Elisse Nikyle's P. O. V. "Parang ang sarap sa pakiramdam na maririnig kong ipagmamalaki ng asawa ko kung gaano siya kaswerte sa akin, tapos sasabihin niyang. You're the best wife!" Napataas ang aking dalawang kamay sa sobrang kilig. Gusto ko sanang tumalon sa tuwa pero hindi na ubra at buntis ako ngayon. Inayos ko ang mga damit at isa-isang nilagay ito sa closet namin ni Amiel. Nilagay ko sa hanger ang mga coat niya saka pinunasan ang mga handle ng closet. Pinunasan ko rin ang lalagyanan ng jewelries naming dalawa. Nagwalis rin ako sa loob ng walk in closet dahil napansin kong may mga buhok akong nalalagas na nahuhulog dito. Nang matapos ako ay napatingin ako sa oras. Nagulat akong makita na alas-syete na pala ng gabi. Dapat magluluto pa ako ng hapunan namin ni Amiel. Hindi pa ako nano

