"WHAT'S wrong?" tanong ni Karrim sa kanya. Nahihimigan niya ang pagkainip sa boses nito. Sino ba naman ang hindi maiinip? Halos isang oras na silang magkasama pero nananatili lang siyang tahimik at nakamasid sa magandang tanawin sa kabundukan ng Tierra De Lobo. Kasalukuyan silang nasa itaas ng burol. Nakaupo siya sa damuhan habang si Karrim ay nakaupo sa malaking bato naghihintay sa kanyang magsalita. Nagbuntong hininga si Karrim nang hindi pa rin siya umiimik. "Are you having a hard time getting the three of you together in the pack house?" hindi na mapigilang itanong ni Karrim. "Kahit naman hindi sabihin ni Max nararamdaman kong mayroon din siyang damdamin para kay Carmelita," ani niya. "Hindi naman imposibleng mangyari 'yun, Aaric." Bumaling siya rito ng tingin. "Si Carmelita kasi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books