Kabanata 45: Naunahan ako. (Manika's POV)

1553 Words

Nauupos ako na naiwan na parang kandila. Napaupo ako sa kama habang sapo ng mga palad ko ang aking mukha. Umiyak ako nang umiyak habang nanginginig ang aking katawan. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Pagkatapos ng sarap at saya, iyakan na ang kasunod. Ang tanging hiling ko lang naman ay takasan ang responsibilidad na binibigay sa akin ni Daddy. Na kaya ako lumayo ay para ma-realized niya ang worth ko bilang anak niya. Hindi ko naman akalain na sa pagtatago ko sa kanya ay makikilala ko si Sir Nicholo at mahulog ang loob ko sa kanya. Sabi ko, haharapin ko ang ganitong problema kapag dumating ang ganitong pagkakataon. Sabi ko matapang ko ito haharapin dahil ipaglalaban ko ang nais ko. Pero bakit ngayong nasa harapan ko na, nanghina ako at hindi ko alam ang aking gagawin? Natatakot ako and

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD