Palakad-lakad ako sa loob ng aking opisina. I can't concentrate on working. Ilang beses akong nag-check ng cellphone ko kung nag-reply na si Manika. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagre-reply sa mensahe ko. I'm so worried, kagabi pa. Nang lisanin niya ang party ay hindi na ako natahimik. Gusto ko mang sundan siya at ipaliwanag sa akin kung bakit bigla na lang siyang umalis ng party ay 'di naman ako makaalis sa party. Susunod kasi ako na magbibigay ng speech at nakakahiya naman kung makita nilang wala ako. Until now nasa utak ko pa rin kung bakit bigla na lang siyang umalis sa party. Idagdag pa ang lalaking nakasabayan kong sumigaw habang nakatingin kay Manika na nag-aabang ng sasakyan. Manika. Dolly. Ang English ng Manika ay Dolly. What a coincidence? Magkaibang babae ba ang tina