CHAPTER 3

1701 Words
Celine POV Pikit ang mata habang pilit na binabangon ang sarili. Kinapa ko ang bed side table kung saan nakalagay ang tumutunog kong cellphone. nang makapa ko ay agad kong inaccept ang call kahit hindi ko tinignan ang pangalan ng tumawag. Humikab ako bago batiin ang tumawag. "Good morning celine deogracia speaking. Who is this?" Humikab akong muli. kinulang ang tulog ko. Wala namang imik ang nasa kabilang linya. kalaunan ay nagsalita din. "Hello ate celine.." napakunot noo ako at inilayo sa tenga ko ang cellphone. Number lang siya. sino naman kaya to? "Dapat ang sabihin mo from now on sa call is 'Hello this is Celine Deogracia-Lee hihi bagay.." nagulat ako ng sabihin iyon ng kabilang linya. "Sino to?" Narinig ko ang pagsinghap ng kausap ko. "Nakakatampo ka naman ate celine nakalimutan mo na ako.." kamuntikan ko ng mabitawan ang hawak kong cellphone ng marealize kong si KAREN ang nasa kabilang linya. "Karen? Ikaw ba to?" Tanong ko baka kasi ay hindi siya. "Yes ate celine ako nga.." masayang aniya. Napangiti ako. hindi pa rin siya nagbabago. "Kamusta ka na?" Tanong ko. "Ate celine I want to see you. Pwede bang dumalaw ka dito sa bahay tomorrow please.." pagmamakaawa ni Karen. Nakuha niya pang hindi sagutin ang tanong ko. Napakagat labi ako. Papayag ba ako o hindi? Baka makita ko ang taong iyon. Gagawa na lang ako ng excuse para hindi maglandas ang krus namin ni marcus. "Sorry karen pero may lakad ako tomorrow e." ginawa kong panghihinayang ang pagkakasabi ko niyon sa kanya... alam ko na sa oras na ito ay nagtatampo at napalabi si karen. "Ate celine naman. ngayun lang ako nagrequest e, tyaka matagal na tayong hindi nagkikita please ate celine pumayag ka na.." napabuga ako ng hangin. Napakamot ako ng batok at napatingin sa banyo ko. I need to take a bath but first kailangan kong lusutan si karen. "I'm really sorry karen-" hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko ng marinig ko ang paghikbi niya. naman, nagpapaguilty pa ang babaeng to. "Fine tomorrow mga ten-thirty nandyan na ako.." hindi ko talaga matiis ang babaeng to. Narinig ko sa kabilang linya ang pagyehey niya at pagtigil ng paghikbi. Napapailing na lang ako. "Aasahan ko 'yan ate celine ha. Tapos susukatin mo yung wedding gown na gawa ko mismo. Gusto kong makita ang soon to be sister-in-law ko suot ang wedding gown na gawa ko." Napatigil naman ako at hindi agad nakapagreact sa sinabi ni karen. "Umaasa ka pa rin bang magiging magkapatid tayo? Alam mo naman na kahit hindi na kami ng kuya mo nandito pa rin naman ako para sayo bilang ate mo.." umangal agad si Karen sa sinabi ko. "No way, I want you to be my sister-in-law. Ikaw ang gusto kong maging asawa ni kuya and I will do everything para mangyare 'yun." Determinadong aniya. "Ikaw talaga karen. Sige na kailangan ko ng bumangon and wait how did you get my number?" Napatawa naman si karen at sinagot ako. "I asked your cousin dave to gave me your number.. ganun kadali." Sinabayan niya pa iyon ng tawa. Napapailing na lang ako habang sinabayan na rin siya sa pagtawa. nakakahawa talaga ang kahyperan ng babaeng to. "Bye for now karen may gagawin pa kasi ako. I miss you, see you tomorrow.." "Bye ate celine. Hihintayin kita bukas." Nawala na ang linya kaya agad kong ibinaba sa bed side table ang cellphone ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. What now? Makikita ko ba siya dun bukas? Sana naman hindi. Tumayo na ako at hindi na nag-isip pa. Inayos ko ang higaan ko. bago ko tinungo ang closet at kumuha ng isusuot ko ngayun. Pagkatapos kong kumuha ng damit ay agad kong tinungo ang banyo. Ilang minuto lang ay tapos na ako maligo. Tinuyo ko ang basang buhok gamit ang towel. Kinuha ko ang lotion sa table ko sa gilid at naupo sa gilid ng kama. Napatingin ako sa harap ko kung san nandoon ang full body mirror ko. Tumayo ako at pinakatitigan ang sarili. Everyone says that I change alot. That's true. I want to show elaine and marcus that I can be a Better celine. Sa pananamit hanggang sa mukha. Kilala ako bilang Nerd. Mahaba ang buhok pero may bangs. Nakaretainer ang ngipin. Ang gusto ko lang kasi ang maging simple lang. Hindi ko nga akalain sa pangit na itsura ko ay may magkakagusto sa akin pero hindi naman pala totoo. Flashback "Ma'am celine balita ko may bagong tayong cafe d'yan malapit sa bayan. Gusto ko sanang itry kayo ba?" Nagkatinginan kami ni Melody na s'yang co-teacher ko. Sabay kaming tumango sa tanong ni ma'am cathy. We are preschool teacher's sa school kung saan kami ang may-ari. After I graduate sinubukan kong magtrabaho sa school namin as a teacher. The reason? I loved kids Wala naman akong masamang narinig mula sa magulang ko ng sabihin ko sa kanila 'yun. bagkus nagustuhan pa nila na sa school na lang namin ako magtatrabaho. Pagkatapos ng klase namin ay pinuntahan namin ang cafe na sinasabi ni ma'am cathy. Napakaganda ng loob ng pumasok kami sa cafe. Napapanganga na lang ako sa nakikita ko. Nag-order na ang dalawang kasama ko. Mga ilang minuto lang ay dumating na din ang inorder namin. Tumunog ang cellphone ni ma'am cathy. sinagot niya ang tawag. Nag-aalangan s'yang magsalita ng humarap siya sa amin. "Kailangan ko ng umalis hinahanap na ako ng asawa ko.." nanghihiyang aniya. "Sige mag-iingat ka ma'am cathy bukas ulit." Ani ko. "Pasensya na kayo ah, gusto ko sanang makapagbonding tayo but si mister kasi miss na ako haha.." nagtawanan kami. Pagkatapos magpaalam ni ma'am cathy ay si ma'am melody naman ang nagpaalam sa akin. "Sorry talaga celine need na ako sa house e, bukas babawi ako.." tumango ako. "Nakakainis kayo iniiwan niyo ako.." napalabi ako. natawa naman si ma'am melody. "Pasensya na talaga celine.. sige alis na ako." Bumeso ako sa kanya. "Ingat ka." She nod at umalis na. Napaupo ako at napalumbaba. What now? Inubos ko na ang pagkain ko at ininum ang ice tea. Lumapit sa akin ang waitress na ang pangalan ay helen. "Goodafternoon ma'am eto na po yung order mong coffee." Inabot niya sa akin ang coffee. "Salamat.." kinuha ko na ang coffee na hawak niya. Tumayo ako at nagpunta sa counter at nagbayad na. Pagkatapos kong magbayad ay tinungo ko na ang table ko. Pagkaupo ko ay nagring ka agad ang phone ko. Kinuha ko ang cellphone sa bag at tinignan ang caller. Inaccept ko ang tawag ni mom at tinapat sa tenga. "Hello mom.." "Hello celine anak, where are you? I thought you will help me cook our dinner." Napatampal ako sa noo. Yeah right, nagprisinta akong tulungan si mom sa pagluto ng dinner namin kaso nakalimutan ko. "Mom pauwi na ako. Dumaan lang kami ng mga co-teacher's ko sa bagong tayong cafe.." "Sige anak take care.. i love you" "I love you too." Pinatay ko na ang call at binalik ang cellphone sa bag ko. Tumayo na ako at inayos ang sarili. Kinuha ko na ang bag ko at ang coffee ko. Nakatingin lang ako sa dinaraan ko habang nakayuko. Inalungkat ko ang bag. Wala ang wallet ko. Bumalik ako sa table ko at kinuha ang wallet na naiwan ko. lakad takbo ang ginawa ko. Kamuntikan na akong matumba ng may makabanggaan ako. Agad n'yang nahawakan ang bewang ko. Kung hindi niya nagawa iyon malamang nasa lapag na ako. Napalayo agad ako sa kanya ng matapon ang coffee ko sa damit niya. Ang ilan naman ay sa suot kong uniforme. Napaso ang lalaki kaya pinapagpag niya ang suot. Naguilty tuloy ako dahil sa katangahan ko. Mainit ang hawak kong coffee kaya talagang napaso siya. "Naku sorry.." agad akong kumuha ng tissue sa table na malapit sa amin at pinunasan ang long sleeve polo ng lalaki banda sa dibdib. Hindi ko napansin na mas tumagal ako sa pagpunas sa abs niya. Hinawakan ng lalaki ang kamay ko. "That's enough.." buo ang kanyang boses. Napaangat ako ng ulo at ganun na lang ang pagkamangha ko ng makita ang lalaki. Perfect lips and those great jawline. His thick eye brows. He's handsome. Ngayun lang ako nakapag-appriciate ng gwapong lalaki. "I'm - i'm sorry mister.." nahihiyang saad ko. First time nangyare sa akin na napahiya ako sa lalaking ganitong kagwapo. Nanatiling nakakunot ang kanyang noo.. nakataas din ang kanyang kilay. Mukha s'yang masungit. "You need to pay this.." He finally said. "Money? Sabihin mo lang kung magkano ang pinangbili mo d'yan babayaran ko.." mula sa pagiging seryoso ay onti-onti nagbago ang itsura niya. Napatawa ng malakas ang lalaking kaharap ko. What's happening? Ilang minuto lang ay huminto na s'yang tumawa. " I dont need your money.." naguluhan ako. "Then what?.." I asked. He smile to me.. naantig naman ako sa nakita ko. Lalo s'yang gumagwapo sa paningin ko. Bigla akong nanliit sa sarili ko. Hindi ako nababagay sa ganitong klaseng kagwapo na lalaki. Wait, what? Wala naman ata akong balak na makapagboyfriend ng gwapo dahil sa pangit ko na to. "I want you to be may friend here in this cafe.. one month as my buddy. Gusto ko ng makakasama dito. everytime na nandito ako. kailangan mo akong pasayahin." Aniya. Napabuka naman ang labi ko dahil sa sinabi niya. "Are you serious for real? Mag-isip ka nga muna. baka ano nakakahiya at baka machismis ka dahil sa akin.." mahinang saad ko. "No, Pumayag ka na para sa kabayaran ng ginawa mo sa akin." Ningusuan niya ang damit niya.Napatingin ako sa damit niyang may mancha ng coffee . Oo nga pala natabunan ko ng kape ang damit niya dahil sa kakamadali ko. "Sige payag na ako." He smile. inilahad niya sa akin ang kamay niya. "So deal?" I nodded. "Deal. One month lang ha.." binitawan ko na ang kamay niya at tumalikod na sa kanya. Malapit na ako sa door ng marinig ko s'yang sumigaw. "Wait! Ano palang pangalan mo?" Hinarap ko siya. "I'm Celine.." balik sigaw ko. "Ako naman si marcus.." sabi niya. ngumiti ako sa kanya at tinulak na palabas ang door. May ngiti sa labi habang naglalakad ako papuntang parking. May maganda din palang nangyare sa akin sa araw na to. End of flashback
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD