko at tama nga ako nakalimutan ko rito ‘yon dahil sa buwsit ko sa kaniya. “Next time if you want to talk to me, kausapin mo ‘ko personally hindi ‘yong magtatago ka sa likod ng sasakyan mo na parang tanga.” Napanganga ako sa sinabi niya at muli na namang kumulo ang dugo ko. Pakiramdam ko tuloy ay pumutok ang ugat ko sa ulo at para akong hahighbloodin dahil sa kaniya. Alam kong sinasamantala niya ang pagkakataong ito pero hindi pa rin magbabago ang pakikitungo ko sa kaniya at hindi ako seryoso sa mga sinabi ko. “Okay, you may go.” Kinuha ko na ang susi ko na nakapatong sa kaniyang lamesa at tumalikod na ako. “Wait.” Nilingon ko siya at papalapit naman siya sa aking kinaroroonan. “Let’s have dinner after my class.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon at nilingon ko ang dalawang prof. na tila’y narinig din ang kaniyang sinabi. Hindi na ako nakapagpigil at tinaasan ko na siya ng kilay at mataray ko siyang pinagmasdan. “Professor Kiefer, have you lost your mind?” mahinang sabi ko. Nilagay niya pa ang dalawang kamay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon at tamad niya akong tinitigan. “Don’t get it wrong Ms. Faye Everleigh. I wanted to talk to you of what happened earlier and I want to talk to you in private.” Bumalik na siya sa kaniyang kinauupuan at muling itinuon ang atensyon sa laptop niya. “You may go,” sambit niya na hindi ako tinitingnan. I am f*****g hate you prof! bulong ko sa aking sarili. Lumabas na ako ng opisina niya at nagpapadyak pa ako dahil sa sobrang inis. Gusto kong sumigaw ng malakas para kahit papaano ay mailabas ko ang naipong galit ko dito sa aking dibdib. Naihilamos ko na lang ang dalawang palad ko sa aking mukha at masama kong tinitigan ang pintuan ng opisina na para bang siya ang tinitingnan ko. Hahakbang na sana ako palayo ng may bigla akong naisip. “He invites me for a dinner pero hindi naman niya sinabi ang oras at kung saan. As if naman na ako pa ang magtatanong sa kaniya. Tss! Bahala siya sa buhay niyang maghintay hindi ako pupunta. Sira-ulo siya ano ‘yon gano’n-gano’n na lang? Siya nga ang dapat na magsorry dahil sa ginawa niya ‘no!” Galit na galit naman akong naglakad at panay mura ko sa kaniya sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD