NASA LOOB ng sasakyan lang si Aaric habang naghihintay siya 'di kalayuan sa packhouse ng Dark Eye Pack. Umaasang nakikita niya si Maximus na lalabas mula 'dun. Inilaro niya ang mga daliri sa manibela dahil sa kabang nararamdaman niya. Alam niyang galit sa kanya si Maximus pero handa siyang harapin 'yon. Napa deretso siya sa pagkakaupo nang makita niyang lumabas si Maximus mula sa pack house. Lalabas na sana siya nang makita niyang may kasunod itong lumabas, isang babae. Siguradong ito si Carmelita. Hindi matulak kabigin ang taglay nitong ganda. Hindi niya mapigilan masaktan at makaramdam ng selos. Nakita pa niyang inalalayan itong sumakay ni Maximus bago ito umikot sa driver seat kuway at sumakay. Nang padaan na ang sasakyan nito ay mabilis siyang nagtago. Nang nakalayo na ang sasakyan a