MARCUS POV Sinundan ko ng tingin si Celine. Huminga muna siya ng malalim bago niya ako tinignan. Nakahiga ako sa kama habang siya ay nakasandal sa pinto. "Hindi ka ba talaga aalis d'yan. Ayokong makatabi ka." Umiling ako. "At bakit ako makikinig sayo? Wala namang masama kung magkatabi tayong matulog. Mag-asawa pa rin naman tayo. Unless kung may binabalak kang masama sa katawan ko." Agad akong pinagkrus ang magkabilang kamay sa katawan ko. Umasim ang itsura ni Celine. "Nagpapatawa ka ba? Hindi ko pagnanasahan yang.. yang katawan mo." Nag-iwas siya ng tingin. Natawa ako sa tinuran niya. Wala syang ibang choice kundi ang makasama ako sa iisang kuwarto. Isang kuwarto lang ang nakuha namin dahil maraming nagcheck in. Gusto pa sana ni Celine na lumipat kami sa ibang hotel. Mahaban