Balik sa trabaho ang buhay ko nang makauwi kami ng San Benitez, gusto ko mang isama sa opisina si Manika para hindi siya ma-bored sa bahay, mas pinili kong sabihin sa kanya na magpahinga na lang muna siya sa bahay habang nagtatrabaho ko. Pareho kaming pagod nang makarating kami ng mansyon dahil sa mahabang biyahe. Pero marami akong tambak na trabaho sa opisina kaya wala akong magawa kundi pumasok para tapusin ang mga ito. Gusto ko mang magpahinga at manatili sa bahay, nahihiya naman ako kay Tito Daniel dahil siya ang sumasalo sa mga trabaho ko. Aagahan ko na lang umuwi mamaya para maaga rin akong makapagpahinga. Iwas na muna ako sa favorite exercise ko para makapagpahinga. Tahimik kong binabaybay ang daan papunta sa opisina ko habang iniisip ko kung kailan namin dapat pag-usapan ang pag