Chapter Twenty-three Lumakad ako patungo sa hagdan ng pool. Ramdam kong nakasunod ang tingin ng gobernador sa akin. Siguro nagagandahan siya sa akin. Nang hawakan ko ang buhok ko ay napakagatlabi ito nang tignan ko siya. Naku! Naiintindihan ko na. Naiingit siguro siya sa buhok ko. Siguro'y gusto rin niyang magkaroon ng buhok pero hindi kaya ng buhok niya na humaba na katulad nitong akin. Kawawa naman talaga ang ulo ni governor. Siguro kapag papasok siya sa kapitolyo ay may mga nang-aasar sa kanya. Kalbo masamang tao? Kalbo! Kalbo! Kalbo! Napahagikhik ako. "What's funny?" seryosong tanong nito. "Ha? Hakdog!" sagot ko. What's funny? Ano raw ang funny? Ano ba ang funny? Hays. Bobo rin si governor. Kasi tinatanong niya sa akin iyon. Hays. Pareho lang din pala talaga kami. Tumayo ito sa ki

