"Anong ibig sabihin nito? Sinong nag-utos sa inyo? Pakawalan niyo ako! Wala kayong mahihita sa akin! Pakiusap pakawalan na ninyo ako!" patuloy kong pagsigaw habang pilit kong ginagalaw ang aking katawan. Wala akong makita dahil natatakpan ng blind fold ang aking mga mata. Mahigpit pa ang pagkakatali ng aking mga kamay at paa kaya hindi ako makakilos upang makatakas. Natatandaan ko na on the way na kami ng driver papunta sa building ni Sir Nicole. Masayang-masaya pa naman ako habang kipkip sa aking kandungan ang lunch na pagasasaluhan namin ni Sir Nicholo. Pero hindi na pala ako aabot sa kanya. May humarang sa aming kotse sa palikong daanan na walang masyadong tao. Isa itong itim na van at alam kong nasa masama kaming sitwasyon. Sobra akong nag-panic dahil akala ko holdap ang gagawin nila