Iyak ako nang iyak habang katabi ko sa likod ng sasakyan si Ms. Fierah. Tahimik naman siyang nakaupo sa tabi ko habang hinahagod ang aking likod. Hindi ko matanggap na gano'n-gano'n na lang kung ipagtabuyan ako ni Sir Nicholo. He didn't listen to my explanation. He didn't give me a chance. Basta na lang niya akong pinalayas at pinagtulakan na hindi pinapakinggan ang paliwanag ko. Mas pinaniniwalaan pa niya ang lalaking iyon na ngayon lang niya nakita. Samantalang ako na nakasama niya ng halos mahigit walong buwan ay hindi niya magawang makinig sa mga paliwanag ko. Yes, my name is fake. My identity is fake. But my love for him is real. Siya lang ang minahal ko ng ganito at labis akong nasaktan sa ginawa niya. I give him my all, my love, my body. Pero hindi pa pala naging sapat iyon dah