HINDI naging maganda ang unang araw nila Aaric at Maximus sa secret house niya sa itaas ng bundok kung saan sila unang nagkita ni Maximus. Kahit na pumayag ito sa hiling niya ay hindi niya maramdaman ang presensya nito. Papaano niya maipaparamdam ang pagmamahal niya rito kung hindi naman siya hinahayaan nito? Ngayon ang ikalawang araw at halos magtatapos na ang araw ay hindi pa rin ito lumalabas mula sa kwarto. Inilagay niya sa tray ang hapunan na hinanda niya para kay Maximus. Kagabi pa kasi ito hindi kumakain. Nang nasa tapat na siya ng pinto ay kumatok siya ng tatlong beses. "Maximus..." Walang naging tugon. Muli siyang kumatok pero wala pa rin siyang nakuhang sagot mula sa loob, kaya pinihin niya pabukas ang seradura at bukas iyon. Marahan niyang tinulak pabukas ang pinto at humakba