CHAPTER 4

1064 Words
CELINE POV Bumangon na ako sa kama. Napahikab ako at tumayo na. Inayos ko muna ang nagulong kama. Nagpunta na ako ng banyo para maligo. Kikitain ko ngayun si karen. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Ayoko sanang pumunta ang kaso baka magtampo sa akin si karen. Gusto ko sanang iwasan ang lalaking iyon, pero alam kong magkikita kami lalo na't magkapatid sila ni Karen. Di ko namamalayan ang oras, lumabas na ako ng banyo. Sa loob na din ako nagbihis. Maglalagay na sana ako ng contact lens ng tumunog ang phone ko. Sinagot ko ang tawag ni Karen. "Hello Karen?" "Ate papunta ka na ba? May meeting kasi ako mamaya. Don't tell me hindi ka pupunta?" Nahihimigan ang panghihinayang sa boses niya. Napatingin ako sa wall clock. Oh s**t late na ako. Nagmamadaling nagsuklay ako. "Papunta na ako don't worry." Pinatay ko na ang tawag. Nagsuot na ako ng sapatos. Kinuha ko sa drawer ang eye glass ko. Dun na lang siguro ako maglalagay ng contact lens at make up. Bumaba na ako ng hagdan ng matapos ako. "Dad aalis nga pala ako." Paalam ko kay daddy ng makababa ako ng hagdan. "Saan ka pupunta?" Tanong niya. Ngumiti ako at niyakap siya. "Bibisitahin ko lang si Karen." Tumango siya, lumabas na ako ng bahay at tinungo ang garahe. Sumakay na ako sa sasakyan ko at pinaandar ang makina. Pinagbuksan ako ng gate ni manong. Mahigit isang oras din ang byahe ko papunta sa mansion nila. Nagpark ako sa gilid ng kalsada at naglakad papuntang gate. Maya-maya lang ay lumabas ang katulong nila at pinagbuksan ako. Sinamahan niya ako sa loob. "Ate Celine!" Napatingin ako sa itaas ng hagdan. Ngumiti ako kay Karen at kumaway. Nagmamadaling bumaba siya ng hagdan at mahigpit akong niyakap. "I miss you ate mabuti na lang at nakarating ka." Ngumiti ako ng pilit. Nilibot ko ang buong paningin ko sa mansion nila hanggang sa mapako iyon sa lalaking nakatingin sa akin ng seryoso. Napalunok ako ng sarili kong laway. Nag-iwas ako ng tingin at hinarap si Karen. "Sumaglit lang ako dito." Nalungkot si Karen. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako paakyat sa hagdan. Hindi na ako umangal pa at hinayaan siya sa gusto n'yang gawin. Dinala ako ni Karen sa kuwarto niya. Naupo ako sa gilid ng kama. Umalis siya saglit kaya ako na lang mag-isa dito sa kuwarto niya. Biglang pumasok sa loob ang lalaking ayokong makita. Napatayo ako ng diretso, Nakakunot ang noo nito. Parang natutunaw ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. "What are you doing here?" He asked. "Gusto akong makita ni Karen kaya hindi ako maka-hindi sa kanya." Lumapit siya sa akin. Nanatili akong nakatayo sa puwesto ko. "Yan ba ang totoong dahilan, o baka naman gusto mo lang akong makita. Kilala kita Celine patay na patay ka sa akin." Aniya. Sarkastimong natawa ako. Kunwari pang napahawak ako sa tyan ko. Seryoso ko s'yang tinitigan. "In your dreams. FYI Di na kita gusto Marcus. Nandito ako para sa kapatid mo at hindi para sa'yo." Sabay na nabaling ang atensyon namin kay karen na s'yang pumasok. "What's going on here?" Umiling ako at ngumiti. "Nag-uusap lang kami." Tumalikod na sa akin si marcus at lumabas na ng kuwarto. I let out a deep sigh. "Are you okay ate?" She asked. I smiled and hold her hand. "Don't worry i'm fine." Napahawak si Karen sa tyan niya na s'yang pinagtaka ko. "Babanyo lang ako ate. Suotin mo to" turo niya sa pahabang box. Nagmamadali s'yang pumasok sa banyo. Binuksan ko ang box, namangha ako sa nakita. Kinuha ko ang Wedding Gown. Itinapat ko iyon sa katawan ko. Pumunta ako sa whole body mirror na nandito. Napangiti ako habang nakatingin sa repleksyon ko. Wala naman sigurong papasok dito. Minabuti kong magbihis na para masuot ang gown. Muli akong napatingin sa salamin para makita ang kabuonan ko. Naglagay ako ng light make up. Ibinaba ko ang suot na salamin at naglagay ng contact lens. Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako ng mabungaran ko si Marcus. Shock crossed his face, his mouth dropping open slightly. "Wow.." rinig kong saad niya.. "Miss, Nandyan ba si Karen?" Tanong niya ng makahuma. Kumunot ang noo ko ng mapagtantong hindi niya ako nakilala. Matamis ko s'yang ningitian. "Nasa banyo." Simpleng sagot ko. "Ngayun lang kita nakita. Matagal na ba kayong magkaibigan ng kapatid ko?" Napairap ako ng mag-iba ang boses niya. Parang ang bait-bait niya pero kanina lang parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. "Ako to si Celine." Pag-amin ko. Nabalot ng pagtataka ang itsura niya. "Panong ikaw si Celine? Eh ang pangit ng babaeng iyon." Bigla akong nainis sa sinabi ni Marcus. kahit kailan talaga ang kapal ng mukha ng lalaking ito. Oo na siya na ang gwapo at ako na ang pangit. "Ako pangit? Yes, dati. Eto na ako ngayun Marcus. Ang pangit na sinasabi mo ay sinasamba na ng mga kalalakihan." Ngumisi ako sa kanya at pinagkrus ang mga kamay ko. Inis na sagot ko. "Hubarin mo 'yan di bagay sayo." Ningusuan niya ang wedding gown na suot ko. Napasinghap ako, umalis na siya sa harap ko. Sinundan ko na lang ng tingin si Marcus. Nakakainis talaga ang lalaking iyon. May araw ka din sakin. Lumabas ng banyo si Karen. Nag-iba din ang tingin nito sa akin. Lumapit siya sa akin at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya. "Hi? Who are you? Teka kaibigan ka ba ng kuya kaya ka nandito?" Napalitan ang nakakunot na noo niya ng magsalita ako. "Karen it's me Celine." I smiled. Katulad ng magaling n'yang kapatid gulat din ito. "Ate Celine?" I nod and smiled. Napayakap siya sa akin sa Sobrang tuwa. Hinawakan ni Karen ang magkabilang kamay ko. "Di ako makapaniwala na sobrang ganda mo ate Celine." Naalala ko tuloy ang nangyare sa akin sa Korea. Ganito din katuwa si Rea ng Ayusan niya ako. Talagang tinotoo ni Rea ang sinasabi n'yang papagandahin niya ako hanggang sa hindi na ako makilala pa ng mga taong nakakakilala sa akin. "Ma'am nandyan na po ang parents mo hinahanap ka." Napatingin kami sa katulong nila ng mag-salita ito. Napangisi si Karen dahilan para kilabutan ako. "Let's go ate. Ipapakita natin kay mommy ang ginawa kong Wedding Gown." May sasabihin pa sana ako ng hilahin na ako palabas ni Karen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD