CELINE POV Tatlong linggo ng hindi nagpapakita sa akin si Marcus. Siguro naisip nya na kalimutan na lang ako pagkatapos ng mga nalaman nya. Gusto ko nga saktan si Marcus pero bakit ganito ang pakiramdam ko. I feel guilty. Alam ko kasi sa sarili ko na isa rin ako sa may kasalanan. Tama ba na hiwalayan ko si Marcus? Kahit na may galit ako sa kanya hindi magbabago na mahal ko sya. Pero hindi madaling kalimutan ang lahat. Paulit-ulit bumabalik sa isip ko na nakunan at nasaktan ako ni Marcus. Hindi ko napansin ang paglapit sa akin ni Marco. "Mommy celina is crying." Aniya. Ngumiti ako sa kanya at lumuhod. "Gusto mo bang sumama kay tito tyron mo? Pupunta raw kayo ng mall." Biglang naging masaya ang anak ko at tumalon-talon. "Yes po mommy." Bigla syang tumakbo palayo. Napailing na