Leigh’s POV:
Inis na inis akong nagpunta sa canteen at pabagsak akong naupo sa mahabang upuan. Dito ako nakapuwesto ngayon sa may itaas kung saan palagi kaming tumatambay ng mga kaibigan ko. That freaking Professor is getting on my nerves! Hindi niya ba kilala kung sino ang pinalabas niya ng classroom? I am Faye Everleigh Estefan at anak lang naman ako ni Darrel Estefan na siyang may-ari nitong school na pinapasukan niya. I have to tell my dad about it and I’m sure patatalsikin siyang kaagad.
I tried to call my dad but it’s now out of coverage. Siguro ay nakasakay na siya ng eroplano at tatawagan ko na lang ulit siya kapag nakarating na siya sa U.S. Nakahalukipkip ako at nakabusangot ang aking mukha dahil naalala ko ang ginawang pamamahiya sa’kin ng nerd na Professor na ‘yon. Humanda talaga siya kapag nakausap ko na si daddy at tiyak akong magsisisi siyang kinalaban niya ‘ko. Tiningnan ko ang relo kong pambisig at dalawang oras pa bago ang susunod na subject ko. Malakas akong bumuga sa hangin at ginulo ko naman ang aking buhok dahil sa sobrang inis ko. Maya-maya ay nakarinig naman ako ng mahinang bulungan na kahit papaano ay naririnig ko rin naman at nanggagaling iyon sa ‘di kalayuan.
“Bakit nandito ang Queen B na si Leigh? Hindi ba dapat nasa klase siya?” dinig kong sabi ng isang babae at hindi ko naman ito nilingon.
Nagkunwari akong abala sa aking telepono at hinintay ko namang sumagot ang kasama niya. Natigilan ako sa pag-scroll nang marinig kong tumawa ang kasama niya at humigpit ang hawak ko sa aking telepono.
“Nabalitaan ko sa isang kaibigan ko na pinalabas daw siya ng bagong Prof. nila dahil na-late siya. Buti nga sa kaniya mayabang kasi eh. Feeling niya yata lahat ng lalaki dito maaakit niya” Hindi na ako nakapagpigil ng bigla akong tumayo at mabilis ko silang nilapitan.
I glared at them and they looked up at me in surprise.
“Don't be too jealous if you're not blessed with a beautiful face like mine because you deserve it. Saka niyo na ako pagsalitaan ng ganiyan kapag nahigitan niyo na ang grades ko,” mataray kong sambit sa kanila.
Tumayo ang isang babae na mukhang pinaglihi yata sa niyog dahil sa mabalbon na mukha nito. Tinaasan niya pa ako ng kilay at akmang lalapitan pa ako ng may humarang sa aming gitna. Napatingala ako at umikot ang mata ko sa ere nang mapagsino siya.
“Hi ladies, sorry to interupt you but can I borrow my girlfriend?” Napamulagat ako sa sinabi niyang iyon at hindi na ako nakapagprotesta pa nang hilahin na niya ako palayo.
Nang makalabas na kami ng campus ay hinaklit ko ang kamay ko at sinamaan siya nang tingin. Pero siya ay abot-tainga pa rin ang ngiti niya at akala niya’y nailigtas niya ako sa dalawang aswang na ‘yon.
“Who told you that I’m your girlfriend? Excuse me Mr. Maxxwell Williams, kahit ano pang gawin mong pangungulit sa’kin hinding-hindi mo ‘ko makukuha,” sabay irap ko sa kaniya pagkasabi kong iyon.
“I love how you called me. So, you knew my full name huh?”
“Of course I am, sino ba namang hindi makakakilala sa isang womanizer na katulad mo?”
“That was in the past, my darling Leigh. Saka ano bang ayaw mo sa’kin? Guwapo naman ako, saka mayaman din naman. Kung ang gusto mo sa lalaki ay may abs meron din naman ako no’n at kaya kong ibigay sa’yo ang lahat, Leigh, my darling” May kayabangan talaga ang isang ito!
Pero totoo naman ang sinasabi niya. He’s handsome at maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya at may balita pang halos maghubad na sa harapan niya ang isang babaeng patay na patay sa kaniya mapansin lang siya. And I’m sure lahat ng mga ‘yon ay naikama na niya. As if naman na magpapabola ako sa kaniya. I’m not stupid to like someone like him.
“Puwede ba Maxx, just leave me alone and I want to be alone for now,” pakiusap ko sa kaniya.
“But before I leave you, let me court you to prove that I’m serious to you.” Napapikit ako nang mariin at pagkuwan ay tumingin sa ibang direksyon.
“Maxx, wala akong oras para makipaglokohan sa’yo. Kaya hangga’t maayos pa akong nakikiusap sa’yo tigilan mo na ‘yang binabalak mo dahil it’s a big no for me.” Pagkasabi kong ‘yon ay kaagad ko siyang tinalikuran.
Pero ilang sandali pa ay nagulat ako nang hapitin niya ako sa aking baywang at napagtanto ko na masasagasan ako ng motor. Habol ko ang aking paghinga at unti-unti ko siyang tiningala. Nakahawak pa rin siya sa akin at pagkuwa’y siya na rin ang bumitaw sa’kin.
“Are you okay?” Nahihiya akong tumango sa kaniya. “Dalawang beses na kitang iniligtas kaya maniningil ako sa’yo.” Kumindat pa siya at nanlaki naman ang mga mata ko.
“Ha? Paano naging dalawa?” takang tanong ko sa kaniya.
“At the canteen. Mukhang sasaktan ka ng dalang uranggutan na ‘yon eh kaya hinila na lang kita palabas”
“At sinabi mong girlfriend mo ‘ko. Sa tingin mo na nakatulong ka? Mas pinalala mo lang ang sitwasyon hindi ka nag-iisip.” Hinawi ko ang mahabang buhok ko at inis ko siyang tinitigan.
Ang sira-ulong lalaki nakangiti pa rin kahit galit na ‘ko sa kaniya. Anong akala niya lagi akong nakikipagbiruan sa kaniya? Kahit nga pati babae ginagawa niyang biro.
“Exactly my point, Leigh my darling. Kapag kumalat sa school na girlfriend kita mas lalo silang maiinggit sa’yo at isa pa wala ng magtatangka pang lumapit sa’kin dahil malaki ang takot nila sa’yo.”
Napahilamos na lang ako sa aking mukha dahil sa kapreskohan ng lalaking ito. Konti na lang talaga sasapakin ko na siya. Imbes na gumaan ang pakiramdam ko ay lalo niya pang pinag-init ang ulo ko. Hindi ko na siya inintindi pa at mabilis ko siyang tinalikuran. Kanina lang ay nagngingitngit ako sa inis sa bagong Prof. namin ngayon naman ay dumagdag pa ang pesteng si Maxx.
“See you later, Leigh my darling!” sigaw niya pa.
Napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya. Kumaway pa siya sa’kin at tumingin naman ako sa aking paligid. Nakatingin sa amin ang ibang estudyante na dumaraan dito at ang iba ay nagbubulungan pa. Sa sobrang bwisit ko ay lakad-takbo ang ginawa ko at hindi ko na alam kung saang lupalop na ako napadpad dahil sa kahihiyan. Maagang natapos ang last subject ko at nagchat si Rein na sa Caffeteria na lang daw niya ako hihintayin. Huli akong lumabas ng classroom at muntikan na akong mapatalon sa gulat nang makita ko si Maxx na nakaabang sa gilid ng pintuan. Nakangiti na naman siya at umayos pa siya ng kaniyang tindig ng makita ako.
“Hi, Leigh my darling!” Masayang bati niya pa.
“Ano na naman?” iritable kong bungad sa kaniya.
“Ngumiti ka naman kahit konti man lang sa’kin.” Imbis na ngiti ay nginisian ko lang siya at saka inirapan.
Tinalikuran ko siya pero sadyang makulit talaga ang pesteng ito. Para tuloy siyang asong nakabuntot sa’kin at kulang na lang ay lagyan ko siya ng tali sa leeg. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang kinaiinisan kong Professor namin at pansin ko ang panay bati sa kaniya ng mga estudyante. Tuloy lang ako sa aking paglalakad at ng makasalubong ko siya ay para lang siyang hangin na dumaan sa gilid ko. I never greeted him what the others did. E ano ngayon kung Prof. ko siya sa isang subject ko? Ipatatanggal ko na rin naman siya sa daddy ko kaya hindi ko na kailangan pang batiin siya.
“Ms. Estefan.” Napahinto ako sa aking paglalakad nang tawagin niya ako sa aking apelyido.
Pumihit ako paharap sa kaniya at ganoon din si Maxx. Maxx greeted him but me? Never mind! Bastos na kung bastos pero wala ako sa mood makipag plastikan sa kaniya.
“Come to my office, now,” utos niya.
“Why should I? Paparusahan mo na naman ba ako dahil sa pagiging late ko?”
“I’m your professor kaya susundin mo kung ano ang ipinag-uutos ko sa’yo.” Matapos niyang sabihin ‘yon ay kaagad siyang tumalikod sa’min.
“You should go, I’ll wait for you outside.” Binalingan ko si Maxx na kahit na hindi nakangiti sa’kin ay mapapansin pa rin sa kaniyang itsura na para bang nakangiti pa rin siya.
Umirap ako at pinagkrus ko ang aking mga braso. “Stop acting like you’re my boyfriend because I will never be yours.” Tinalikuran ko na siya at naglakad palayo.
Our new professor had just entered the office and I immediately followed him inside. Nabasa ko ang name plate niya sa ibabaw ng lamesa niya and his name is Kiefer Victorino. He sat down in his swivel chair and then took off his eyeglasses. Natigagal ako nang makita ko ang itsura niya na walang salamin. Tumingin siya sa’kin kaya naman napaiwas ako nang tingin sa kaniya.
“Because you’re absent on my class, I will give you a special quiz.” Napamura ako sa aking isipan at nginisian siya.
“Absent? And who told na absent ako? Pinalabas mo ‘ko kaya hindi ako nakapasok sa klase mo,” mataray na turan ko sa kaniya.
Tumayo siya sa kaniyang swivel chair at nilapitan ako. Nakatingala na ako sa kaniya dahil sa sobrang tangkad niya at abot lang yata ako sa kaniyang balikat. Seryoso naman siyang nakatingin sa’kin at nito ko lang napagtanto na kulay tsokolate pala ang mga mata niya. Umiwas ako sa kaniya nang tingin at bahagya akong umatras at mahinang tumikhim.
“Kung ayaw mo naman that’s fine with me at magiging incomplete ka sa subject ko at possible pang i-retake mo ‘yon.” Napanganga ako sa sinabi niya at tinaasan ko siya ng kilay.
“Sinabi ko bang ayaw ko?” Umupo ako sa visitor’s chair niya at pinagkrus ko ang binti at mga braso ko.
Pumihit siya paharap sa’kin at muling naupo sa kaniyang upuan. Inabot niya sa’kin ang papel at nakasaad doon ang mga sasagutan ko. Kinuha ko ang ballpen na nakapatong sa lamesa niya at pinaikot ko pa ito sa aking mga daliri. I read the questions and I simply smiled because I didn't think his quiz would be that easy. Napatingin pa ako sa kaniya at muli kong itinuon ang atensyon ko sa quiz na sasagutan ko at sinimulan ko nang sagutan iyon isa-isa.
Walang kahirap-hirap ko ‘yong natapos at confident akong ibinaba ang ballpen sa lamesa niya at saka siya nginisian. Kinuha niya pa ang papel na sinagutan ko at seryoso niya itong binasa at saka naman ako tumayo sa aking upuan. Akmang tatalikod na ako para umalis ng bigla niya akong tawagin at sabay buga ko sa hangin. Mabilis akong pumihit paharap at hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa’kin. Sa sobrang gulat ko sa kaniya ay muntikan na akong matumba at mabuti na lang ay kaagad niya akong nahawakan sa aking baywang. Napalunok ako nang magtama ang aming mga mata at mataman pa siyang nakatitig sa’kin. Ramdam ko ang init ng palad niya siya aking baywang at ramdam ko rin na humigpit ang pagkakakapit niya rito. I couldn't move where I was standing and it was as if he had hypnotized me. Nang matauhan ako ay tinulak ko siya palayo sa’kin pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking baywang. Para bang sinadya niyang gawin ‘yon at muli na naman akong napatitig sa kaniya na may halong pagtataka. Bahagya niya pa akong inilapit sa kaniya kaya napasinghap ako at pigil naman ang aking paghinga.
“I don’t want you to be late next time. At kapag nangyari ulit ‘yon, I will drop you from my subject, do you understand, Ms. Faye Everleigh?” Binitawan na niya ako at inis ko naman siyang pinagmasdan.
What did he call me? f**k this nerd! Iisang tao lang ang tumatawag sa’kin ng gano’n at wala siyang karapatang tawagin ako sa buo kong pangalan dahil hindi kami close.
Pinagkrus ko ang mga braso ko at mataray ko siyang tiningala. “Whatever. Besides, this is the first time I've been late and why is it such a big deal to you?” Nakataas ang isang kilay kong tugon sa kaniya.
“I'm your professor, you shouldn't have answered like that.” Umirap ako at ipinilig ko na lang ang aking ulo habang nakatingin sa kaniya.
Itinaas niya ang quiz na sinagutan ko kaya doon natuon ang aking atensyon.
“Tear it up if my answer is wrong.” Matapang kong hamon sa kaniya.
“What do you most hate to write about in literature and why?” Basa niya sa papel na hawak niya. Tumingin pa siya sa’kin at muling binalingan ang hawak niyang papel. “So, you didn’t believe in love?” Masama ko siyang tinitigan at hinawi ko pa pataas ang mahaba kong buhok.
Tiningnan ko ang hawak niyang quiz paper ko na hindi pa rin niya ibinababa at napapikit na lang ako para pakalmahin ko ang aking sarili. Sa totoo lang hindi talaga ako naniniwala sa love na ‘yan simula ng iwan kami ni Mommy at sumama sa ibang lalaki. She makes our life miserable especially to my dad. My dad gives her everything and even though he gave his time to my mom, she still cheated on him. I really hate her for betraying us and I can never forgive her even if she sheds blood in front of me.
“Iyan ang opinion ko eh. May kani-kaniya tayong opinion at kung naniniwala ka sa kalokohang ‘yan goodluck sa’yo.” Mataray ko pang turan sa kaniya.
“Kung nasaktan ka noon, puwes hindi lang din ikaw ang nasaktan.” Napakunot ako ng aking noo at saka naman niya ako tinalikuran at umupo sa kaniyang swivel chair. “I’m warning you Ms. Faye Everleigh, don't ever be late to my class because even if you're a top student, I can give you a 70 in your grades.” Napamulagat ako sa kaniyang sinabi at naikuyom ko ang palad ko sa inis sa kaniya.
Walang salita akong lumabas ng opisina niya at padabog ko namang isinara ang pintuan. Malalaki ang hakbang ko habang papalayo roon at napahinto lang ako nang humarang sa harapan ko si Maxx. Nakangiti siya sa’kin at nawala lang ang ngiting iyon ng makita niyang nakabusangot ako.
“Hey, my darling, did something happened?” Nilagpasan ko lang siya at nagpatuloy sa aking paglalakad.
Nang naramdaman kong sinusundan pa rin niya ako at huminto ako ulit at hinarap siya. Mataman lang siyang nakatingin sa’kin at mukhang hinihintay lang niya akong magpaliwanag.
“What are you still doing here?” may diing saad ko sa kaniya. “
Hinihintay ka,” tipid niyang sagot.
Mariin akong napapikit at tiningnan siya at pinakita kong naiinis na ‘ko sa kaniya para tigilan na niya ang pangungulit sa’kin.
“How many times do I have to tell you that I’m not interested in you,” sabay duro ko sa kaniya. “So please go and leave me alone! Kahit kailan hindi ako magkakagusto kahit na kanino at lalong-lalo na sa isang katulad mo na walang kuwenta. Hindi mo ‘ko magiging babae at maiihelera mo sa mga koleksyon mo,” mariin kong sabi sa kaniya.
“Walang kuwenta? Yeah right, I’m sorry. Sorry dahil nagkagusto ako sa’yo matagal na. Sorry dahil babaero ako at iyon ang tingin ng lahat sa’kin dito. Pero kaya kong magbago para sa’yo. Hindi ako ganito sa iba at tanging sa’yo lang ako nangulit ng ganito. Pero kung ang tingin mo talaga sa’kin ay walang kuwentang tao, okay lang tanggap ko.” Pagkasabi niyang iyon ay tumalikod na siya at naiwan naman akong nakatanaw sa kaniya.
Parang pinagsisisihan ko ang sinabi kong iyon sa kaniya at kita ko sa mukha niya na nasaktan siya sa sinabi ko. Iyon lang ang tanging paraan para tigilan na niya ako dahil wala rin naman siyang mapapala sa’kin. Wala akong balak ma-in-love kahit kanino dahil hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang masarap magmahal pero kung ang taong mamahalin mo naman ay siya rin ang sobrang mananakit sa’yo tulad ng ginawa ni mommy kay daddy.
Nawalan na ako ng ganang makipagkita sa mga kaibigan ko at pinili ko na lang umuwi. Nasa parking lot na ako at habang papalapit ako sa aking sasakyan ay hinahalungkat ko naman ang bag ko para kunin ang susi ng kotse ko. Napahinto ako at napatapik sa aking noo ng hindi ko makita ang susi ng kotse ko. Naalala ko na baka naiwan ko ito sa office ng nerd kong Professor at ayoko nang balikan ‘yon dahil baka lalo lang masira ang araw ko sa kaniya.
