Chapter Twenty-five "Hi, ako si Lily!" bati ng babae sa akin. Pinatapos lang nila akong kumain. Si Governor Claude ay umalis dahil kailangan ito sa kapitolyo. Naiwan ako sa dalawang babae na ito na magaganda pero hindi ko maiwasang kutuban. Iba ang aura nila... parang hindi gagawa ng tama. "Pinapunta kami ni Governor Claude rito para maglinis ng kalat. Huwag kang mag-alala. Walang ibang makaaalam ng nangyari." "Bakit walang makakaalam? N-apatay ko iyong tao 'di ba? Hindi ba't dapat ay makulong ako?" naiiyak na naman ako. Naalala ko ang takot na naramdaman at pandidiri na rin. "Manika, makinig ka sa akin," tinitigan ko si Lily. "Maling pumatay. Pero sa mundo namin ay nagiging tama iyon kapag may ginawang masama ang tao." "Huhu... may sarili kayong mundo?" napakamot sa ulo si Lily. "Gag

