"D-Daddy, hindi po ako sasama. Hayaan na po ninyo akong manatili rito sa San Benitez," umiiyak kong pakiusap kay Daddy. Halos lumuhod na ako upang pumayag siya sa pakiusap ko. Nang buksan ko ang pinto ay siya ang nabungaran ko sa labas. Nanlumo ako na hindi si Sir Nicholo ang napagbuksan ko ng pintuan. Sobra akong nagsisi na binuksan ko pa ito. Heto ako ngayon at pinipilit ni Daddy na kunin upang ibalik na ako sa Villa Estella. Tumanggi ako at halos luhaan na akong nakaluhod sa paanan niya huwag lang nila akong maibalik doon. Hindi ko nais magpakasal kay Franco at matali sa isang relasyon na hindi ko pinangarap. I don't love him and he will never have my heart. "No, Dolly! Tama na ang halos walong buwan na pagtatago mo sa akin! Tama na ang nagastos kong salapi mahanap lang kita!" Galit