Hinihingal na binuksan ko ang pintuan ng apartment namin ni Yaya Conchita pagkatapos na maihatid ako ng taxi sa tapat ng unit namin. Akala ko hindi ko dala ang duplicate key ko. Salamat naman at naalala kong ilagay ito sa purse ko kanina kaya hindi na ako nag-abala pang gisingin si Yaya Conchita. Kaagad akong dumiretso sa kwarto ni Yaya Conchita nang matanggal ko ang suot kong stilettos. Ginising ko siya kaagad upang makaalis kami kaagad dito. We're not safe here anymore. Nakita ako ni Franco kanina at natatakot ako na baka nasundan nila ang taxi na sinasakyan ko. Glad to know na wala naman akong napansin na sumusunod sa akin kaya panatag ang kalooban ko. But we need to get out of here as soon as possible. Itutuloy na namin ang paglipat sa medyo liblib na lugar malayo sa mismong city.