Elisse Nikyle's P. O. V. Napangiti ako nang ilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto na inayos namin ni Mommy, ito ang magsisilbing nursery room pagdating ni Baby. "Babi, gabi na. Don't tell me diyan ka matutulog sa nursery room," ani Amiel. Napalingon ako sa pinto ng silid, nakatayo ang asawa ko habang may twalya sa kaniyang leeg. Basa ang buhok nito at nakasuot lamang siya ng boxer shorts. "Na-excite lang ako bigla. Natuwa ako kasi talagang inalala nila Mommy si baby natin, halos lahat ng decorations sa kwarto ni Baby sa kaniya galing." Lumapit ako sa crib, wala pa itong kahit anong sapin dahil hindi pa namin alam kung babae o lalake ang magiging anak namin. "I'm also glad they make time for us today, nakapag-bonding tayong apat." Naramdaman ko ang paglakad ni Amiel papasok ng k

