Umalis ako ng office ni Nicholo Smith na na halos maglabas ng apoy ang mga mata ko sa galit. Parang gusto kong magsisigaw at magwala sa aking natuklasan. Ang tagal namin siyang hinanap ni Daddy Hernan. Kung saan-saan pa nga ngunit dito lang pala siya nagtatago at mukhang ginalingan nga niya ang pagtatago niya. Akala ni Dolly hindi ko siya makikilala sa disguise niya? Huwag ako dahil kilala ko ang bawat bahagi ng kanyang mukha at katawan. Don't use her trick to me dahil hindi ako malilinlang ng mga suot niya. Pinapangit man niya ang kanyang anyo para makapagtago sa aming dalawa ni Daddy Hernan. Puwes! Tapos na ang side and sick namin dahil iuuwi ko na siya ng Villa Estella sa ayaw niya at sa gusto. I will tell her dad that I saw her here in San Benitez. Matutuwa sa akin ang matatanda d