"ALPHA," umangat ang tingin ni Aaric kay Hawk. Nakita niya ang pangamba sa mukha nito. "May problema ba?" kunot noong tanong niya. "May nakarating ho sa aking report mula kay Savin." tinutukoy nito ang head Delta. "Na dalawang omegang lalaki ang natagpuang patay sa gubat." "Ano?!" gulat na napatayo siya mula sa pagkakaupo. "Ito ho." inilapag nito ang ilangnlitrato na naglalaman ng sinapit ng dalawabg babaeng Omega. Natutop niya ang bibig at iniwas ang tingin 'dun. Hindi niya kayang sikmurain ang kababuyang sinapit ng dalawa. Hubu't hubad ang mga ito, halatang ginahasa. Pareho silang may laslas sa leeg habang butas ang bahagi ng dibdib ng mga ito. "Sinong lapastangan ang gumawa nito?!" "Ayon ho sa isinagawang imbestigasyon ng mga Delta, nasisiguro nilang mga Rogue ang gumawa nito."