Chapter Twenty-four "Ate Aira, iyong guard ni Governor ay panay ang tingin sa akin," bulong ko kay Ate Aira. Katabi ko ito sa gilid ng pool. Parehong nakalublob ang aming mga paa. Si Governor Claude ay umalis saglit. Kaya naman kami lang ni Ate Aira ang narito. "Saan, be?" agad kong sinabi ang locasyon ng lalaki. "Baka nagagandahan lang sa 'yo, Manika. Bagong tauhan iyan ng gobernador. Siguro'y nagtataka rin kung bakit ang isang rebeldeng tulad mo ay narito." "Siguro nga po," nag-iwas na lang ako ng tingin. Pero kasi... ang gano'ng tingin ay pamilyar sa akin. Ilang beses ko nang nakita iyon at hindi maganda ang naging resulta. Pero kahit hindi na ako nakatingin ay ramdam ko ang humahagod nitong tingin sa akin. "Ayaw ko na pong maligo, Ate. Gusto ko na pong magbihis. Nilalamig na po