“f**k! Paano ‘ko uuwi nito?” sabay padyak ko pa.
Namilog ang mga mata ko nang makita ko siyang naglalakad at mabilis akong nagtago sa gilid ng kotse ko. Pasilip-silip pa ako sa direksyon niya at nakita kong may kausap na siya sa kaniyang telepono.
“You don’t have to do that. Okay, I’ll be there in ten minutes, see you later.” Binaba na niya ang tawag at saka siya sumakay sa kaniyang sasakyan.
Napanguso na lang ako dahil mukhang girlfriend niya ang kausap niya. Napaisip akong bigla sa tanong niya sa’kin kung bakit hindi ako naniniwala sa love. Kaya naman pala affected ang nerd na ‘yon dahil may lovelife.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at sunud-sunod akong napabuga sa hangin. I don’t have a choice kaya magtataxi ako pauwi. Nag-aabang ako ng taxi sa waiting shed ng may mamataan ako sa ‘di kalayuan. Tinitigan ko pa ito dahil baka nagkakamali lang ako. She is looking at me and wearing a red dress above her knee. Even though it's been ten years, I still can't forget what she looked like. She was the only person who hurt me at walang kapatawaran ang ginawa niya sa’min.
Ilang sandali pa ay sumakay na siya sa itim na kotse at sinundan ko naman nang tingin iyon. Naikuyom ko ang dalawang palad ko at namalayan kong may tumulong luha na sa aking pisngi. May humintong kotse sa aking harapan kaya doon natuon ang atensyon ko. Hindi ito nagbaba ng bintana kaya naman kitang-kita ko ang repleksyon ko sa salamin. Kaagad ko namang pinunasan ang luha ko sa aking pisngi at doon lang ito nagbaba ng bintana. Si Maxx ang sakay ng kotse at seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Kung kanina ay abot-tainga ang ngiti niya, ngayon naman ay seryoso lang itong nakatitig sa’kin.
“I said that__”
“I got you, Leigh. Hop in, ihahatid na kita sa inyo.” Hindi na ako nagsalita at marahan ko namang binuksan ang pintuan ng passenger seat at pumasok doon.
Tahimik lang kami habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang babaeng iyon at kung bakit pa siya bumalik dito. All these years we suffered a lot of pain pero kahit na gano’n ay hindi ako pinabayaan ni daddy. Minahal niya ako sa paraang alam niya and he gave me everything I needed.
Nakatulala lang ako sa kawalan at hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Napatingin pa ako kay Maxx na tahimik lang kanina pa at deretso naman ang kaniyang tingin.
“Thank you and how did you know where I lived?” mahinang tanong ko sa kaniya.
Binalingan niya ako at tipid na ngumiti. “When you like someone, you’ll know everything about them”
“Salamat sa paghatid, mauuna na ‘ko.” Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at mabilis akong bumaba ng kotse niya.
Nagtungo akong kaagad sa kuwarto ko at pabagsak na nahiga sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko na tila ba’y pagod na pagod ako at maya-maya pa ay naalimpungatan ako ng biglang tumunog ang telepono ko. Napabalikwas ako ng higa at tiningnan ko ang wrist watch ko at ala-una na pala ng madaling araw. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako na dapat sana ay ipapahinga ko lang ang aking mga mata. I took my phone out of my bag and saw that it was my dad calling. I smiled slightly and immediately answered it.
“I’ve been waiting for your call dad, did you just arrive?” Malambing kong turan.
“Yes sweetheart, sorry kung ngayon lang ako nakatawag. Anyway, papunta na ‘ko sa hotel ngayon. How’s school? Is it okay for you to be alone at home? You can invite Thea and Rein there para naman kahit papaano hindi nalulungkot ang prinsesa ko habang wala ako.” Pinilit kong ngumiti sa sinabi niya kahit na inaantok pa ako.
“I’m okay dad, don’t worry”
“Okay, sweetheart. Daddy misses you so much and I will always love you.” Tumango na lang ako sa kaniya at saka ko binaba ang tawag niya.
Hindi lang naman ito ang unang beses na magkahiwalay kami pero bakit namiss ko siyang bigla? Dati akala ko hindi sapat na siya lang ang kasama ko pero ngayon mas naaappreciate ko na siya. He gives me everything aside from his unconditional love. Kaya bilang nag-iisang anak niya, I will also give him whatever he wants. Huwag lang niyang hilingin ang patawarin ko si mommy dahil iyon ang hindi ko kayang ibigay sa kaniya.