Ellise Nikyle's P. O. V. "You're eating too much sausage. I think it's bad for the baby," ani Amiel. Napatigil ako sa pagnguya at tinignan ang aking plato. Nasa walong piraso na ata ang nakakain ko. Hindi ko magalaw ang kanin at purong sausage na lang ang kinakain ko. "But... Babi, parang ito lang yung gusto kong kainin, parang ayaw ko kumain ng ibang klase ng pagkain." "Aren't you full?" Umiling ako. "I see..." I can hear his deep breath while putting down his spoon and fork. Napataas ang kilay ko. Is he mad at me? Parang nakaka-guilty tuloy kumain pa. Our baby is really important to him, siguro kahit cravings ko kailangan ko pa rin kontrolin ang sarili ko. He slowly stood up dahilan para mapabitaw ako sa tinidor na hawak ko. Is he leaving me here? "Saan ka pupunta?" tanong ko.

