PAGDATING nila sa pack house ng Dark Eye Pack ay agad na bumaba si Maximus sa driver seat at umikot sa gawi niya para pagbuksan siya ng pinto. Gano'n na lang ang gulat niya nang pangkuin siya nito. "I-I can walk." Nahihiyang sabi niya rito dahil pinagtitinginan sila ng mga Deltang nasa paligid. "Maximus, put me down." Giit niya. Ano na lang iisipin ng mga nakakakita sa kanila na ang Alpha ng Silver Claw Pack ay buhat ni Maximus Zion? "Eagle!" Tawag nito sa second in command ng Dark Eye Pack na hindi man lang pinansin ang protesta niya. "Alpha—A-Alpha?" Hindi nito inaasahan na makita siya lalo pa sa ganitong sitwasyon. "Pakitawag si Hawk. Sabihin mo sa kanya ang kalagayan ni Aaric." Utos nito na humakbang papasok sa pack house. Inaasahan niya na sa sala lang siya nito dadalhin pero di