Chapter Thirty-eight Hindi nga talaga bumalik ng isang linggo si Ate Aira. Bored na bored na ako at walang nakakausap sa mansion dahil busy rin ang gobernador sa kapitolyo. Pagkatapos ng klase ko kina Miss Jora ay wala na akong ibang magawa kung 'di magbasa at manood. Hindi rin naman ako kinakausap ng ibang kasambahay. Trabaho lang ang ginagawa nila hindi katulad ni Ate Aira na may kasamang chika ang trabaho niya. "Manika!" parang nabuhay ang dugo ko nang narinig ko ang tinig ni Ate Aira. Dali-dali akong tumayo mula sa couch at tumakbo patungo sa malaking pinto. Nakita ko si Ate Aira na malawak ang ngiti. Sa tabi niya ay maleta. Ang outfit niya ay parang bakasyonista talaga. Naka-sunglasses pa ito. "Ate Aira!" malakas na tili ko. Saka muling tumakbo para naman putulin na ng tuluyan an

