Chapter Fifteen "Manika, kain na raw," balita ni Ate Aira sa akin. Kanina pa kami tapos manood at sumayaw. Nakahilata na lang ako rito dahil wala namang magawa. Agad akong bumangon. Saka nagsuot ng tsinelas at sumama rito. "Ate, kalmado na ba si Governor? Pwede ko na kaya siyang pakiusapang ihatid ako sa capitol?" nakakapit ako sa braso nito. Pababa na kami ng hagdan. "Kalmado siya ngayon pero hindi ko lang alam kung mapapakiusapan mo siya." Pagdating sa dining room ay naroon na ang lalaki. Naghihintay. Ipinaghila ako ni Ate Aira ng upuan at saka ako naupo. Pasimple kong nilingon si Governor. Nang nagawi ang tingin nito sa akin ay agad akong ngumiti rito. "May sasabihin ka?" namilog ang mata ko. "Maghuhula ka, Gov. Kal? Ang angas! Paano mo nalaman na may sasabihin nga ako?

