9. Gov. Kal

1506 Words
Chapter Nine Nagising ako sa na nasa isang silid na. Hindi pamilyar ang lugar. Agad akong bumangon kahit may kaunting hilo pa akong naramdaman. Sinubukan kong buksan ang pinto pero nakasara iyon at kahit anong gawin kong hila ay hindi bumubukas. "Tao po? Tao po!" kumatok ako. Masakit na ang kamay ko sa pagkatok pero wala pa ring nagbukas ng pinto. Tumakbo ako sa balkonahe. Agad tinignan kung may mararaanan ako para makababa. Tiyak kong nasa poder ako ng kalaban ng aming pangkat. Nararamdaman ko ang panganib. Masyadong mataas kung tatalon ako. Huwag na nga. Hihintayin ko na lang na may magbukas ng pinto. Baka mabalian pa ako. Kawawa naman ako. Bumalik ako sa silid. "Kahanga-hanga ang silid na ito. Ngayon lang ako nakakita ng ganito." Pero nasaan ako? Kaninong tahanan ito? Lumakad ako palapit sa isa pang pinto. Baka iyon talaga ang labasan. Pero pagbukas ko ay banyo ang tumambad. Pangmayaman. Hindi kasi ganito ang ayos ng banyo ni Manang Malena. Pumasok ako roon at iginala sa malawak na banyo ang tingin. "Napakaangas!" bulalas ko. Lumapit ako sa isang kulay puting batiya. Batiya ba ito? Hindi ko alam. Hindi ako tiyak. Basta malaki at parang kasya ang tao. Gusto ko sanang sumampa roon ngunit baka mabasag at mapagitan ako kaya lumabas na muna ako at bumalik sa kama. Sobrang lambot. Mas malambot kumpara sa kama ni Manang Malena. Muli akong humiga roon. Napatitig sa itaas ang tingin ko. "Ano na kayang nangyari sa kapitolyo? Tumigil kaya ang aking ama? Si ina kaya ay nakuha nila ama o umalis na? Sobrang daming tanong sa utak ko. Dahil doon kahit ayaw kong kumilos pa ay bumalik ako sa balkonahe. Sa liit kong babae ay tiyak kong madudurog ako kung basta na lang akong tatalon sa taas ba naman. Pero kailangan kong gumawa ng paraan. Ngunit kahit anong sipat ko ay malabo talaga akong makababa. Saglit akong nag-isip. Kaso wala talaga akong napala. Nang nakarinig ako nang ingay sa pinto ay dali-dali akong tumakbo. Pero sa gilid ako pumwesto. Nang bumukas iyon ay natakpan ako ng pinto. Pumasok ang dalawang lalaki kaya naman mabilis akong lumusot para dumaan sa pinto at tumakas. Pero sa bilis ng kilos ko ay bumangga lang ako sa malapad na dibdib at iyon ang dahilan kung bakit nawalan ako ng balanse. "Aray ko!" hindi ko napigilang daing habang hawak ang noo at ang isang kamay ay sa balakang naman. Yamot na tinignan ko ang salarin. "Hala! Governor Kalbo!" dali-dali akong tumayo. "Kilala kita. Ikaw ang kalbong gobernador ng San Gabriel." Itinuro ko pa ito. Malaking lalaki ito. Ako naman ay may kaliitan kaya kailangan tumingala. "Pagbati sa 'yo, Gov. Kal!" "Gov. Kal?" sabay turo nito sa sarili. "Masyadong mahaba ang iyong ngalan, Gov. Kal. Ako si Manika. Magandang araw." Kumaway pa ako rito. Pero nagbago bigla ang ekspresyon ng kanyang mukha. Agad lumabas ang mga tauhan at siyang pasok naman ng gobernador kaya napaatras ako. Bigla akong natakot. Kahit gwapo siya ay nakakatakot pa rin siya. "Magandang araw?" napaiktad ako dahil sa biglang pagsigaw nito. "Putangina!" malutong pang bulalas ng lalaki kaya naman dali-dali akong lumapit patungo sa kanya. Pinitik ko ang kanyang bunganga. "Gov. Kal, ang iyong bibig ay nagsasalita ng hindi kanais-nais." Sumimangot pa ako para ipakitang hindi ako natutuwa. Ngunit galit ang lalaki na bigla na lang akong mariing hinawakan sa panga. Ramdam ko ang galit nito roon. Masakit ang paraan nito nang paghawak sa akin. "Aray! Gov. Kal, masakit po. Bakit mo ako hinahawakan ng ganyan? Bakit mo ako inaaway?" sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Natigilan ang lalaki pero nang bitiwan ako ay ramdam ko pa rin ang galit sa rahas no'n. Nawalan ako ng balanse at napaupo sa kama. "Sabi nila kalbo masamang tao, masama ka ba?" "Shut the f**k up, woman! You dare ask me if I'm a bad person? You rebels... ask yourselves if you're good after what you did in the capitol." "Huhu!" naiyak pa lalo ako. "English ba 'yan?" tanong ko rito. "Putangina!" lumakad si Gobernador Kalbo patungo sa mesa at dinampot ang lagayan ng bulaklak at malakas nitong ibinato. "Aakto ka pa talaga ng ganyan? Sobrang daming namatay sa capitol! Sobrang daming sugatan! Sobrang dami ninyong biniktima!" hiyaw nito. "Nasaan ang puso ninyo?" wala sa sariling itinuro ko ang dibdib. "Banda rito," umiiyak na sagot ko. Pero mas lalong nagalit ang kalbong gobernador. Sinipa nito ang mesa kaya iyon nabasag. "Bakit ba? Nagtatanong ka kaya sinagot ko!" mas lalo pa akong naiyak. Nakakatakot ang gobernador na ito. Nang nakita kong humakbang ito palapit sa akin ay dali-dali akong tumakbo palabas. Hindi para tumakas kung 'di para yumakap sa lalaking nagbabantay. "Salbahe si Gov Kal. Sigaw siya ng sigaw," sumbong ko rito. "Madam, bitaw. Baka madamay ako sa galit." Halos ipagtulakan pa ako pabalik sa loob saka nila isinara ang pinto. Kinalampag ko iyon. "Buksan n'yo ito! Palabasin n'yo ako. May baliw rito sa loob," hiyaw ko ngunit parang hindi nila ako narinig. Napaiktad na naman ako nang hampasin ni Gov. Kal ang pinto. Nakulong ako sa pagitan ng pinto at ng gobernador. Agad akong humarap dito. "Nasaan ang mga kasama mo?" tanong nito sa akin. Sinong kasama? Sina ama ba? Ang grupong rebelde ba? Kaya ba niya ako dinala rito para mahanap niya ang tirahan namin? Huhu! Hindi ko na nga alam ang pabalik. Unang beses lang akong bumaba ng bundok. Hindi ko tanda. Ang daming pasikot-sikot. "Sumagot ka!" hiyaw nito. Sinakal niya ako. Diyos ko po! Mukhang sa akin niya balak ibuhos ang galit niya. Nahihirapan na akong huminga. Pero paano ako sasagot kung sakal na niya ako? Sino bang mangmang sa aming dalawa? Tinapik ko ang kamay niya pero parang blanko na ito kaya naman sinubukan kong abutin ang mukha niya. "Papatayin kita! Ang mga tulad ninyong demonyo ay dapat mamatay! Die! Die!" nagdidilim na ang paningin ko. Sinubukan ko siyang kalmutin ngunit walang lakas ang kamay ko. Ito na ba ang katapusan ko? Unti-unti akong napapikit. Pero bago tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman ko ang pagluwag ng kamay nito sa leeg ko. -- Nang bumalik ang malay ko ay mag-isa na lang ako sa silid. Ramdam ko ang sakit sa leeg ko. Tiyak na hindi lang iyon ang gagawin nito sa akin kung hindi ako aalis dito. Kailangan kong tumakas. Sa akin niya ibubuhos ang galit niya. Wala akong kasalanan pero ako ang sasalo ng galit nito. Ikamamatay ko iyon panigurado. Tumayo ako at lumapit sa pinto. Swerte. Hindi na iyon nakasarado. Lumakad ako palabas. Wala akong nakitang tao sa pasilyo. Pagdating sa hagdan ay dahan-dahan pa ang pagbaba ko. Nagmatiyag ako. Wala ring tao sa sala. Kaya naman tumakbo na ako palabas. Kaso sa labas meron. Akmang pipigilan ako ng mga kalalakihang may mga baril pero nakita kong sumenyas si Governor Kalbo. Ako na nabuhayan na ng loob ay nagtuloy-tuloy sa pagtakbo. Hindi ako sanay ang katawan ko. Mabilis din akong mapagod. Pero kung ito lang ang tanging paraan para makalayo ako ay kakayanin ko. Ang tanging naging gabay ko sa daang tinatahak ay ang mga bakas ng gulong. Malapit na ako sa tarangkahan nang nagpasya akong lumakad na lang. "Napapagod na ako!" himutok ko. Pero kailangan kong nagpatuloy. Paglabas ko ay tumambad ang kalsadang parang walang hanggang. Ang layo pa. Kung marating ko ba ang dulo ay capitol na ba? Sinubukan kong lakarin. Uhaw at hingal na. Masakit na ang paa lalo't Wala iyong sapin. "Ina! Ama!" hindi ko napigilang sigaw. "Ina! Nasaan na po kayo?" papadilim na. "Natatakot na po ako rito, ina! Hindi ko po alam dito." Napasalampak na ako sa labis na pagod. Tapos parang hindi maubos-ubos ang kalsada. "Ina ko! Ina!" ngunit napaos na lang pero walang inang nagpakita. Walang sasakyan na dumaraan. Parang ang kalsadang ito ay para lang sa mga taong nakatira sa bahay na pinanggalingan ko. "Ayaw ko na!" pinilit kong tumayo. "Babalik na lang ako sa bahay ni Gobernador Claude. Tapos magpapahatid na lang ako sa kanya." Muli akong bumalik. Pagod na pagod na talaga ako pero tiniis ko. Mas mapapagod ako kung itutuloy ko pa ang paglayo. Nang natanaw ko ang tarangkahan ay parang nabuhayan ako ng loob. Pumasok ako roon. Saka muling lumakad. Pagtapak ko sa mansion ay napatingin ang mga tao sa akin. Lalo na ang gobernador na seryosong may kausap sa telepono. Ibinaba agad nito iyon saka lumakad para harapin ako. "Bakit hindi ka tumuloy sa pagtakas. Na-realize mo na ba na demonyo ang grupo ninyo at dapat kayong magdusa? Aamin ka na ba kung nasaan ang mga putanginang kuta ninyo? Bakit ka bumalik?" sumalampak ako sa sahig. Saka ko ipinakita rito ang maruming paa ko. "Ayaw ko nang maglakad. Labis na ang sakit ng aking paa." "Putangina!" hiyaw na naman nito na para bang hindi ito natuwa na iyon ang dahilan ng pagbalik ko. "Pinagtri-trip-an mo ba ako, babae?" tinitigan ko ito. Umiling ako. Hindi ko kasi siya naiintindihan. "Ayaw ko nang maglakad. Ang layo-layo, Gov. Kal. Pero kung ihahatid n'yo ako at sasamahan sa pagtakas ng nakasasakyan ay ayos lang sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD